Serving the Five Masters
Copyright © DiyanarahNagising ako ng nakayakap sa akin si Zachary, as far as I know nag lagay kami ng unan sa pagitan namin, paanong? Argh! Dahan dahan ko siyang itinulak palayo sa akin, mabuti nalang hindi siya naalimpungatan. Nang makawala na ako ay agad akong nag tungo ng banyo.
Pagkatapos ko gawin ang mga kailangan ay lumabas na ako ng kwarto namin, gusto ko kasing makita ang kabilang bahagi ng isla kung saan namamalagi ang mga turista, ayoko rin naman makasama ng matagal si Zach dahil naiirita ako sa kanya, ang weird lang niya nitong mga nakaraang araw, parang may something sa kanya o baka naman may nakain siya noong nag punta sila ni Celine sa ibang bansa, omo! Baka kinulam na siya ng dahil sa sama ng ugali niya kaya siya umaaktong weirdo.
"Hey Miss?" natigilan ako ng dahil sa lalakeng bigla nalang sumusulpot sa harapan po, tinaasan ko siya ng isang kilay nang mapansin ang pagtitig niya sa akin, "Are you?"
"Anong kailangan mo?" tanong ko, mukha pa mandin siyang manyakis, akma niyang hahawakan ang braso ko pero agad akong umatras, napangiti lang siya.
"Linlin ikaw na ba iyan?" kumunot ang noo ko sa tanong niya, paano niya nalaman ang nickname ko noong bata ako, ah! Maaaring parte siya ng childhood memories ko, "Ako ito si Ivan, ang lalakeng pinakasalan mo noong mga bata pa tayo"
"Huh?" hindi ko na magawang mag salita dahil bigla nalang niya akong niyakap ng napakahigpit, "Ang ganda mo na, siguro naman sa pagkakataong ito ay pwede na nating ituloy ang naudlot nating pagmamahalan" agad akong lumayo.
"Pinagsasabi mo?" tanong ko, I look at him from head to toe, hinawakan niya ang braso ko pero bigla nalang may humatak sa akin palayo sa lalakeng nag ngangalang Ivan
"Sino ka? Are you flirting with my fianće" I rolled my eyes, gising na pala ang demonyito, "Makita man kita ulit na kinakausap ang girlfriend ko, magkakamatayan tayo-"
"Zach anong girlfriend?" tanong ko, natawa pa ng mahina yung Ivan ng dahil sa sinabi ko, saglitang natahimik naman si Zach, my ghad! Napahiya ko ata.
"Tsk! Mag sama kayo" ayun nag walkout kaya sinundan ko nalang siya at baka mag away lang kami, masyado narin kasi kumplikado ang relasyon namin kaya gusto kong maging maayos rin, kahit mag kaibigan lang ang turingan namin sa isa't isa.
Bumibilis ang hakbang niya kaya ako itong lakad takbo na ang ginagawa para lang maabutan siya.
"Sandali Zach!" hinawakan ko ang braso niya dahilan upang tumigil siya, ginulo niya ang buhok niya sa sobrang pag kafrustrate niya, "Nag seselos ka ba?" ramdam ko kasi.
"Oo Keira! Nag seselos ko! Hindi ko alam kung anong nangyayare sa akin nitong mga nakaraang araw-I mean simula pala noong grand ball, I fall in love with that unknown woman, all I did was dance with her and then some video played, hawak ko pa ang kamay niya noon pero naramdaman ko nalang ang pag bitaw niya, leaving your handkerchief behind, hinanap ko kung sino ang misteryosong babaeng nakasayaw ko, until someone told me that it is you" nanatili lang akong nakatulala, what the hell! Is he confessing his feelings to me? Obvious naman na di ba? Come back to your senses Charlene, "Then I realized one day that I wanted to be with you forever, I don't care if you don't want me but I'll make sure that you will going to love me someday" hindi ko mahanap ang boses ko, bakit ganito siya makaasta ngayon? Is he serious?, "I'm serious!"
"Zach pag-usapan nalang natin mamaya iyan" sa wakas nakapag salita na ako, "Hinahanap na tayo ni lolo" saad ko at tinalikuran na siya pero bago pa man ako makalayo ay hinawakan na niya ang braso ko at pinaharap sa kanya.
"I promise, I will make you mine" singhal niya bago ako binitawan, tumalikod na siya at nag simulang lumakad pabalik sa tinutuluyan namin.
Nagkibit balikat nalang ako at nag tungo sa dinning hall kung saan kami kikitain ni lolo, sinalubong ako ng mga staffs maging si Eunice na may napakagandang ngiti ngayon, they guide me into my grandfather, pag pasok ko sa main room ay naabutan ko si lolo na abalang kumakain, I greet him with a smile, nag mano narin ako sa kanya bago umupo sa may harapan niya.
"Bakit hindi mo kasama ang mapapangasawa mo?"
"Lo, I think we need to talk about it" saad ko, hindi parin niya ipinapaliwanag sa akin ang lahat ng kasinungalingan nila."Bakit hindi mo sinabi sa akin kaagad na may fianće pala ako? At saka totoo po bang aalis po ako pagkatapos ng graduation? Or is it a lie?"
"Aalis ka ng bansa kasama si Zach pagkatapos ng graduation niyo dahil doon niyo na itutuloy ang pag-aaral niyo at doon narin kayo ikakasal" sagot niya, I look at him in disbelief, seriously? Hanggang sa korea ba naman kasama ko parin siya? Paano na ang buhay ko niyan.
"You're unbelievable Lo" saad ko, kumuha siya ng ulam mula sa isang plato at nilagyan ang akin, sakto namang bumukas ang pintuan at tumambad ang kaliligo lang na si Zach.
Lumakad siya palapit sa amin, nag mano pa siya kay lolo bago umupo sa may tabi ko, I just stare at him like hell! Kanina pa siya nakangiti, nakakapanibago talaga, seryoso kaya talaga siya sa sinasabi niya?
"Ako mismo ang nag luto niyan kaya enjoy your food" saad ni lolo, agad namang tumikim si Zach na tila ba napakaexcited niya.
"Ang sarap naman po nito" komento niya, kumuha pa siya ng isang steak at inilagay sa plato ko, "Kumain ka ng marami" saad niya, I just stared at him kaya naman napansin niya iyon, "I'm really serious about us Keira" umiwas ako ng tingin pero naramdaman ko ang kamay niyang humawak sa akin.
"What?" bumitaw siya sa kanyang kutsara at marahang inayos ang buhok kong nagulo, hindi ko alam ang gagawin ko kung hindi ay ang titigan siya sa kanyang mga mata, ramdam ko narin kasi ang kaba sa dibdib ko lalo na't napakalapit niya sa akin,"Ano ba?!"
"Seryoso ako Keira! I will gonna make you mine"
***
BINABASA MO ANG
Serving The Five Masters
Teen FictionThe Revised version of @Pinky_CLover's story entitled (Being Slave of Five Evil Boys), hope you like it! (9-8-19) #92 in Featured Stories