Jeon Jungkook•
Tangina.
Walang Bae Seo Joong sa NSO sa Pinas saka Korea. Pero ang sabi, anak nya si Bae Irene? Tas kapatid nya si Bae Suzy?. I need a background check.
"Kook? Kamusta? Nahanap mona ba yung mga Bae?" pagtatanong ni Kuya Hoseok. Sya ang kasama ko ngayong gabi. Nakaka tatlong kape na ata kami. Its already 12:33 am.
"Bae Suzy lang saka Bae Irene" sabi ko. "pero kuya di kaba nagtataka? Walang Bae Seo Joong dito?"
"oo nga e. Mukhang kelangan natin pasundan yung dalawang babae ah. Pero hindi pwede sina Yeonjun at sina Lisa." napaisip na sabi ni Kuya.
"asan ba kasi si Kuya Joon?" tanong ko sakanya.
"hindi ko din alam e. Di naman nagpaalam. Teka nga hanapin ko" sabi nya at binaba yung mug atsaka lumabas.
Magisa nanaman ako. Kung andito siguro si Soobin, sasamahan ako non.
Hindi pa man nagtatagal ay may kumatok sa kwarto ko.
"kuya" sambit nito.
"Lisa? Okay kana ba? May masakit ba sayo?" pagaalala ko.
"No kuya, okay na ko. Nakapagpahinga na. Eh ikaw ba? Nakapag rest kana?" tanong nya
"I'm fine. I just want to find Soobin and the rest already." sagot ko.
"nga pala, I heard Yeonjun crying again." malungkot na panayam nya. "seems like kahit lagi silang magkaaway ni Soob, naging special parin sya kay Yeon." sabi ni Lisa.
"parang kayo ni Jisoo?" pangaasar ko naman.
To light up the mood. Pero parang hindi sya natawa or what.
"what happened, Lalisa?" I asked.
"I.. Confessed." sabi nya na syang kinalaki ng mata ko. Hindi naman ako nakarespond agad kaya't nagpatuloy sya. "I thought, she liked me back. Kasi naramdaman ko e. Naramdaman ko yung mga pinaparamdam ko sakanya pero puta haha. Hindi nya pala ako gusto. Turns out she liked Jennie. Pero kay Chaeng na sya so she toned down a bit."
"Alam mo lis, may mga taong meant lang maging kaibigan. May mga taong kahit anong pagpapapansin mo, its either oblivious sila o wala silang gusto sayo." saktong pagtapos ko magsalita ay may tumawag sakin.
Unregistered number?
"Hello?"
"B-bae" yun lang ang sinagot ng caller.
"base--" magsasalita palang sya uli nang parang nabagsak ang phone nito. naalarma naman ako at attentive na nakinig.
"WHAT WAS THAT? HMM?" a booming voice said.
Nanlaki yung mata namin ni lisa at agad na nirecord yung call.
"WHO WERE YOU TALKING TO? MAY TAKIP NA NGA YANG BIBIG MO, NAKAPAGSALITA KAPA HA." pagkatapos ng mga katagang yan ay nakarinig ako ng lagapak at isang malakas na halakhak. Kasunod nito ay isa pa muling lagapak at muffled scream.
"eto ang sasabihin ko sayo, JEON. Hindi kayo mahahanap ng pamilya mo dito. Hintayin lang natin magising si KANG At si JUNG. Magtutuos pa kami ng mga gago nyong kapamilya at iis--" Toot toot toot
"PUTARAGIS" tanging nasambit ko at sinubukang itrack yung phone na pinantawag. "BAKIT WALANG LOC--" napadouble check ako dahil may isang red dot na lumabas. Nasa bandang Makati yung red dot.
Tinignan ko naman si Lisa at tinanguan. Nagets nya naman yung ibig kong sabihin dahil agad din syang nagkalikot sa phone nya kung anong mga kompanyang nakapalibot sa Makati.
"meron kuya, Babi enterprise, sa makati lang din. Kila Irene ata to. Si Seulgi may alam e, meron don sila kuya Taehyung deba?" Sabi niya.
