A/N: Hello sa mga readers diyan Sa mga patuloy na sumusubaybay ng story ko eto na ulit yung kasunod niya. Dapat bukas pa ako mag-UD kaso hindi naman ako pumasok kanina so I decided ngayon ko na lang siya ipo-post. SURPRISE!!!
I dedicate this Chapter to Rhiz Lucas Thank You Lynne Sa Patuloy na pagsupport and being my close friend here in WL Sana magkita tayo sa next na bakasyon mo dito sa Cavite Sa mga hindi pa po nagbabasa ng story ko at interested just pm me and I respond immediately:-) Thank you sa mga supporters at lovers nitong story koXD
Nga pala sorry sa mga mistakes, I'm not editing this !!! huhuhu!! Kinopy-paste ko Lang to sa FB ko :-) dun din kase ako unang nagpo-post :-)
*****
Chapter 6: Her First Kiss
[Jane's POV]
"bye Ma" sabay kiss sa pisngi ni Mama. Another day na naman. Friday na ngayon at sa totoo lang tinatamad akong pumasok dahil paniguradong bago pa ako makarating sa school eh haggard na ako sa paglalakad.
"Sige, mag-iingat ka" nginitian ako ni Mama.
Palabas na ako ng gate ng biglang bumukas ang pintuan ng kapit-bahay namin at iniluwa noon si Joaquin... na walang kotse?
tuloy-tuloy lang ako sa paglalakad kunwari di ko siya napansin. Ang akala ko ay sasabay sya sa akin sa paglalakad pero ang mokong binilisan ang lakad na para ang may humahabol sa kanya... Nung nasa malayo na siya lumingon siya sa akin at sinabing...
"Susundan mo na nga lang ako, ang bagal bagal mo pa dinaig mo yung pagong sa sobrang bagal mo maglakad"-Joaquin. Biglang umakyat lahat ng inipon kong dugo sa katawan ko papuntang ulo ko, nangunot din ang noo ko. Agad na uminit ang ulo ko.
"Aba't loko ka ah ako nga nauna sa atin maglakad kanina-" Grrr... dinilaan ba naman ako. Inayos ko ang manggas ng uniform ko at kunwaring pinapatunog ko ang mga daliri ko. Kunwari di masakit but deep inside minumura ko na yung sarili ko kung bakit pinatunog ko ang mga daliri ko. Biglang tumakbo ang lalaki... hinabol ko siya...
"humanda ka sa akin pag nahabol kitang lalaki ka, makakatikim ka talaga sa akin" sigaw ko sa kanya. Wala akong paki kahit baliktad ang position namin ngayon dapat siya ang humahabol sa akin ngayon eh, anyare?
naghahabulan kami sa gilid ng kalsada. Ang daming tumitingin sa amin at mukhang tuwang-tuwa ang iba na para bang nanonood lang sa tv. Problema nitong mga ito?
At dahil sa aking katangahan hindi ko namalayan ang tampalasang bato na nakaharang sa daan. At ang tampalasan ko namang mga paa eh hindi nag-iingat. BOOM! Nadapa ang lola ninyo. Siguro kung kayo ang nasa posisyon ko hindi kayo gaanong masasaktan pero kung isang katulad ko na bihirang magkasugat dahil sa OA kong Mama eh SOBRANG masakit na iyon. T_T masakit.
at kung inaasahan niyong tutulungan akong makatayo ng mokong na ito eh nagkakamali kayo... sa halip tinawanan niya lang ako. Ambait niya noh? Ang sarap niyang itapon sa bermuda triangle at ipadala sa Amazon river para kainin siya ng mga mababangis na hayop na nagkalat doon.
"haha! Lampa ka pala eh. Hindi ka uubra sa akin." pero nakita niyang paiyak na ako, ang totoo nga niyan nangingilid na ang luha sa mga mata ko eh. Masakit eh. Ni hnd nga ako ni Mama hinahayaang madapuan ng lamok eh, masugatan pa kaya? OA pa naman iyon kung magreact. Imbes na siya yung kabahan ako yung kakabahan eh.
"hala, anong nangyayari sayo?" wala na, tuluyan na akong umiyak. Mama, where are you? huhuhu! pero nagulat ako sa ginawa ng mokong sa harapan ko...
"tumayo ka na nga diyan, mukha kang bata sa ginagawa ko mo eh baka mapagkamalan pa nilang ako ang may gawa niyan sayo pero sa totoo lang pala ang pagka-clumsy mo" napatigil ako sa pag-iyak bigla at tumayo pero napaupo ulit. Ansakiiiiiiit. Handang-handa na akong sugurin siya ng bigla rin siyang umupo...
BINABASA MO ANG
Hiding His True Personality
RandomJane Jelynne Herrera saved by an anonymous guy. She fell inlove with that anonymous guy at the first sight. She kept on calling him 3 Stars Guy bacause of 3 stars tattoo at the right part of his neck. She became the new Queen of the school as she tr...