CHAPTER 22

80 3 0
                                    

Serving the Five Masters 
Copyright © Diyanarah

Keira Charlene Dela Torre


"Mukhang mauna pang ikasal si Charles kaysa sa inyo ni Zach" komento ni Anthony habang kumakain.

Nandito kami ngayon sa may sikat na restaurant, birthday kasi ni Alissa at ako narin ang nag plano kung paano ang gagawin namin ngayon para isurpresa si Alissa, ito namang si Anthony nauna nang lumamon dahil may iba pa daw siyang lakad. Hindi ko na siya nagawang pag sabihang tumahimik nalang dahil dumating na si Alissa, agad kaming tumayo at kinantahan siya ng birthday song kasabay ng pag lahad ko sa kanya ng pinag ipunan naming regalo para sa kanya.

"Woah! This is my first time having such a party" halata sa mukha niya na nagulat nga siya sa amin, ang buong akala lang niya ay tanging silang dalawa lang ni Patrich ang may date ngayon.

"I love you Alissa" I said smilling and then I hug her, "Congrats rin sa inyo ni Patrich, hindi ko akalaing matagal na pala kayong nag kabalikan, at sana mas maging masaya pa kayo"

"Thank you bestfriend" napangiti ako, humiwalay narin ako sa yakap.

"Kain na" natawa nalang kami nang makita ang itsura ni Anthony, punong puno kasi ang kanyang bunganga, binatukan tuloy siya ni Patrich.

"Gago mukha kang timawa" napabusangot nalang siya at tila ba wala siyang pakealam kahit na sabihan pa siya ng kung ano-ano, "Dito ka na sweety" saad ni Patrich at ikinuhanan niya ng mauupuan si Alissa.

Nagkwekwentuhan narin kami habang kumakain, kung ano-ano rin kasi ang sinasabi ni Anthony, pati na ata buhay niya ay ikinuwento narin niya. Habang nag kakasiyahan kami ay bigla nalang bumukas ang pintuan, bali pang VIP room ang kinuha namin, sabay sabay kaming napatingin doon at tumambad sa amin si Zach, mukhang nag madali siya dahil gulo pa ang buhok niya at mukhang nagigising lang rin, palibhasa may jetlag pa.

Umupo siya sa tabi ko, katulad dati ay wala na naman siyang emosyon at mukhang napakalaki ng problema niya sa buhay, I wanted to ask him why pero nanatili nalang tikom ang bibig ko, naging ganyan lang siya simula noong umuwi siya ng mag isa, mag stay na daw si Celine sa London, ni hindi manlang nakapagpaalam ng maayos sa amin dahil ayaw niya daw ng nag papaalam.

Itinaas ni Anthony ang kanyang basong nag lalaman ng wine kaya naman sumunod kaming lahat at sabay sabay na ininom iyon.

"Bessy kumusta pala ang engagement niyo?" napatingin ako kay Zach ng dahil sa tanong ni Alissa, "So totohanin niyo na ba ang relasyon niyo?"

"Oo nga, mas maganda kung tanggapin niyo nalang ang engagement niyo para happy na tayong lahat" komento naman ni Charles, "Katulad ng meron sa amin ngayon ni Mika" saad niya sabay akbay sa soon to be wife niya pero agad ring tinanggal iyon ni mika.

"Huwag ako bakla ka" singhal niya kaya naman inasar siya lalo ng barkada, malapit narin kasi silang ikasal, kaso nga lang hindi pa nasasabi ni Charles sa magulang ng babae kung paano ang gagawin nilang dalawa.

Hindi ko nalang pinansin ang kakulitan nila, kumuha ako ng gulay at inilagay iyon sa plato ni Zach, mabuti nalang sa tabi ko siya umupo. Sa ilang araw niyang nawala ay syempre hindi ko maiiwasang mamiss siya. I love him and I think this is also the right time to tell him about my plans.

Napatigil siya sa pagkain at marahang napatingin sa akin, he looks like a mess, ang pangit niya ngayon grabe. Napangiti lang ako at nilagyan muli ang kanyang plato, alam ko naman na puro karne lang ang kinakain niya, gusto kong pangaralan siyang tungkol sa health niya.

"Zach kainin mo iyan para naman kahit papaano ay makargahan naman ng gulay ang tiyan mo, masyado ma kasing unhealthy ang mga kinakain mo" litanya ko ngunit nanatili parin siyang nakatitig sa akin na tila ba may dumi sa aking mukha, "May rumi ba sa mukha ko?" tanong ko.

"Nope, may nakita lang akong magandang babae" saglitan akong natigilan, "Mas lalo kang gumaganda nitong mga nakaraang araw" dagdag pa niya kaya naman mas lalo akong naguluhan, nag bibiro ba siya? Is that the way he say something cheezy"Geez! Ang hirap maging manliligaw mo" napakamot pa siya sa kanyang buhok, natawa nalang ako sa itsura niya, ang cute eh, naku mabuti nalang busy ang lahat kung hindi ay malamang inaasar na nila ito.

"Dapat lang pag hirapan mo ako" saad ko at tinaasan siya ng isang kilay, napunta ang paningin ko sa may bulsa ng jacket niya, kinuha ko doon ang isang kaha ng sigarilyo at inilapag sa may lamesa, "Bago kita sagutin gusto kong ibahan mo ang masamang life style mo, quit smoking plus eat healthy foods, iyon lang Zach, promise sasagutin kita kaagad kapag ipinangako mo sa akin ito"

"Okay deal, pangako hindi na ako maninigarilyo para sa iyo"

"Ayiee! Ang sweet naman ng dalawa" pansin ni Alissa kaya nakaramdam ako ng pamumula sa aking pisngi.

"Oo nga kaya naman pala kanina pa ako nilalanggam dito" singhal naman ni Anthony sabay kamot sa braso niyang namumula, mukha nga siyang seryoso dahil kinagat talaga siya ng langgam, "Paalala lang guys!" napunta ang atensyon namin sa kanya, "Huwag kayo masyadong sweet sa mga ka relasyon niyo dahil baka hindi rin mag tatagal iyan—aray naman! Sinasabi ko lang ang katotohanan!"

"Shut up! Bitter ka lang dahil wala kang love life" saad ni Patrich na siyang bumatok sa kanya, "Palibhasa yung gusto niya may gusto ng iba, kawawang Anthony" dagdag pa niya kaya napabusangot nalang si Anthony at nanahimik nalang.

"Bubuksan ko na ang gift niyo" umayos ng upo si Alissa, dahan dahan pa ang pag tanggal niya sa balot ng regalo namin, nang tuluyan na niyang mabuksan iyon ay automatikong nanlaki ang kanyang mga mata sa nakita, "Signed album ng BTS? Seryoso ba kayo?" hindi parin siya makapaniwalang nagawa naming ipapirma sa mga sikat na iyon ang album.

"Nagustuhan mo ba?" tanong ko, napatingin siya sa akin at halos maiyak na siya nang yakapin niya ako."Sinasabi ko na nga ba magugustuhan mo iyan" singhal niya.

"Thank you so much! Ito na ang pinaka the best gift na nakuha ko maliban sa regalo ni Patrich.

"Always welcome bessy" saad ko at ningitian siya, sana lang mas maging masaya pa siya.

*** 

Serving The Five MastersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon