Serving the Five Masters
Copyright © Diyanarah
Keira Charlene Dela TorreDalawang araw ko na hindi nakikita si Zach, hindi nga rin niya sinasagot ang mga tawag at text ko, madalas ko naman siyang makitang online pero kahit seen manlang sana ay hindi niya parin ako pinapansin, naging ganito siya simula noong mailibing si Celine.
Mag-isa ako ngayon dito sa classroom namin, gusto ko lang kasi tapusin ang mga projects, narratives reports at essays na kailangan kong ipasa next week, mas maganda na ang gawin iyon ng mas maaga kaysa ang mag madali sa linggo ng pasahan.
Habang abala ako sa isinusulat ko ay biglang bumukas ang pintuan at iniluwa niyon ang nakaheadset pa na si Xavier, mukhang maganda ang araw niya dahil hindi maalis sa kanyang labi ang tamis niyang ngiti, though he is always like that, na kahit pa marami na siyang problema ay nanatili parin siyang kalmado at hindi ipinapahalata.
"Ibinilhan na kita ng meryenda" ibinaba niya sa harapan ko ang sterilized bear brand at isang tinapay, "Softdrinks is bad for your health kaya huwag kang mag hanap ng soft drinks", bumuntong hininga nalang ako at binuksan ang tinapay na binili niya para sa akin.
"Bigla ka ata naging health concious" komento ko, dati siya pa ang nauuna sa street foods o kung ano-ano pang masarap kainin na unhealthy naman sa katawan.
"Ayoko lang mawalan ulit ng minamahal" seryosong saad niya, "You know? Hanggang ngayon hindi parin ako maka-move on kay Celine, I love her Keira, ni hindi ko manlang nagawang ipagtapat sa kanyang mahal ko siya noong mga sandaling nabubuhay pa siya," pansin ko ang luhang tumulo sa kanyang mga mata pero agad rin niyang pinunasan iyon, "and that's the greatest regret I've ever done"
"May happy ending sana kayo kung hindi dahil sa akin" yumuko ako, trying to avoid his stare.
"Huwag mo nga sisihin ang sarili mo, kung may dapat man na sisihin ay walang iba kung hindi si Aldrin" tama siya, naging selfish lang kasi si Aldrin, nag tanim siya ng galit sa kanila Zach, hindi naman sila ang may kagagawan nun sa kapatid niya.
"Wala lang si Zach may iba ka na" sabay kaming napatingin kay Patrich na kakapasok lang, humarap siya kay Xavier at nakipag-apir, "Yo bro! Huwag mo sanang aagawin si Keira kay Zach dahil baka mabugbug kita"
"Hindi ko naman siya aagawin" natatawang saad ni Xavier.
"Ikaw Pat? Kumusta na kayo ni Alissa? Maayos ba yung naging lakad niyo?" sunod sunod na tanong ko, napansin ko kasi si Alissa, lagi siyang natatawa o napapangiti sa tuwing napapatingin sa akin, mukha na siyang nabaliw, baka may ginawa si Patrich na sobrang ikinasasaya nito.
"Maayos naman ang naging stay namin" sagot niya at napangiti, confirm, nabaliw na nga sila sa isa't isa."Ikaw? Hindi mo ba pupuntahan si Zach ngayon? Sige ka...baka mag sisi ka" nangunot ang noo ko sa sinabi niya.
"What do you mean? Bakit ko siya pupuntahan?" nagkatinginan silang dalawa hanggang sa si Xavier na ang sumagot sa tanong ko.
"Paalis na siya ng bansa Keira, hindi na daw siya babalik," what? Kanina pa kami nag-uusap dito, hindi manlang niya sinabi, "Nasa Airport na siya ngayon..." hindi na ako nag dalawang-isip pa, nag madali akong lumabas.
Sakto namang parating ang sasakyan ni Charles kaya agad ko siyang pinara, pumasok ako sa loob at agad kong sinabi sa kanya ang pupuntahan namin, mukha pa nga siyang nagulat dahil sa inakto ko, ang mahalaga ay ang mapigilan namin si Zach, kaya pala hindi siya nag tetext o kung ano man, may plano pala siyang iwan ako, How dare him! Paano nalang yung enggagement namin, magagalit si Lolo.
Nang marating namin ang airport ay agad namin siya hinanap, nadatnan ko siyang may kasamang babae, mukhang ang saya ng mga mukha nila, habang si Zach naman ang humihila sa bagahe nila, at may iba pala siyang babae, hindi ako papayag na basta nalang siyang aalis, hindi maaari.
Lumapit ako sa kanila at kinuha ang atensyon ng dalawa, tinaasan ko ng isang kilay ang babae at si Zach naman ay mukhang gulat na makita ako rito.
"Sino ka? Girlfriend ka ba ng Boyfriend ko?" sarcastic na tanong ko sa babaeng kasama niya, tinignan ako nito mula ulo hanggang paa tapos balik ulit sa akin.
"Acctually I'm the fiance of Zach" malanding sabi niya sabay kapit pa sa braso ni Zach kaya naman hindi ko na namalayang naiiyak na pala ako, akala ko seryoso siya sa amin, "Haha I'm just joking girl, masyado ka namang seryoso"
"Bakit ka ba nandito?" tanong sa akin ni Zach na may halong pag kairita sa kanyang boses kaya hindi ko na tuloy napigilan ang luhang gustong tumulo.
"Bakit ba hindi mo sinabi sa akin na aalis ka na?" nagtaka naman yung mukha niya, kunyare ka pa, halata namang may babae ka.
"Hindi naman ako aalis—"hindi ko na siya pinatapos sa pagsasalita.
"Bakit may dala kayong bagahe? Magtatanan ba kayo?", bigla naman niyang binitawan yung hawak niyang bagahe, at maging ang kamay ng babae sa kanyang braso ay tinanggal narin niya.
"Inuulit ko, bakit ka ba nandito?" This time, naubusan na talaga siya ng pasensya.
"Para pigilan kang umalis" lumapit siya sa akin at nakipagtitigan, maya-maya lang bigla siyang natawa maging si Charles na nasa likuran lang."Anong nakakatawa?"
"Hindi naman ako ang aalis,yung kapatid ko"napatingin ako sa katabi niyang babae.
All this time akala ko aalis na sila, humanda sa akin si Pat mamaya at talagang kinunchaba pa niya sa kalokohan si Xavier.
"Kapatid mo lang siya" tumango naman siya at lumapit sa akin yung babae.
"Hi! My name is Andrea, older sister of Zach, he may not introduce me to you"ningitian ko lang siya dahil nahihiya na ako sa kanya, kung ano-ano na yung mga masasamang bagay na nasa isip ko, kapatid lang niya pala.
"Sorry if I act rude ate, Keira nga po pala" ngumiti lang siya, at medyo umatras.
Nagulat nalang ako—I mean kami pala ni Zach, lumabas kasi sila Alissa at may kanya-kanya silang mga bitbit na pulang rosas. May iniabot si Patrich kay Zach sa kanyang likuran kaya hindi ko makita kung ano iyon, he gave them a questioning look but they just smiled. Nahihiya na ako sa pinaggagawa ng mga kaibigan ko, nasa amin narin kasi ang atensyon ng lahat maging ang mga tao ay kinukuhanan narin kami ng mga video.
"Zach?" itinulak siya ni Alissa dahilan upang mapalapit siya sa akin.
"Hindi ko alam na may ganito silang pakulo, pero sasakyan ko nalang" kinamot pa niya ang kanyang batok na tila ba nahihiya, maging ako ay nahihiya narin. "Lets make this official, will you marry me?" lumuhod siya sa harapan ko at inilahad ang isang box na naglalaman ng singsing.
Malakas ang sigawan ng mga naririto pero ang tanging nangibabaw ay ang pagtibok ng puso ko.
"Yes Zach, of course I will marry you" pagkasabi ko nun ay isinuot na niya sa akin ang singsing at ganoon rin ako sa kanya, "I will be your slave forever..." then he kiss me on my head down to my lips
***
BINABASA MO ANG
Serving The Five Masters
Novela JuvenilThe Revised version of @Pinky_CLover's story entitled (Being Slave of Five Evil Boys), hope you like it! (9-8-19) #92 in Featured Stories