Chapter 5: Necklace

44 5 0
                                    

A/N: Matagal ulit bago ako maka-update but sisikapin kong maka-update sa storyang ito. Sana ay huwag kayong magsawang sumoporta sa story na ito :-) yun lamang. Teka pahabol, comment kayo guys!!!

*****

Chapter 5: Necklace

[Jane's POV]

Kakalog-out ko lang sa account ko. Hay, sweet din pala kahit paano yung king. At mukhang magsisimula na ang gampanin ko bilang Queen. So daily routine finished! Gora na.

"Ma, aalis na po ako." sabi ko kay Mama sabay halik sa pisngi. Love na love ko talaga ang mama ko.

"Anak, isang buwan nga pala leave si Mang Ed, kaya maglakad ka muna tutal malapit lang naman ang school mo anak eh. Walking distance lang naman iyon hindi ba? Tsaka may sakit kasi yung anak ni Mang Ed at walang magbabantay sa anak nito"

"Sige po, okay lang naman po sa akin ang maglakad." Hay, napabuntong hininga na lang ako. Hindi pa naman ako sanay maglakad pero keri ko 'to AJA! so nagstart na ako lumakad. Paglabas ko ng gate sakto namang lumabas yung kotse sa katapat ng bahay namin. Tumigil ako saglit pero tinuloy ko din ang paglalakad ko.

maya-maya huminto yung kotse sa harapan ko. HOLO! Baka kidnappers ito. Hindi ako ready OoO. Biglang bumaba yung bintana sa backseat. Bumulaga sa akin ang mukha ng taong kinaiinisan ko. Ewan ko ba pero tuwing makikita ko itong pagmumukha nitong lalaking ito naiinis ako bigla, tinuloy ko ang paglalakad ko.

Teka nga lang. Ito yung kotse na lumabas sa garage ng kapitbahay namin ah. Omo! Don't tell me kapitbahay ko siya at siya yung lalaking nakita ko kahapon ng umaga paglabas ko ng Veranda? O_____O Oh, hindeeeeeeeeeeeeeee!

sinusundan pa rin ako ng kotse. Tumigil na naman ito sa harap ko at mabagal na umaandar. Sinasabayan akong maglakad.

"balita ko maraming mga manyak dito sa village, ayaw mo bang sumabay?" offer ni Mr. Zaparro sa akin. Uy, grasya ito. Pero hindi muna ako sumagot. Ganyan ang mga girls pakipot muna ng konti. Haha!

"Ayaw mo? Sige, manong ituloy niyo na po baka malate pa ako sa klase." utos nito sa Driver niya. Bigla naman akong may nadaanan na mga taong naglalasing. *gulp* umandar na yung kotse ni Mr. Zaparro... Naku Jane, ibaba mo muna ang pride mo baka matuluyan ka ng ma-rape niyan. Hinabol ko ang kotse, bahala ng masira ang beauty huwag lang tuluyang mawala sa kamay ng mga lasinggero.

"Mr. Zaparro wait lang. Sasabay ako." tumakbo ako hanggang sa mapantayan ko na ang bintana sa backseat at kinatok. Tumigil naman ang kotse at bumaba ang bintana sa backseat.

"May kailangan ka?" tanong nito. Nanga-asar ba ito? Grrr. Pasalamat ka wala si Manong Ed ngayon. Ngumiti ako ng pilit tsaka sinabing...

"Pasabay"

sa loob ng kotse... nasa backseat kami pareho... pero hindi kami magkatabi ah... sa kanan ako banda at siya naman sa kaliwa... todo siksik ako sa may bintana kahit maluwag pa ang space sa gitna namin. Walang basagan ng trip eh sa ayaw ko siyang makatabi eh. Naka-earphone pa ang loko... bigla niya naman tinanggal ang earphone niya tsaka nagsalita

"You know what maluwag naman ang space at hindi ako nangangain. Will you please calm down?" BOOM! Pahiya ang lola niyo...

KATAHIMIKAN...KATAHIMIKAN... at isa pa ulit na katahimikan... nasisira na yata ang eardrums ko sa sobrang katahimikan sa loob ng kotse...tumigil na rin ako sa pagsiksik ko sa bintana ng kotse at tumingin na lang sa bintana... Pasimple ko siyang tinignan sa gilid ng mga mata ko.

nakatingin din siya sa labas at wala na yung earphone niya. Okay, ayoko na nito mapapanis ang laway ko pag hindi ko siya kinausap... This is it.

"Uhm, ikaw ba yung nakatira sa bahay sa tapat namin/ kayo ba yung bagong lipat sa tapat ng bahay namin?" sabay pa naming sabi. I laugh at that though at siya din tumawa ng bahagya.

Hiding His True PersonalityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon