Serving The Five Masters
Copyright © DiyanarahCeline Harrison
Kasalukuyan akong nag lalakad patungo ng science laboratory nang marinig ang tunog ng piano, napakaganda ng tugtog kaya naman tumigil ako sa may music room, marahan kong binuksan ang pintuan at nakita si Xavier na tumutugtog, habang sa tabi naman niya ay ang kaibigan kong si Keira, nakaramdam kaagad ako ng selos sa nakikita ko, parang ang saya lang nilang dalawa at kung titignan ay parang may relasyon sila.
Si Xavier naman talaga ang pinaka unang dahilan ko kung bakit ako umuwi ng Pinas, simula pa noong bata kami ay siya na ang laging pumoprotekta sa akin at siya narin ang naging inspirasyon ko sa lahat, I like him—no scratch that—I'm deeply in love with him.
Napangiti ako ng mapait nang makita kung gaano kasaya si Xavier sa company ni Keira, talagang bestfriend ko pa, hindi dapat ako magalit kay Keira pero nag seselos ako. Kita ko ang pag lapit ng mukha ni Xavier kay Keira kaya naman hindi ko na napigilan ang sarili ko, pumasok ako sa loob na siyang dahilan ng pag kabigla nila.
"Keira akala ko ba may ipinaguutos sa'yo si Zach" saad ko, mukhang nakalimutan na niya ang dapat niyang gawin.
"Oo nga pala, thank you sa pag papaalala" kinuha niya ang kanyang bag at nag madaling umalis kaya naiwan kami ni Xavier.
"Mukhang nag kakagusto ko na sa kanya" saad ko nang makalapit kay Xavier, umiwas siya ng tingin at inayos na ang mga gamit niya, "Saan ka pupunta? Hindi ba dapat tugtugin mo ang paborito ko, yung tinutugtog mo sa akin noong bata pa tayo.
"That is just a children song Celine, hindi na tayo bata" walang ganang saad niya, "May klase pa ako, excuse me" pinanood ko lang siyang lisanin ang kwarto, obvious naman na nagkakagusto na siya kay Keira at hinding hindi ko hahayaang mag katuluyan sila, kahit pa bestfriend ko siya.
Dumiretso nalang ako sa dapat kong puntahan kanina, sakto namang meron na ang guro kaya humingi ako ng dispensa, mabuti nalang pinapasok niya ako kaagad, HUMMS kasi ang kinukuha ko kaya hindi kami parehas ng subject, nag hahanap ako ng pwedeng maupuan nang mapansin ang lalakeng kumakaway sa pinakadulo, si Anthony.
"Kumusta ka?" tanong niya ng makaupo ako, "Alam mo bang kanina pa kita hinahanap, I even asked our registrar to find your phone number, mabuti nalang nahanap kaagad ang lab"
"Nag-aral na ako dito Anthony" sa nakita ko kanina, nawalan na tuloy ako ng gana, naramdaman ko ang pagtitig nita sa akin kaya naman tinaasan ko siya ng isang kilay, "Pwede mo ba akong tulungan?"
"Saan? Baka mamaya kung ano na iyan, pero dahil gusto kita, sige, anything for you Celine" ningitian pa niya ako na tila ba masaya talaga siyang mag kaklase kami. "Ano ba iyon?"
"Sasabihin ko sayo pagkatapos ng klase"
***
Keira Charlene Dela Torre
Pagkatapos kong ayusin ang mga ginamit nila Zach sa student council room ay pumasok na ako sa pang huli kong subject para sa araw na ito, nakakapagtaka lang na hindi na ako masyadong inuutusan ng apat, o baka naman na realize nilang sobra na akong nahihirapan sa pinaggagawa nila at pinatunayang may puso parin sila kahit papaano, maliban nalang rin kay Zach na kung ano-ano ang ipinaguutos, nag pabili pa siya ng meryenda sa canteen at nang may makalimutan siya ay pinabalik niya ulit ako doon, nakakapagod lang.
BINABASA MO ANG
Serving The Five Masters
Teen FictionThe Revised version of @Pinky_CLover's story entitled (Being Slave of Five Evil Boys), hope you like it! (9-8-19) #92 in Featured Stories