Nang walang anu ano'y bigla nanamang may pumasok sa kwarto ko.
"anong nakalap nyo?" pagtatanong ni kuya Namjoon.
"si Soobin tumawag samin kuya. Nalaman kong sya yon kasi may bumabanggit nung apilido namin. Kasama na yung Kang saka Jung. Nung hinanap namin yung location ng phone ay nasa makati sya. Red dot lang yung lumabas hindi yung mismong location. Ibig sabihin, lumang type yung phone nya. Walang ganong phone si soobin. At kaya't unknown ang number na lumalabas sakin." paliwanag ko.
"okay. So sa makati yan?" tanong nya. Tumango naman kami ni Lisa.
"pwede ba natin silang manmanan? I mean, pag may suspicious na nagaganap, ganon." suggest ni lisa.
"tayo, hindi, pero yung mga kakilala ko sa makati, pwede." sabi ni kuya Joon. "send me the exact location of the enterprise. Sesend ko sakanila. Hindi natin pwedeng pagusapan dito dahil wala tayo sa hideout."
Nang maisend ko kay kuya ay lumabas ako saglit para kumuha ng tubig. Nakita ko naman si Yeonjun sa kusina.
"Yeon, magpahinga kana, madami tayong gagawin bukas." sabi ko.
"kuya sorry" sabi nya nang garagal yung boses.
"lasing kaba?" tanong ko.
"kuya sorry kasi hindi ko sila natulungan. Sorry po" sabi nya at tuluyan nang tumangis.
"You din your best yeo-" di ako natuloy sa pagsasalita nang nagsalita na sya.
"but my best wasn't enough, kuya." sabi nya at muling lumagok sa hawak nito.
"stop. Gusto mong mabatukan pagbalik ni Soobin?" I tried to talk him out using the soobin card kaya't mukhang effective to.
"kuya bukas, sasama ako ha" laseng na sabi nya.
"oo kasama ka. Nga pala si Beom?" tanong ko.
"kinakausap na sya ni Taehyun. Sinisisi nya yung sarili nya. Putangina ako yung late na dumating, ako yung may kasalanan kuya, wala syang ka-" diko na sya pinatapos at nagsalita nako.
"walang may kasalanan. Nagulat tayong lahat. Okay?. Taragis pwede ko ding sabihing kasalanan ko kasi wala ako don nung nga panahong yon. Pero Yeon, kayo ni Beom, wala kayong kasalanan." mahinahong sabi ko sakanya. Pagtapos non ay umakyat na din sya sa kwarto nila ni Soob.
Nang makakuha ako ng tubig ko ay umupo muna ako saglit. Nakakapagod tong araw na to.
Unknown
Konti nalang. Mabubuo kona ang plano ko. Makakapaghiganti din ako.
"dad" tawag sakin ng anak ko. Pero hindi ko sya tinuturing na anak. Dahil hindi naman talaga.
"what." sabi ko
"gising na si Kang. Napalakas ata yung hampas sa ulo nya. Wala syang maalala" sabi nito.
"edi magaling. Titignan natin kung pano maging halimaw ang isang Lalisa Jeon at Kim Taehyung." sabi ko habang tumatawa.
Talaga nga namang napakasaya. Makakamit ko din yung inaasam ko. Matagal ko nang sinabi kay Kim Gong Yoo na nasa akin padin ang huling halakhak.
"you did well today, Son." ngiti ko sakanya. "pero sabihin mo sa dalawa mong te na maghanda na sila. Dahil sila ang susunod na gagalaw."
A/n: padami na ng padami ang characters a HAHA salamat po sa mga nagbabasa💜

YOU ARE READING
Defiance (a BTS Tagalog Au)
Actionpumasok si Namjoon sa isang madilim na kwarto. bumungad sakanya ang kanyang ama at anim pang ibang lalaki na sa tingin nya ay kasing edad lang ng ama nya, kasama pa ang anim na binatilyong kasing edad naman nya. "sya na ang kikilalanin nyong pinuno...