CHAPTER 21

84 3 0
                                    


Serving the Five Masters 
Copyright © Diyanarah


Keira Charlene Dela Torre

Balik na naman ako sa dati, pag balik namin ay inihatid lang ako saglit ni Zach at saka umalis narin siya kaagad dahil nga kailangan daw niyang samahan si Celine, ang hindi ko lang maintindihan ay kung bakit aalis na naman si Celine.

Nandito ako ngayon sa may garden ng unibersidad, bukod kasi sa tahimik ay sariwang hangin ang malalanghap dito, kita rin ang mga nag gagandahang bulaklak ng mga halaman, at syempre dito narin kami lagi tumatambay ni Xavier, napatingin ako sa kanya, nakapikit ang kanyang mga mata habang nakikinig ng musika sa kanyang headphone, siya talaga ang nauna dito, nadatnan ko nalang na natutulog na siya.

Napangiti ako ng maalala ang nangyare sa amin ni Zach sa kuweba, parang nag wedding vow rin kasi kami at alam niyo bang opisyal na ang panliligaw sa akin ng lalakeng iyon.

"Stop starring" agad akong umiwas ng makitang gumalaw si Xavier, hindi ko namalayang nakatitig ako sa kanya habang ibang lalake ang tumatakbo sa isip ko."Kumusta nga pala ang pag punta niyo sa isla?"

"Xavier may ipagtatapat ako sa iyo" pinangunahan na ako ng kaba ko lalo na ng makita ang pag kunot ng noo niya, "I think I'm starting to like Zach" napayuko ako matapos kong ipagtapat sa kanya iyon, nahihiya ako at natatakot rin dahil baka magalit siya, ito kasi ang unang nanligaw sa akin tapos babastedin ko lang, ang sama kong kaibigan.

Katahimikan ang bumalot hanggang sa marinig ko nalang ang mahinang pag tawa niya, agad akong napa-angat ng tingin at tinitigan siya, natahimik naman agad at umayos ng upo.

"Look to tell you frankly, plano namin ni Patrich ang lahat ng ito" hindi ko siya maintindihan, anong plano?, "We planned on making an invisible line between you and Zach, in short ako ang naging daan para mapalapit ang kalooban niyo sa isa't isa"

"Ang ibig mong sabihin hindi ka seryoso sa panliligaw mo?" tila ba ako ang naloko sa nalaman ko, wth! So all this time wala naman talagang feelings sa akin si Xavier? Bakit hindi niya sinabi sa akin kaagad? "Xavier sagutin mo ako"

"Yes, hindi ako seryoso sa panliligaw ko noon pero habang lumalapit ang loob ko sayo ay minsan ko naring sineryoso, nakadepende narin kung sino sa amin ang pipiliin mo pero sa tingin ko mas maging masaya ka kung si Zach nalang" naramdaman ko ang pag hawak ng kamay niya sa pisngi ko, "I like you Keira pero bilang kaibigan lang, sorry kung hindi ko sinabi agad sa iyo, huwag mo sanang isipin na niloloko lang kita—"

"No Xavier, nagpapasalamat ako dahil sinabi mo rin sa akin ang totoo, kamuntikan narin talaga ako nahulog sa iyo, akala ko seryoso ka" singhal ko sa kanya at bahagyang napangiti, ayokong isipin niya na bothered ako sa nalaman ko, "Malapit na ang annual fiesta natin, anong plano mo?" pag-iiba ko sa topic namin.

"Sasamahan ko si Celine sa London, she told me that she's going to stay there for a while, ayoko naman na si Zach ang maging kasama niya doon dahil baka mag kagulo lang" napakunot noo ko nang mapansin ang pag-aalala niya sa kanyang mukha."May gusto ako kay Celine, siya talaga ang gusto kong ligawan..." parang ang sakit ng sinabi niya, tagus tagusan lang, simula palang noong una gusto na niya si Celine edi sana si best friend nalang ang niligawan niya edi sana hindi na kami umabot pa sa video thingy na nangyare sa akin.

"Kung siya talaga ang gusto mo Xavier, ayos lang sa akin, basta makita kitang masaya at saka huwag mo ring kakalimutan na ipagtapat kay Celine ang nararamdaman mo" saad ko at binigyan siya muli ng isang ngiti, ginulo niya rin ang buhok ko, "Xavier naman! Ilang beses ko itong sinuklayan" reklamo ko habang nakabusangot.

"Ang cute mo lang kasi" natawa nalang kaming dalawa, we stayed friends and now I'm willing to let Zach enter into my life, I'm going to love him with all my heart and I do hope so na seryoso talaga siya at tutuparin niya ang ipinangako niya sa akin sa harapan mismo ng sinaunang Dela Torre, "Tara na baka mahuli tayo sa susunod nating klase" kinuha niya ang bag ko para sana bitbitin iyon pero inagaw ko rin sa kanya, mahirap na at baka iba ang isipin ng mga fans niya.

"Don't act sweet Xavier, baka sa iyo naman ako mahulog" pag bibiro ko, lagi kasi siyang sweet, buti hindi nilalanggam.

"I'm naturally sweet and I'll stay the same since we're friends right?" isang tango nalang ang isinagot ko.

***
Charles Dela Torre

"So what's your plan?" tanong ni mommy habang abala siya sa pag luluto ng makakain namin, "Kinausap mo na ba ang mga magulang niya?" iyon ang isa pa sa mga problema ko, hindi ko alam kung paano sasabihin sa magulang ni Mika, baka kasi habulin ako ng itak ng tatay niya, knowing na taga probinsya pa ang mga magulang niya, hindi ko alam kung paano mamanhikan ang mga tao doon.

"Hindi pa ma, nag hihintay lang kami ng tamang oras" sagot ko, I know she's dissapointed, pinipilit lang niya maging positibo sa lahat, "Ma kung gusto mo akong pag sabihan go lang, makikinig lang ako" i'm feeling uneasy whenever I see her being quiet.

"You know what's best for you right? Dapat kasi nakinig ka nalang sa akin pero ano pa nga ba ang magagawa natin, nandiyan na at ilang buwan lang ay isisilang na ang pinakauna kong apo" pinahinaan niya ang kanyang niluluto at umupo da tabi ko, "Alam kong hindi niyo gusto ang isa't isa pero sana matutunan niyo rin ang mag mahal katulad namin ng Dad mo, hindi ko siya mahal noon pero nang tumagal na ay natutunan namin na mahalin ang isa't isa, I hope you will do the same not for your baby but for your family" I'll try, sa ugali kasi ng babaeng iyon, napakahirap mahalin, napakasungit at ang hirap pakisamahan, lagi rin ako ang sinisisi niya sa lahat, sana lang talaga kaya kong mahalin ang babaeng iyon kahit na gaano pa siya ka maldita.

*** 

Serving The Five MastersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon