Serving The Five Masters
Copyright © Diyanarah"Yes! Mabuti nalang tapos na ang klase" singhal ko ng lumabas na ang guro namin, iniunat ko pa ang mga braso ko at bahagyang humikab."Makakapagpahinga na ako"
"Hindi parin ako mapakali na ikaw ang nahihirapan ng dahil sa katangahan ko" nakabusangot na saad ni Alissa, sa halip na sagutin siya ay tinanguan ko nalang, hindi niya naman kasalanan kung bakit nangyayare ito sa buhay ko, sadyang minalas lang ako sa limang iyon."Kung kaya sabihin ko nalang sa kanila na ako nalang ang gawin nilang alila"
"Hep! Don't ever do that, in my case I'm already use to it, kilala ko na ang bawat ugali nila at alam ko na kung paano sila inisin kaya hayaan mo akong tapusin nalang ang kontrata" marami silang utos pero hindi ko pinapansin ang iba, in fact, sinasagot ko pa sila ng pabalang, ultimo pag lalaba naman kasi ng brief nila ay sa akin pa nila iaasa.
"Labis akong nagpapasalamat na mayroon akong kaibigan gaya mo" nakatanggap siya ng tawag kaya naman nag madali siyang tumayo, "Mauna na ako, bawi nalang ako bukas"
"Ingat ka" nang tuluyan na siyang makalabas ng classroom ay inayos ko na ang mga gamit ko at akmang aalis na nang may lumapit sa aking lalake, I mean isang unggoy pala, himala atang hindi siya tinamad na dalawin ako dito.
"What brings you here Mr. Harrison?" I look around, baka kasi nakabuntot lang yung apat, "Himala atang hindi mo sila kasama" magsasalita pa sana ako ng bigla niyang dinikitan ng sticker paper ang noo ko, inis kong tinanggal iyon at tinignan.
"Number one rule" I rolled my eyes at him,"Baka naman gusto mong ipagkalat ko na ang lahat" ipinakita niya sa akin ang isang flashdrive, nanlaki ang mga mata ko at sinubukang agawin iyon pero itinaas niya.
"Fine! Pupunta ako mamaya, pero may dadaanan muna ako"
"Good and I don't want to see your fucking face after five, you should hurry" whatever.
***
"Sweety Kei Dalian mo na diyan may date pa ako" singhal sa akin ni Patpating Patrich habang ako naman itong abala sa paglilinis ng mga pinagkainan nila.
"Edi umalis ka, hindi naman kita pinipilit na bantayan ako" singhal ko pabalik sa kanya, ikaw ba naman ang madaliin.
"Keichup! Mag luto ka nga ng meryenda, gusto ko yung pancake o kung ano man ang alam mong lutuin" rinig kong sigaw ni Anthony mula sa kanyang kwarto.
"Kita mo naman ang ginagawa ko dito di ba? Ikaw na kaya ang mag luto ng sa ganoon ay may silbi naman 'yang kamay mo" sarkastikong saad ko sa kanya.
Bago pa sumapit ang 4:30 pm na sinabi ni Zach ay mas inagahan ko ang pag punta dahil kailangan kong matapos ito bago mag five at paniguradong ipapalinis na naman nila sa akin ang buong VIP room na kung saan sila tumatambay tuwing wala pang klase at tama nga ang hinala ko, bumagsak talaga ang balikat ko ng makita ang itsura ng kwartong 'to, punong puno ng kalat, yung tipong parang dinaanan ng bagyo at ang mas malala pa ay may nakakalat pang dumi ng aso na ang salarin ay si Anthony, siya lang naman kasi ang may alagang aso sa kanila,
Hindi nalang rin ako nagulat na may makitang condom dito, pakalat kalat lang at wala manlang silang pakealam kung may makakakita man o wala. Habang nag lilinis ako ay bigla nalang sinipa ni Charles ang mga kalat na nilikom ko sa gilid, pinanlakihan ko siya ng mata sa ginawa niya, wala manlang konsensya ang isang 'to.
"Sorry cous" itinaas pa niya ang dalawa niyang kamay at saka napangiti ng may haong pang aasar.
"Ayusin mo kaya 'yan ano?-"
"Wala kang karapatang utusan si Charles, alila ka lang namin dito" napatingin ako kay Zachary na bagong gising pa, gulo ang kanyang buhok na siyang pandagdag pogi points sana kaso ang sama ng ugali, "I want you to buy all of this things" inilahad niya sa harapan ko ang napakahabang listahan ng kailangan kong bilhin, I look at him in disbelief.
BINABASA MO ANG
Serving The Five Masters
Teen FictionThe Revised version of @Pinky_CLover's story entitled (Being Slave of Five Evil Boys), hope you like it! (9-8-19) #92 in Featured Stories