CHAPTER 24

87 4 0
                                    


Serving the Five Masters 
Copyright © Diyanarah 

Just like what I have expected, kumalat nga ang balitang may relasyon na kami ni Zach, buong campus pinaguusapan kami ngayon—hindi lang pala sa campus kung hindi maging sa business industries at buong pilipinas na nakakakilala sa amin. Masaya naman ang magulang ko sa nababalitaan nila, hindi na daw nila kailangang gumastos para lang ipabalita sa lahat ang tungkol sa amin.

We are not engage because of a mere business reasons, it is because of love, sa pagkakataong ito ay masasabi kong mahal ko na siya dahil wala namang pinipiling oras kung kailan ka mahuhulog, basta simula na ata noong naging slave nila ako ay may gusto na ako sa kanya, tinatanggi ko lang noon dahil mas nangingibabaw ang galit at inis ko sa kanya.

Pagkatapos ng klase ay dumiretso ako sa supreme student council room para ipasa ang listahan ng mga upcomming event na darating ngayong taon, sa ayaw ko man o sa hindi ay ako ang naging Vice president ngayon ng SSC dahil kay Zachary, masyado siyang mapilit, gusto niyang ako daw ang vice niya.

Kumatok ako ng tatlong beses bago ako pumasok, nadatnan kong abala si Zach sa isinusulat niya sa kanyang notebook, hindi manlang niya ako napansin.

"Hi!" si Anthony ang unang nakapansin sa akin, malawak ang kanyang ngiti at nag wave pa, napangiti nalang rin ako at bumati pabalik.

"Eto na yung mga kailangan niyo" saad ko at ibinaba sa table ni Zach ang mga papel na hawak ko, "Kumpleto na sa detalye iyan, palitan mo nalang kung may hindi ka gusto" ayoko naman makaistorbo kaya paalis na sana ako kaso nga lang may naalala ako."Zach pwede bang ikaw ang maging partner ko sa Music Fest?"

"Hindi ako marunong kumanta" napabuntong hininga ako, I guess kailangan kong mag solo.

"I volunteer Keira" singit ni Xavier habang itinataas pa ang kanyang kamay."Wala naman sigurong masama na samahan ko si Keira right? Mag kaibigan lang kami kaya huwag kang mag selos"

"Hindi ako nagseselos" hindi daw, pero ang sama ng tingin kay Xavier."Dalian niyo na nga" inis na saad nito at napatingin sa akin,"Hintayin mo kaming matapos dito, ihahatid kita sa inyo,"

"Okay, tara mag fish ball pag-uwi natin" aya ko pa na ikinatango lang niya, I kiss his cheek before I immediately went out of the room, napahawak nalang ako sa may pisnge ko ng maramdaman ang pamumula ko, ilang beses na nangyare sa akin iyon pero hanggang ngayon ay hindi parin ako nasanay.

We've been together for a month now, at sa awa ng Diyos wala pa namang nananakit sa aking fan girl ng boyfriend ko, malamang takot silang ma bully na gaya ng ginawa nila sa akin noon. Once kasi na binully nila ang isang estudyante ay tiyak na buong campus na ang magiging kaaway nito, kaya maswerte parin ako.

Pag labas ko ng room ay sakto naman ang pag pasok ni Sofia, hindi ko siya pinansin pero hinawakan niya ang braso ko kaya napatingin ako sa kanya, pinanlakihan niya ako ng mata, hanggang ngayon hindi parin pala siya makamove on.

"My life is so messy and it's because of you, mag babayad ka sa pag agaw mo sa lahat na meron ako Keira, I swear..." banta niya, she even glared at me, "Tsk! Pathetic bitch" pagkatapos nun ay pumasok na siya sa loob, napatingin ako sa braso ko, nag iwan ng marka ang mahaba niyang kuko, geez!

Sa library na muna ako tatambay habang hinihintay ang tawag ni Zach, simula noong naging kami ay lagi na niya akong sinusundo at inihahatid kaya kahit na gabihin pa kami ay ayos lang dahil kasama ko naman siya, safe namang umuwi. Plus may sarili na kaming bahay for the future kaso nga lang hindi pa kami bumibisita doon dahil masyado akong abala sa pag-aaral at saka kasalukuyan palang namang ginagawa.

Bago ako dumiretso sa library ay dumaan na muna ako sa may locker ko, kinabahan ako bigla ng mapansin ang kulay pulang tinta na tumutulo mismo mula sa loob ng locker ko na parang natapon ang kung ano mang likidong nasa loob nito.

Nanginginig ang kamay kong binuksan ito, napaatras ako ng makita ang laman nito, isang patay na ibon at punong puno ng dugo na hindi ko mawari kung anong dugo iyon, napatakip ako sa bunganga ko at iniwas ang tingin doon, maging ang mga estudyanteng nakakita sa akin ay nagulat sa kung ano ang laman ng locker ko.

Hindi ko mapigilan tuloy ang hindi maluha sa nakita ko, nakakatakot, may gusto bang pumatay sa akin? Is this death threats? Halata naman di ba? Ghad!

Isinara ko nalang ulit ang locker ko at nag madaling lumabas, madadaanan ko ang SSC room kaya naman saktong palabas si Zach, gulat siyang napatingin sa akin ng bigla ko nalang siyang yakapin, hindi ko na napigilan ang mga luha ko at tuloy tuloy iyon sa pag tulo, natatakot ako! Sino ba naman ang hindi matatakot kung ganoon ang nakita ko.

"Hey!" humiwalay siya sa yakap at pinunasan ang luhang tumutulo sa pisnge ko, hindi ko naring namalayan na maging ang iba ay lumabas narin para makiusyoso, "What happened? Bakit ka umiiyak? May nanakit ba sa iyo?"

"Someone want me dead Zach...may nakita ako sa locker ko.."

"ssh! Ako na ang bahala" nilingon niya si Anthony na mukhang gulat rin."Alamin mo kung sino ang may gawa nito, check the CCTV"

"Ayan kasi ang napapala ng mga malalandi" singhal ni Sofia mula sa likuran kaya napunta sa kanya ang lahat ng atensyon,"Hindi ako ang may gawa nun" depensya niya kaagad.

"You look guilty" komento ni Xavier na ngayon ay nakakunot na ang noong nakikipagtitigan kay Sofia.

"Hindi ako, seryoso...ang raming may ayaw sa kanya para kay Zach, hindi lang naman ako" pautal-utal pa siya habang sinasabi iyon at nilagpasan na kami, "Kung ako sa inyo mag hiwalay na kayo, wala rin naman kayong mapapala" dagdag niya pa kaya itinaas nalang ni Anthony ang middle finger niya.

"Relax..ako na ang bahala doon, don't worry nandito naman kami para protektahan ka" saad ni Zach at marahang hinalikan ang noo ko, medyo kumalma naman ako sa ginawa niya, sana nga mga fan girls lang niya ang may gawa nun sa akin, hindi ng kung sino man, nakakatakot. Ayoko ng makatanggap ulit ng ganoon.

*** 

Serving The Five MastersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon