Chapter 3: Special Announcement

49 5 0
                                    

A/N: Please continuing support. I loveyah! Mahal ko lahat ng readers ko mapa-silent man o naka-general XD THANKY THANKY

*****

Chapter 3-Special Announcement

[Jane's POV]

\(^o^)/ "Good Morning Sunshine" Naginat-inat ako pagkabangon sa bed ko. Ang aga ko na naman nagising. Unti-unti na rin ako nasasanay sa bagong bahay namin. Pumunta ako sa veranda. Saktong paglabas ko ng Veranda, pumasok naman yung lalaking nakatira sa harap ng bahay namin sa veranda din nila, pumasok na siguro iyon sa kwarto niya? Uy, magkatapat kami ng veranda at bahay ah. Sayang, di ko nakita yung mukha. Pogi kay yun? Ay ano ba 'tong pinagsasasabi ko, naloloka nanaman ako.

Bumaba na ako sa dining area namin at... himala naabutan ko si Papa... Umupo na ako at nagstart kumain... Magkatabi si Mama at Papa while ako naman sa harap nila...

"How's the first day of your class, honey?"-Papa. Wow. For the first time, naalala pa pala niya na may anak na siya akala ko hindi na eh. Pero dahil Papa ko pa rin siya, igagalang ko siya.

"It's okay Pa." ako. Ang haba ko sumagot noh?

"Uhm, balita ko, nalate ka daw umuwi sabi ng driver natin ah. Ano bang nangyari?" ay? tsismoso din pala si Manong Driver namin :\

Biglang may sumulpot na memories sa utak ko *blush*... anubey! naaalala ko na naman si Mr. 3 Stars Guy... Jane, maghunos dili ka, itago mo muna ang kilig! Baka maging halimaw ang papa mo.

"Uh... kasi po pinatawag ako ng mga teachers sa faculty, may pinag-usapan lang po"

"About what?" ba, himala. Nagin interesado ang Papa ko sa akin. First time 'to ah.

"A deal.." tinignan niya ako na para bang sinasabing 'ituloy mo' " Uhm... They all deal with me, na ako na ang magiging Queen ng school" napauko ako... ewan ko ba, hindi naman ako kagandahan ako pa ginawang Queen. Ngumiti si Papa.

"That's great. Paniguradong tataas ang grades mo niyan. I'm so proud of you Daughter of mine." sabi ko na nga ba, grades lang ang habol ni Papa kaya niya ako pinilit na itransfer sa Hermes Academy.

"By the way, I have to go, I have unfinish meeting pa... sige" pagtapos nun, umalis na si Dad. Nakakalungkot isipin na ganyan si Papa...

So, tama na ang emote, ginawa ko na ang Daily routine ko... Sa car...

"Uy, ikaw Manong ah. Sinabi mong nalate ako kahapon kay Papa." kunwari malungkot at nagtatampo ako. Si Manong Ed. Since pinanganak ako, driver na ng pamilya namin yan. Tinuturing ko rin siyang Papa... MINSAN hahaha.

"Naku Jane, sorry. Utos kasi ng Papa mo na i-report ko sa kanya bawat nangyayari sayo eh..."

"Okay lang Manong, nage-emote lang po ako haha!" napailing na lang si Manong sa joke ko.

"ikaw talaga, nandito na tayo." sabi niya at bumaba na ako ng kotse. Nagpasalamat ako kay Manong tsaka umalis na siya.

Pagpasok ko ng Academy, lahat sila nakatingin sa akin. OMG! hindi kaya, alam na nila na ako na ang Queen OoO! OA ko naman masyado, tsaka hindi naman siguro ipagkakalat yun ng mga teachers dahil nangako sila sa akin... Nagbubulungan yung iba.

Narinig ko pa yung ibang bulungan...

"Andiyan na siya, hihihi"

"Panigurado, nakakatawa ito"

huh? Mga problema nitong mga ito!Tss. Walang lang sigurong magawa sa buhay. So ayun, nagpatuloy ako sa paglalakad ng biglang...

"aaaaaaaaaahhhhhhhhhhhh" awtzu. Ang saket ng pwet ko. Mga walang hiya kayo. Sino ang tampalasang naglagay ng saging sa daraanan ko. Himas-himas ko yung pwet ko. Gosh! Ang sakit talaga. Ito namang mga estudyante dito imbes na tulungan ako eh pinagtatawanan pa ako. Arghhhhhhhh hindi mo masasabing careless ako dahil kanina wala naman yan diyan. Ibig sabihin, hinagis ito sa saktong pagdaan ko. Tumayo ako kahit na masakit pa rin ang pwet ko.

Hiding His True PersonalityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon