CHAPTER 3

195 9 0
                                    

Serving The Five Masters
Copyright © Diyanarah

Kung maaari ay ayaw kong makabangga ang grupo nila Harrison, simula noong nangyare sa akin ang pang bubully sa may storage room ay sinimulan ko narin ang pag iwas sa kanila, dahil kasi sa kanila kaya gulong gulo na ang buhay ko, lahat na ng mga babae nila ay naging hater ko na. Lagi nalang akong nakakatanggap ng masasamang regalo, they even sent me a lot of bad letters.

From that day I also receive tons of missed calls from them, half of it was from Zach but I ignored them all. Minsan hindi narin ako umuuwi ng bahay dahil kay Charles, isa narin kasi siya sa kiniinisan ko, akala ko kakampihan na niya ako pero hindi pala.

Nandito ako ngayon sa student council room, kailangan ko kasing linisin ang kwartong ito sa tuwing magkakaroon sila ng meeting tungkol sa nalalapit na foundation day, palibhasa mga myembro ng SSC ang mga unggoy na iyon, hindi narin nakakapagtaka kung paano sila nakapasok, hindi naman talaga sila matalino, in fact nasa second to the last section sila maliban nalang kay Xavier na siyang nasa star section at kay Anthony na siyang kaklase ko naman sa Section B, gusto kong tapusin agad para hindi nila ako maabutan dito.

Patapos na ako sa pag wawalis nang makatanggap ako ng tawag mula kay Alissa, sinabihan lang naman niya ako na si Celine ay nakauwi na ng Pinas at dito narin siya mag-aaral, hindi pa naman siya huli sa enrollment dahil dalawang linggo palang naman ang nakakalipas.

Tinapos ko na ang ginagawa ko at paalis na sana nang bumukas ang pintuan, pumasok sa loob ang limang mayayabang kasama narin si Sofia na siyang nang bully sa akin at bagong girlfriend ni Patrich, di hamak naman na mas maganda si Alissa kaysa sa babaeng malanding 'yan, lumapit siya palapit sa akin at tinaasan ako ng isang kilay at marahang binangga.

"Oops! Paharang harang kasi sa dinadaanan, sorry" nakangising saad niya at saka isinabit ang kanyang kamay sa braso ni Patrich na parang isang linta.

Hindi ko nalang sila pinansin, palabas na sana ako ng kwarto nang maalala ang hineram ko kay Xavier, nag madali akong kunin ang reading glasses niya sa may bag ko at ibinigay sa kanya.

"Thank you for this" ningitian ko siya at saka humakbang na kaso pinigilan niya ako.

"Wait me after class, I have to tell you something" saad niya bago bitawan ang braso ko, napailing nalang ako at lumabas na.

Dumiretso nalang ako sa klase ko, sakto namang wala pa ang guro kaya may time pa akong umidlip. Sa may gilid nalang ako pumwesto dahil paniguradong pag tritripan na naman ako ng mga kaklase kong walang magawa sa buhay, nakakapanibago lang talaga na parang kailan lang noong mamuhay ako bilang isang prinsesa, na yung tipong lahat ng gusto ko ay nakukuha ko, yung may tahimik akong buhay at higit sa lahat ay ang pagkakaroon ng respeto sa akin, noon nga halos lumuhod na sa harapan ko ang mga lalaking nagkakagusto sa akin pero ngayon nag bago na, bumaliktad na talaga ang mundo ko at lahat ng iyon ay dahil sa limang lalakeng pinakaiinisan ko.

Babagsak na sana ang mga mata ko nang biglang mag sigawan ang mga kaklase ko, nakakabingi lang ang hiyawan nila, hindi ko sana iyon papansinin pero naamoy ko ang mala rosas na pabango ni Celine. agad akong umayos ng upo at pinanlakihan siya ng mata, I look at her from head to toe, she is so damn attractive, especially her beautiful wavy curly hair and her innocent smile, kung lalake lang ako ay malamang niligawan ko na siya sa sobrang ganda niya, sana all.

"Long time no see girl!" napatayo ako ng wala sa sarili at sinalubong ang yakap niya, saglitan lang kami nag yakapan dahil nasa amin ang atensyon ng lahat, syempre nag babalik lang naman ang dating queen bee ng paaralang ito, hindi na muli makakapag reyna-reynahan ang sofia de putang linta na kilala ko, napangisi nalang ako, napansin kong pinagmamasdan niya ang kabuoan ng itsura ko, gosh! I forgot to fix my self."You are still the same Keira that I have known for about three years but what happened? Bakit parang naging losyang ka, parang nanganak ka ng limang makukulit na bata" napangiwi ako sa sinabi niya, hindi ako nanganak ng limang bata, baka nag ampon ng limang demonyo.

Serving The Five MastersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon