A/N: Sa mga mahal kong readers XD pakikalat ito XD. THANKY THANKY sa pagsupport niyo sa story on facebook. Ngayon ay nasa watty na siya!!! Again and again hindi ko ito ine-edit. Pasensya na !!! haha!
*****
Chapter 2-Punishment and Consequence
[Joaquin's POV]
Napaaga ang pasok namin ngayon kaya dumiretso muna kami sa cafeteria para mag-usap-usap. You know, boy thingy.
"Alam mo 'tol, nakakaboring ang first day of school pustahan pa tayo puro mga rules and regulations at introducing yourselves lang naman 'yun."-Gerald
"Wow! nosebleed! Ang haba ng sinabi mo ah, parang magsasabi ka lang ng magka-cutting hinabaan mo pa."-Kyubii. Tsk. ito talagang mga ito kahit kailan kung anong maisip gagawin. Pano ko kaya mga naging tropa at ka-gangster 'tong mga ito?
"Tamaaaaaaaa!"-Anthony. Nag-apir pa ang dalawang loko. Ito pang isang ito, pasalamat siya bestfriend ko siya. Hindi naman halatang mga bi sila noh?
"Alam niyo, magsitinuan na nga kayo. Kaya tayo nakick-out sa dati nating school dahil diyan sa mga pinaggagagawa niyo eh. Pati ako dinamay niyo pa."-Gigion
"Sige na naman mga 'tol, cutting na tayo. Tutal first day of school pa lang naman eh. Marami pang araw tayo papasukan noh? Don't worry. Tsaka anong pinagsasasabi mo diyan. Damay-damay tayo uy!"-Gerald. Napailing na lang si Gigion sa kakulitan ni Gerald.
"Oo nga naman mga 'tol, isa pa hindi naman siguro tayo mahahalata niyan eh."-Anthony.
"Sang-ayon ako!"-Kyubii. Panod-nod pa ang gago. Uhm, siguro nga. First day pa lang naman eh, atsaka ayokong pumasok, tiyak maboboring din ako. Sana lang huwag makarating ito kay Dad.
"Sus, ako pa utuin niyo! Ako pinakamatanda sa inyo noh? at anong pinagsasasabi mo diyan Gerald? Cutting? Oh common 'tol! Cutting lang sa umpisa pero pagnasiyahan AABSENT na"-Gigion. Sabagay, may punto siya doon.
"Ah, hehe. Pero-" *ting* *ting* ngumisi ang loko. "Paano ba yan second bell na, start na ng klase, late na rin tayo. So wala na tayong problema-"-Kyubii. Hindi na niya naituloy ang sasabihin niya dahil binatukan ko na sya. At hindi lang siya, LAHAT sila.
"Arayyyyyyyy"-sila.
"Halika na nga, mag-aabsent na nga lang dami pang satsat eh." tumayo na ako at sinundan na lang nila ako. No choice sila, ako leader nila eh.
By the way, nakalimutan kong magpakilala I'm Joaquin Jacob Zaparro, 16 years of age. One and only son of my parents. They say, nasa akin na daw ang lahat: mayaman, gwapo, matalino, na talaga namang kaiinggitan ng marami but I don't care about money, it's just a thing. All I want is a best family ever, wala ng iba pero malabong mangyari iyon.
So, as I was saying, dahil ako ang one and only son nila ano pa bang magiging role ko sa buhay nila kundi ang pagiging heir nila at isa sa mamanahin ko ay ang school na ito... Yeah, the school is just one of the properties of my parents.
Masaya na sana ako sa dating school na pinag-aaral ko eh. Normal life lang. Pero hindi ko aakalaing may mainggit sa akin at sa amin. Sinet up kami. At dahil sinet up kami nagalit si Dad. Oo, gangster kaming lima at ang mga gagong nagset up sa amin ay ang mga anak ng owners din ng company na kalaban ni Dad. Kaya lalo siyang nagalit. Ayaw niyang mapahiya kaya nakipag-areglo na lang siya at napagdesisyunang ipatransfer ako ng school. Tss. What a reasonable answer.
Nagpunta kami sa gym. Magbabasketball na lang siguro kami para pampaiwas boredom. Malaki itong Hermes Academy. Kung sabay PRIVATE SCHOOL eh! Tss.
At sakto may nagbabasketball din, kaya naglaban kami. Habang tumatagal padami na rin ng padami ang mga tao sa gym, mostly ay... BABAE?
BINABASA MO ANG
Hiding His True Personality
RandomJane Jelynne Herrera saved by an anonymous guy. She fell inlove with that anonymous guy at the first sight. She kept on calling him 3 Stars Guy bacause of 3 stars tattoo at the right part of his neck. She became the new Queen of the school as she tr...