Serving The Five Masters
Copyright © DiyanarahNagising ako ng dahil sa ingay na naririnig ko mula sa labas ng kwarto, hindi ko namalayang nakaidlip pala ako habang nililinis ang kwarto ng kamahalan, bago pa man nila ako maabutan ay bumangon na ako at inayos ang bed sheet. Sakto naman ang pag bukas ng pintuan at iniluwa iyon ang walang emosyon na si Zach, saglitan kaming nagkatitigan hanggang siya na mismo ang unang umiwas.
"Tapos ka na ba?" tanong niya, "Bumaba ka na at may ipapagawa sa iyo si Patrich" nanatili lang akong nakatingin sa kanya, ibinaba niya ang kanyang bag at sinimulang tanggalin ang butones sa kanyang uniform, napatigil siya bigla at napatingin sa akin na nakakunot ang noo, "Ano pang itinutunganga mo diyan? Umalis ka na dito, siguraduhin mo lang na wala kang ibang pinakealaman na gamit lalo na ang laman ng drawer"
"opo kamahalan" mukhang mainit ang ulo niya kaya lumabas nalang ako at tumungo sa ibaba, naabutan ko sila Patrich, Anthony at Charles na masayang nag tatawanan, naalala ko bigla yung itsura ni Zach, marunong rin kayang ngumiti ang lalakeng iyon? Bakit kaya naging bastos ang ugali niya?
Ayon kasi sa kwento ni Celine sa akin, mabait naman daw si Zach noon, matulungin, maalaga, gentleman at lahat na ng magagandang ugali ay hinakot na niya, matalino rin daw siya at laging present sa klase, nagulat nalang daw siya na isang araw ay umuwi siya ng pinas at nabalitaan na nag bago ang pakikitungo niya sa iba, yung tipong ang anghel ay tinubuan ng sungay at patuloy na lumalaki.
"ija pagpasensyahan mo na iyong alaga ko" napalingon ako sa matandang kasambahay, "Nag kulang kasi siya sa pagmamahal kaya niya nagagawa ang lahat ng bagay na hindi maganda, sana maintindihan mo at saka kaya pa namang palambutin ang puso ng batang iyon"
"Paano po? Mukha naman pong imposible na" natatawang saad ko, sa laki na ng sungay niya talagang imposible ng mabago pa iyon.
"Ang totoo niyan araw-araw ka niyang—"
"Masyado ka ng madaldal, hindi mo dapat kinakausap ang alila ko" masungit na wika niya sa matanda, wala manlang galang, "Hindi ba't sinabi ko na sayong hinihintay ka na ni Anthony"
"Bababa na nga , sungit" I rolled my eyes, nagpaalam na ako sa matanda at dumiretso sa ibaba kung saan nag uusap ang dalawa, pinaguusapan lang naman kasi nila ang bagong babae ni Patrich, he literally describe her to his friend, nabanggit rin niya na may nangyare sa kanilang dalawa, my innocent mind mababahiran ng kademonyohan, mabuti nalang tuwing linggo ay nag sisimba ako dahil hinahawaan ako ng kademonyohan nila.
"Masarap ba tol? Gaano siya kasarap" kung makapagsalita naman itong si Anthony parang hindi pa nakakatikim ng babae, sigurado naman ako na maging siya ay babaero rin, pa simpleng babaero nga lang.
"Sobra, kay sarap nga niyang halikan pati yung malulusog niyang mga dibdib..." I fake a cough, puro kabastusan ang lumalabas sa bunganga nila, sabay silang napatingin sa akin, naku mabuti nalang rin talaga uminom ako ng gamot kanina dahil kung hindi ay baka hindi ko na kayanin ang lahat."Nandito ka na pala, birthday kasi ng kapatid ni Anthony sa sabado, may gusto lang kaming ipabili sa iyo" saad niya, inilabas naman kaagad ni Charles ang listahan ng ipinapabili nila at iniabot sa akin, literal akong napanganga ng makita kung gaano kahaba iyon, parang sinabi narin nila sa akin na bibili ako ng isang buong supermarket sa sobrang rami.
"Huwag mo ng tanungin kung bakit marami" saad niya, kumunot ang noo ko ng mapansin ang makausling gamit sa bag ni Charles, walang sabi-sabing kinuha ko iyon na ikinagulat niya"Ibalik mo nga iyan!"
BINABASA MO ANG
Serving The Five Masters
Teen FictionThe Revised version of @Pinky_CLover's story entitled (Being Slave of Five Evil Boys), hope you like it! (9-8-19) #92 in Featured Stories