Serving The Five Masters
Copyright @Diyanarah
"Charlene kung hindi ka pa talaga babangon diyan ipagkakalat ko sa lahat ang ginawa mong pamamahiya kay Zach" may halong pagbabanta na wika ng pinsan kong halos araw-araw akong iniinis.
"Pwedeng five minutes pa?" tinatamad na saad ko sabay takip ng unan sa mukha ko, hindi ko kailangang pumasok ng maaga kung ang limang unggoy lang naman ang makakasalamuha ko doon.
"Baka nakalimutan mong may kontrata kang pinirmahan" narinig ko siya pero hindi ko pinansin, bahala sila sa buhay nila."May parusa pa mandin kapag nahuli ka" pagkatapos niyang ipaalala sa akin ang lahat ay narinig ko na ang pag sara ng pintuan, agad akong bumangon at dumiretso sa banyo.
Pinagsisisihan ko talaga ang pag bangga sa limang unggoy na 'yan, kung bakit ba naman kasi tatanga-tanga ang kaibigan ko, nahulog kaagad sa isang lalakeng hindi naman dapat minamahal, syempre bilang kaibigan ay tutulungan at ipagtatanggol ko siya sa lahat ng bagay pero ano ang naging kapalit? Isang mala impyerno na buhay kasama ng limang 'yon at kabilang na doon ang magaling kong pinsan.
Ako si Keira Charlene Dela Torre, isang senior high school student na may isang simpleng pangarap—ang mamuhay ng simple at tahimik— na siyang imposible namang mangyare dahil galing ako sa isang mayamang angkan na laging headline sa balita, importante ang image ko sa lahat, hindi dapat nila ako makitaan ng masamang ugali o kung ano man at higit sa lahat dapat lumayo ako sa issue na ikakasira ng reputasyon ng pamilya namin at iyon ang pinanghahawakan ng limang lalakeng kinaiinisan ko.
Mahigit isang buwan na akong nagiging alila ng mga iyon, believe it or not I spend the whole semestral break with them, ipinaparanas nila sa akin ang impyerno na dapat ay hindi ko nararanasan ngayon, mabuti nalang lumaki akong may alam sa gawaing bahay kung hindi ay baka hinayaan ko nalang na ipagkalat nila ang eskandalong iyon at lulunukin ko nalang ang lahat ng masasakit na salitang lalabas sa bibig ng mga magulang lalo na ng lolo ko.
Kung titignan ang anggulo sa ginawa kong pamamahiya kay Zach sa isang bar ay talagang deserve niya iyon dahil isang lapastangan ang grupo nila kaso nga lang ako ang magiging masama sa mata ng lahat matapos nilang mapanood ng video dahil bukod sa anak rin sila ng kilalang tao ay sikat rin ang mga iyan sa lahat.
Kailangan ko pa bang ipakilala sila isa-isa? Huwag na kaya? Sayang lang ang oras pero dahil mabait ako sige na nga.
Charles Andrei Dela Torre. Ang magaling kong pinsan na hindi manlang marunong kausapin ang apat niyang kaibigan para sana mapatawad na ako sa ginawa ko sa so called leader nila.
Katulad ko, siya ay medyo singkit, may mapuputi at makikinis na balat na kung hindi mo kilala ay mapapagkamalan mong isang sikat na artista sa korea, magugulat ka nalang na bigla siyang tatawagin ng 'oppa' kapag nakita mo siya sa kanto. Minsan mabait at maalaga naman iyan, sadyang bad influence lang ang mga kaibigan niya kaya siya nagiging bastos at saka kilala rin siya sa pagiging mayabang niya lalo na kapag ang pinagmamayabang ay ang mukha niya.
Sa lahat ng pageant siya ang nagiging escort dahil sa kwgapuhan niyang taglay na hindi ko mawari kung saan nila nakita. Manly siya sa lahat ng bagay maliban nalang kung may matipuhan siyang gamit na kulay pink na siyang pinakapaborito niyang kulay kaya minsan hindi ko talaga alam ang gender niya.
Patrich Remington. Mapapanganga ka talaga sa kanya lalo na kapag kinindatan ka, katulad ni Charles, may mga singkit rin siyang mga mata which is actually lahat naman sila, pinaglihi ata sila sa koreano.
Laging present 'yan sa tuwing may aktibidad ang simbahan, palibhasa may charity ang mga magulang pero huwag kayong maniniwala na maka-Diyos iyan dahil sa pagmumukha palang niya ay alam mo na kung ano ang ugali niya, the face itself tells him who he is. Madalas mo maririnig sa kanya ang mga phrases na Heaven is Real, This bird of mine is more yummier than your hamburger, in short he is a womanizer, a playboy, at higit sa lahat puro bastos ang lumalabas sa bunganga niya, kapag talaga makasama mo siya buong araw ay paniguradong kailangan mo talagang mag simba para mabawasan ang mga kasalanang narinig mo.
BINABASA MO ANG
Serving The Five Masters
Teen FictionThe Revised version of @Pinky_CLover's story entitled (Being Slave of Five Evil Boys), hope you like it! (9-8-19) #92 in Featured Stories