Serving the Five Masters
Copyright © Diyanarah
Nasa kalagitnaan kami ng hallway ay kapansin pansin ang mga estudyanteng napapatingin sa akin, ang iba ay napapangiti samantalang ang iba naman ay masama ang tingin sa akin, parang may nangyareng hindi ko alam, bakit ganyan sila makatingin sa akin? Well, sometimes they look at me like that but it's just so strange lang na halos lahat ng madadaanan namin ay sa akin nakatingin, sa akin nga ba o kay Alissa?Tatanungin ko sana si Alissa patungkol doon nang bigla nalang kaming hinarangan ni Sofia, nag salubong ang kanyang kilay at nag cross arms pa.
"Totoo ba?" hindi ko siya sinagot dahil hindi ko naman kung ano iyong tinutukoy niya, "Yung tungkol sa inyo ni Zach? Fiancé ka niya" nanlaki ang mga mata ko, paano niya nalaman iyon, "It's all over in the news and social media" what?!
"Sofia wala kaming panahon para makipag-usap sa iyo, excuse us" hinawakan ni Alissa ang kamay ko at hinatak ngunit hindi pa man ako nakakalayo kay Sofia ay bigla nalang niyang hinawakan ang braso ko, napakahigpit nun, bumabaon na nga ang kuko niya.
"I swear hindi ka magugustuhan ni Zach, sa kapal ng kilay mong iyan" saad niya na may kasamang ngisi pa, aba! Hindi lang niya alam ang totoo, "You will just forever be their slave" pang aasar pa niya, "Baka nga katawan mo lang ang habol niya, so sad kung mabalitaan ko nalang isang araw na hiwalay na kayo matapos ka niyang galawin"
"Sofia ayaw ko ang tabas ng dila mo, kung gusto mong maging matiwasay ang buhay mo dito habang nag-aaral ka, just shut your mouth b*tch" singhal ni Alissa na hindi na nakapagpigil, "O baka naman gusto mong masampal?...ay huwag na pala dahil baka marumihan lang ang palad ko"
"Sinasabi ko lang naman ang totoo" saad ni Sofia na hindi parin nag papatinag.
"Bakit manghuhula ka ba?" tinignan ni Sofia ito mula ulo hanggang paa bago ibinalik muli ang tingin sa mukha nito, "Sus sa itsura mong iyan, mukha ngang manghuhula ka talaga, ang pangit mo" nanlaki ang mga mata ko ng akmang sasabunutan na siya ni Sofia, mabuti nalang may lalakeng pumigil sa kanya, si Patrich, "May request ako Sweety"
"Ano iyon just tell me?" tanong naman ni Patrich habang hawak parin ang braso ni Sofia na pilit kumakawala ngayon, "Kailangan ko bang bigyan ng leksyon ang babaeng ito o si Zach na ang gagawa?" dagdag pa niya.
"Bitawan mo nga ako! Parang hindi mo ako minahal!" napangisi si Patrich sa sinabi ni Sofia at hinarap ito.
"Hindi naman talaga kita minahal, you just one of my fling before" saad niya na may halong pangiinis kaya mas lalong na bwisit si Sofia.
Magsasalita pa sana si Sofia nang bigla nalang mag sigawan ang paligid namin, nandito naman na pala ang grupo ni Zach, papalapit sila ngayon sa kinatatayuan namin, hindi narin pala namin napansing nanonood na pala kanina pa ang nga tao dito.
Si Zach ay poker face lang na nakapamulsang naglalakad, si Xavier naman ay nakikinig ng musika sa kanyang headset, si Anthony naman ay panay ang kaway sa mga nadadaanan nila kaya marahil marami na naman ang nainlove sa kanila, at si Charles ay abala naman sa kanyang kinakain na spaghetti na nasa styro pa, kailan na nga ba nung huli ko silang makitang sabay-sabay na pumasok? I think nung panahon na inaalila palang ako.
"Sofia ikaw na naman?" gulat na tanong ni Anthony ng makalapit na sila sa amin.
"She is bullying Keira" parang batang sumbong naman ni Alissa kay Zach, lumakad siya palapit sa kanya at lahat kami ay nagulat ng bigla nalang kinuha ni Zach ang styro ni Charles, walang sabi-sabing ibinuhos niya ang laman niyon sa ulo ni Sofia, natahimik ang lahat sa ginawa ni Zach.
"Sayang naman iyon" reklamo ni Charles kaya naman natauhan narin kaming lahat, nag bubulungan ang mga nakakita, malamang sa lagay ni Sofia ay napapahiya na siya ngayon, ganyan rin ako doon.
"Ew!" maarteng wika ni Sofia habang pinapagpagan parin ang kanyang uniporma na nabahiran na ng sauce.
"Tandaan mo ang sasabihin ko Sofia" he leaned closer to her with his smirk flashing on his face, "Wala ni sino man ang mang-aapi kay Keira simula ngayon dahil ituturing na siya ng lahat bilang isang reyna ng paaralan na ito"
"Oo nga, siya na ang bagong reyna" tila ba nangangalaiti na sa galit ang itsura ni Sofia ngayon.
"And from this day wala ni sino man sa inyo ang pwedeng manakit sa kanya" nilingon niya ang mga estudyanteng nanonood, ang iba rin sa kanila ay kinukuhanan na kami ng video kaya naman pilit akong sumisiksik kay Alissa para hindi ako makita, pero dahil nga nandito si Zach ay hindi maiiwasang sa akin rin tumama ang mga kamera nila, kinuha niya ang kamay ko at hinatak patungo sa harapan, napatingin siya sa akin at bahagyang itinaas ang aming kamay na mag kahawak, "Totoo ang rumor, we are engage, nakikita niyo naman ang suot naming singsing, ito ang malaking ebidensya para maniwala kayo sa balita at kung hindi pa talaga kayo naniniwala at patuloy parin kayong nagkakalat ng impormasyong walang katotohanan..." tumigil siya at inilibot ang kanyang paningin sa paligid na tila ba may hinahanap siya, nang makita na niya ito ay saka lamang siya lumakad patungo sa isang lalake, syempre hindi parin niya ako binibitawan kahit na gusto ko ng kumawala sa kanya, ramdam ko narin kasi ang pamumula ng pisngi ko, ang hirap lang huminga "...bibigyan kita ng isa pang pagkakataon, huwag mo na ulit sisiraan ang girlfriend ko sa iba at huwag ka ring mag kalat ng impormasyong wala namang katotohanan patungkol sa kanya" may halong pag babantang saad niya sa lalake, "kung ayaw mong iparamdam ko sayo ang impyerno, nag kakaintindihan ba tayo?"
"Sorry" iyon nalang ang nasabi ng lalake, though hindi ko naman talaga alam ang tungkol sa sinasabi ni Zach, anong paninira? Ni wala nga akong nababalitaan o anti-social lang talaga ako?
"Hindi sapat ang isang singsing lang" sigaw ni Sofia, napatingin sa akin si Zach na may nakakalokong ngiti, oh no! I don't want that face.
"Edi papatunayan ko sa harapan niyo mismo" saad niya habang hindi parin naalis ang tingin niya sa akin, hinawakan niya ang aking pisngi at dahan dahang inilapit ang kanyang mukha sa akin, napapikit nalang ako at maya-maya lang ay naramdaman ko na ang kanyang malambot na labi.
He kiss me in front of the students with camera, and I think that video of us will gonna spread like a wild fire, ma i-issue na naman ako nito!
***
BINABASA MO ANG
Serving The Five Masters
Teen FictionThe Revised version of @Pinky_CLover's story entitled (Being Slave of Five Evil Boys), hope you like it! (9-8-19) #92 in Featured Stories