CHAPTER 8

130 11 0
                                    

Serving the Five Masters
Copyright © Diyanarah

Today is the first day of our foundation and we are currently staying at the haunted house booth, ayoko rin namang puntahan ang booth ng strands nila Charles dahil unang una sa lahat, ayokong makita si Zach, pangalawa, nahihiya ako kay Xavier, at pangatlo ayokong makarinig na naman ng mga salita galing sa mga fangirls nila.

Inaayos ko na ang buhay ko ngayon na gaya ng sinabi sa akin ni lolo, kailangan ko daw ipakita sa kanila kung sino ang inaapi nila, pero hindi ako sanay na mamuhay bilang isang mayamang Dela Torre, mas sanay ko ang simpleng pananamit ko dati, ngayon kasi ay masyadong sexy at medyo revealing ang suot ko, marami na tuloy ang nakakapansin sa akin lalo na ang mga lalake. Sa totoo lang, nag karoon narin ako ng mga manliligaw na basta-basta nalang sumusulpot sa kung saan katulad nalang ng lalakeng feeling close ngayon sa akin.

"Tanggapin mo na itong gift ko sayo Keira, promise seryoso ako sayo" hindi ko siya pinansin, wala namang okasyon ngayon para regaluhan niya ako, "Hindi ito ganoon kamahal pero tanggapin mo sana" dahil sa mukhang hindi niya ako titigilan ay kinuha ko nalang iyon at nag pasalamat, "Ang ganda mo, ngayon lang ako nakakita ng ganyan kaganda..." he was about to hold my arms when someone stop him from doing it, si Anthony at Patrich, maging ako ay nagulat rin ng dahil sa bigla nalang nilang sinuntok ang kawawang lalake.

"May nag mamay-ari na sa kanya kaya back off!" singhal ni Anthony, natakot tuloy ang lalake kaya ayun tumakbo paalis.

"Binastos ka ba ng lalakeng iyon?" tanong ni Patrich, "Sabihin mo lang ng sa ganoon eh bibigyan namin siya ng leksyon"

"oo nga, simula ngayon mag kaibigan na tayo kaya proprotektahan ka narin namin"

"Ano bang ginagawa niyo dito?" akala ko kasi nag papakabusy na sila sa mga booths nila.

"Hindi namin pwedeng buksan ang booth ng wala ka"

"Seriously? Gagawin niyo lang akong madre doon" pag tanggi ko pero sadya silang makulit, inilabas ni Patrich ang isang posas at inilagay iyon sa kamay ko dahilan upang hindi na ako makakatakas sa kanila, just great! Ipapahiya na naman ata nila ako, "Tanggalin niyo nga ito"

"Just wait Keira, magugustuhan mo rin naman ang gagawin namin sa iyo, baka nga mag lupasay ka pa sa sobrang tuwa" siguraduhin lang nila dahil baka masikmuraan ko sila kung nagkataon na maipapahiya na naman ako sa harap ng maraming tao.

Hindi ko rin naman kayang tanggalin ang posas kaya hinayaan ko nalang silang dalhin ako sa simbahan kuno na ginawa nila. Pagpasok namin sa likurang bahagi ng simbahan ay sinalubong ako kaagad ni Alissa, tinanggal na nila ang posas at pinaupo niya ako sa harapan ng salamin.

"Inayusan mo na pala ang sarili mo, hindi mo na ako papahirapan" bulong niya bago sinimulang ayusan ako, hindi ko alam kung ano ba dapat ang maramdaman ko sa ganitong sitwasyon, ikakasal lang naman ako sa lalakeng hindi ko naman alam kung sino.

"Sino ba yung groom ko? Kung si Zach lang naman, huwag na, I better run away" natawa lang siya sa sinabi ko, so si Zach nga, sinasabi ko na nga ba, "Aalis na ako" tatayo na sana ako pero pinigilan ako ni Alissa.

"Hindi si Zach, basta matutuwa ka pagkatapos nito" tila ba kinikilig pa siya habang sinasabi iyon, whatever, bahala na nga.

Pagkatapos nila akong maayusan at mapalitan ng gown ay dumiretso na ako sa may harap ng simbahan, huminga ako ng malalim bago nag simulang mag lakad, nakaramdam ako ng kaba nang makita si Xavier sa dulong bahagi ng altar. Kaso nawala ang kama ko ng pumwesto si Patrich sa may altar na nakapang-pari, natawa ako sa itsura niya, paano kaya kung someday maging pari ang lalakeng iyon. Para narin siguro mabawasan na ang kasalanan niya sa mundo.

Serving The Five MastersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon