CHAPTER 27

80 4 0
                                    

Serving the Five Masters 
Copyright © Diyanarah

"Huwag mong sisihin ang sarili mo sa nangyare kay Celine, walang may gusto sa nangyare" rinig kong saad ni Xavier sa akin at marahang hinagod ang likuran ko.

Nandito kami sa may sementeryo, katatapos lang mailibing ni Celine, tama si Xavier pero hindi parin maiiwasang sisihin ko ang aking sarili sa nangyare kay Celine, may pag-asa pa sana siyang mabuhay kaso inilaan niya ang natitira niyang buhay para iligtas ako.

Napatingin ako kay Zach ng maramdaman ang kamay niya sa may balikat, he doesn't look happy but he tried to comfort me by using his smile, mabuti nalang nabuhay si Zach, kaso nga lang nawalan ako ng kaibigan.

"Mukhang uulan, mauna na kami Keira" saad ni Patrich at sumama na siya sa kanila Charles, Mika, at Alissa."Umuwi narin kayo para makapagpahinga na si Zach, hindi pa magaling iyan"

"Susunod kami" rinig kong saad ni Zach, nanatili parin akong nakatingin sa puntod ni Celine.

"Zach huwag mo sanang papabayaan ulit si Keira dahil kung sakaling malaman ko lang na ipapahamak mo na naman siya ay ako mismo ang babawi sa kanya" pagbabanta ni Xavier kaya sa kanila tuloy napunta ang atensyon ko, "Minsan na tayong nawalan ng kaibigan, huwag mo na sanang ulitin pa ang pagkakamali mo noon"

"Ipinangako ko sayo Xavier, proprotektahan ko siya at hindi ko hahayaang mangyare ulit iyon" madiin na saad ni Zach at napatingin sa akin, "Pangako Keira, hindi kita hahayaang masaktan ulit"

"Tara na mukhang uulan na nga" pag iiba ko sa usapan namin,tinanggal ko ang kamay ni Zach sa balikat ko at inunahan sila.

Dumiretso ako kaagad sa sasakyan ni Charles, mabuti nalang hindi pa sila umaalis, sa may likuran na ako umupo dahil kasama rin namin si Mika. Habang nasa byahe ay sa may bintana lang ako nakatingin, kita ko ang mga butil ng ulan na dahan dahang bumabagsak, it felt like I'm in complete, ganito ang pakiramdam na may kulang sa buhay, kapag nawalan ng isang matalik na kaibigan.

Napansin kong iba ang direksyon na tinutungo ni Charles kaya tinanong ko siya kaagad.

"Saan tayo pupunta?"

"Check up lang saglit si Mika, nilalagnat kasi siya" kita ko ang pag-aalala sa kanyang mukha, marahil ay natutunan narin nilang tanggapin ang isa't isa, buti pa nga si Charles nabigyan na siya ng isang anghel na siyang pinakamalaking blessings na natanggap nila.

***

Alissa Rodriguez

Hindi ko alam kung paano i-comfort si Keira dahil maging ako ay nalungkot rin ng ibuwis ni Celine ang kanyang buhay para sa kanya, she is a villain before but then she save our friend, labis ang utang na loob namin sa kanya.

Kasama ko ngayon ang boyfriend ko, patungo kami sa tagaytay kung saan ang resthouse ng pamilya ni Patrich, ngayon kasi ang nakatakdang araw na ipapakilala niya ako sa kanyang mga magulang, malayo pa man kami ay kinakabahan na ako, paano kung hindi ako tanggap ng magulang niya? Paano nalang ang sasabihin ko?

Naramdaman ko ang kamay niyang humawak sa akin kaya napatingin ako sa kanya at marahan siyang napangiti, medyo kumalma naman ako dahil doon.

"May ipinangako ako kay Celine bago mangyare ang insidenteng iyon" panimula niya kaya nanatili lang akong tahimik, nagkakausap rin pala sila ni Celine, "Ipinangako ko sa kanyang papasiyahin kita at hinding hindi kita iiwan, at saka kinausap rin niya ako patungkol kay Keira, she wants her to be happy with Zach kaya sana matulungan mo kami sa plano naming sorpresa para kay Keira"

"Syempre naman tutulungan ko kayo" sabi ko at marahan siyang ningitian, "Hindi madali ang pinagdadaanan ni Keira ngayon kaya sana mapasaya natin siya, kung tutuusin dapat si Aldrin ang sisihin hindi ang kaibigan ko na nadamay lamang"

Tumigil ang sasakyan sa isang mala-resort na lugar, lumabas na kami kaagad at tumungo sa loob nito, sinalubong kami ng mga kasambahay at may isang babaeng mga nasa 40's na ang sumalubong sa amin, niyakap ni Patrich ito at tinawag niyang mommy kaya tuloy mabilis akong inakyat ng kaba sa kung ano man ang magiging reaksyon niya sa akin, ngayon lang siya nag karoon ng lakas para ipakilala ako kaya grab the chance kaso base sa itsura ng mommy niya ay parang mahirap i-approach, mukha siyang masungit.

"Hello po tita" nahihiyang pahayag ko nang mapunta sa akin ang atensyon niya, she looks at me from head to toe saka niya ako tinaasan ng isang kilay, sinasabi ko na nga ba.

"Pat sino siya?" nakakatakot naman ng mommy niya, parang gusto ko na lamunin nalang ako ng lupa dito, nakakahiya.

"Ma si Alissa nga pala girlfriend ko, siya po yung lagi kong ikinukwento sa iyo, yung babaeng matagal ko ng pangarap na balikan" siniko ko naman siya, nakaramdam na kasi ako ng sobrang hiya.

"Anyway my name is Andie,nice to meet you ija"akala ko masungit pero napakabait pala, sorry naman kung naging ganoon ang first impression ko sa kanya.

"Nice to meet you too, tita"ano ba yan nahihiya na ako.

"Please call me mommy, mauna na ako may gagawin pa kasi ako, siguraduhin mo lang Pat na seryoso ka sa kanya dahil kung hindi ay mapipilitan akong itapon ka sa kumbento", grabe mama ba siya nito,

"Yes ma ako na ang bahala sa kanya at saka parang hindi mo naman ako kilala, seryoso ako sa kanya"pagkaalis ng mommy ni Patrich ay saka ko lang nagawang kausapin siya.

"Dito ba natin pagplaplanuhan ang surprise natin kay Keira?" tanong ko, lumawak naman ang ngiti niya at tumango, ang kabang nararamdaman ko kanina ay napalitan ng excitement, naipaliwanag narin kasi niya sa akin na ipapakilala niya ako at the same time ay planuhin narin natin ang tungkol sa sorpresang maging si Zach ay hindi alam"

"Bali tayong dalawa lang?" tumango siya, "Hindi ba't mas maganda kung marami tayo?"

"Gusto kitang masolo" pagkasabi niya nun ay hinalikan niya ako sa labi ngunit saglitan lang iyon dahil may nakakita sa aming kasambahay, nahiya naman ako kaagad.

*** 

Serving The Five MastersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon