Chapter 16: Loving Him

28 2 0
                                    

Chapter 16: Loving Him

Mabilis na lumipas ang mga araw...

Kaming sampu pag may mga projects or assignments sabay-sabay kaming gumagawa... nakakatuwa lang kasi hindi boring... nandiyan si Kyubii, Gerald at Lyka na palaging nag-aaway-away... ang referee? Edi sino pa ba? Ang ever lasting kuya ng grupo... si Kuya Gigion... haha

Pag gumagawa kami ng assignments palagi kaming magkatabi ni Joaquin tapos nandiyan din si Star na palagi kaming dinidilaan

"Star haha isa. Tumigil ka nga! Isusumbong kita Mommy... Mommy oh si Star kinukulit ako" parang batang sabi ni Joaquin.

"Sige Star dinalaan mo pa para hindi na makagawa si Daddy ng assignments niya haha. Ako ang magta-top nito sa ranking" natatawang sabi ko napakunot naman ang noo ni Joaquin.

"Star si Mommy na lang"-Joaquin

"No Star, si Daddy" papatalo ba ako?

"Mommy"-Joaquin

"Daddy"-ako

nagtinginan kami ng masama... waring may kuryenteng pumapagitan sa mga mata namin...

O______________O-sila

"Ako lang ba ang nakakapansin na ma something sa kanila Jane at Joaquin o kayo rin?"-Lyka.

*nod*

Lahat sila nagtataka! Waring hindi makapaniwala sa nakikita... Then grin forming in their precious lips...

"MOMMY! DADDY! uyy ganda ng endearment ah! di niyo man lang kami ininform na kayo na pala. Nakakatampo"-Lyka.

Napalingon naman kaming sabay ni Joaquin sabay sabing "NO" duh? ako papayag? no way!

"Sa panget na yan?" with matching turo-turo kay Joaquin "No way, highway" ako. Oh? bakit? Masamang magpachossy?

"Tss. Akala mo naman kagandahan" bulong ni Joaquin na akala mo naman hindi ko maririnig sa lakas. Ang ginawa ko? Sinabunutan ko nga! Papampam eh. Akala mo naman ! hmp!

"A-ar-arrrraaaaayyy!" sige pa Jane sabunutan mo pa yang papampam na yan! "Ms. Herrera isa! pag yan di mo tinigilan hahalikan kita. Waring napantig naman ang tenga ko sa narinig at wala pang isang segundo ay nakahawak na sa ballpen ang kamay ko at sinasagutan ang assignment namin sa Math.

Focus na focus pa ako sa ginagawa ko. Then may nagflashback sa utak ko. waaaaaaaahhhhhhhhhhh! Lumayas ka sa utak ko! Tampalasan flashback! Ipaalala daw ba yung first kiss ko with Joaquin! Heart naman T_T huwag OA ha? Sa sobrang lakas ng tibok ng puso ko alam niyo yun tipong wala ka ng ibang maririnig kundi yung heartbeat mo at pati katawan mo sumasabay sa patibok nito...

"Tss. Ayon lang pala makakapagpatigil sa iyo eh! Di mo naman sabi agad" deadma lang Jane. Sobrang pulang-pula ko na swear!

"May namumula"-Ericka. Asar pa more baka tumama sa iyo tong ballpen ko ng mabangasan yang mukha mo bestfriend. Tinignan ko lang si Ericka ng masama. Tama ba naman kasi iyon? Bestfriend ko siya tapos aasarin niya ako? Sa pagkakaalam ko kasi ang bestfriend ipinagtatanggol ang bestfriend niya eh...

"Tse!" sabi ko na lang at nagtawanan naman silang lahat! Tanong ko lang? Anong nakakatawa sa sinabi ko? Wala naman ah.

Tapos ngayon sobrang dikit pa namin. Yung braso ko nakadikit sa braso niya. Gusto kong lumayo kaso baka asarin nila akong kj. Naiilang ako. PROMISE! Inaamin ko, higit lang sa pagkagusto ang nararamdaman ko sa kanya!

At naiinis ako! Kasi feeling ko hindi naman siya ganoon sa akin T^T ansaklap naman ng kapalaran ko.

Pinakiramdaman ko pa yung heartbeat ko... ang lakas niya... sinisigaw niya ang pangalan ni Joaquin... Tanong ko lang, sa sobrang lapit natin sa isa't isa Joaquin hindi mo ba marinig yung heartbeat ko na ikaw ang sinisigaw nito?

Hiding His True PersonalityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon