Chapter 17: Bitter Jane

45 4 0
                                    

This Chapter is Dedicated to: Mery Jay Cabanilla Message: hello kawaii kawaii haha! This chapter is dedicated to you haha xD muntik ko ng makalimutan So ayun, I appreciate you sa mga comments and likes sa pag-aabang din ng mga post ko salamuch:*

***

Hiding His True Personality written by: argelyne_jane

Chapter 17: Bitter Jane

[Jane's POV]

Hindi ako maaaring magkamali. Ang tinig at pagmumukha na iyon. Matagal ko ng hindi nakita ngunit kabisado ko pa rin ang bawat kilos, tindig, galaw at ang... mukha niya...

Kahit hilam sa luha ang mga mata ko, nakikita ko ng malinaw ang mukha niya. Halo-halong emosyon ang nakikita ko sa mga mata niya: walang humpay na galit, poot, inis at pagkaawa?

"3 Stars Guy" bulong ko. Ikaw nga, hindi ako maaaring magkamali, ang mala-anghel niyang mukha at mala-demonyo niyang pakikipaglaban...

Hindi lang siya ang narito, marami sila at hindi ko mabilang! Higit sampu. Bente? Hindi rin siguro...

Bakit ka narito? Narinig mo ba ang pagsigaw ko? Nandito ka ba para iligtas ako? Bakit... bakit ka narito

Kung dati gustong-gusto ko siyang makita at kinikilig pa ako ngayon wala na akong maramdaman... mas masakit pa yung ginawa sa akin ni Joaquin. Mas mahal ko si Joaquin kesa sa kanya. Kahit naman papampam yung mokong na iyon mahal ko pa rin iyon.

Hindi ko alam kung bakit. Basta one day I realize that I love him na pala, and now that loves kill me! Hindi niya ako gusto

binitawan ako ng lalaking nakahawak sa akin. Halata dito na nanginginig na siya sa takot. Wala akong pakialam sa kanila! Iyak lang ako ng iyak. Kailan ka ba mauubos na luha ka? Hindi ka pa ba maubos? Kanina pa ko iyak ng iyak!

"hehe. Kung gusto mo Pare sa'yo na lang 'to marami pa naman kaming pwedeng sungkitin eh" nanginginig na sabi nito. Naningkit naman ang mga mata ni 3 Stars Guy sa tinuran ng lalaki. Nagtangis ang mga bagang niya na tila gusto niyang kumagat. Nakakatakot siya. Maski ako nanginginig sa takot.

Lumapit ito sa lalaki at dinuraan sa mukha. Mukhang nagulat naman ang lalaki at akmang sasapakin si 3 Stars Guy nang bigla itong sinuntok ng pa-upper cut. Tulog! mahina pala sila eh.

"Putulan niyo ng mga kinabukasan 'yan ng hindi makapaghasik ng mga lahi nila" sabi pa niya ng akmang lalapit sa akin at hahawakan ako pero umiwas ako! Natatakot ako sa kanya. Ang dami pating tumatakbo sa isipan ko.

Muntik na naman akong marape sa ikalawang pagkakataon. Ang galing lang diba. Kailan ba magiging patas ang mundo?

Sa gulat ko ay dahan-dahan niya akong itinayo at tinanggal niya yung jacket na hawak niya at sinuot ito sa akin. Wala na akong lakas para magsalita pa.

"Iuuwi na kita sa inyo" sabi niya. Alam ba niya ang bahay ko? Sa gulat ko ay umupo ito patalikod sa akin na parang sinasabi niyang sumakay ako sa likod niya. Ginawa ko naman. Sumakay nga ako sa likod niya. Pinatong ko yung ulo ko sa balikat niya. Inaantok ako marahil ay dahil sa labis na pag-iyak ko ito.

Dahan-dahan kong ipinikit ang mata ko at natulog ng mahimbing sa balikat niya. Salamat, salamat sa iyo 3 Stars Guy.

***

[Joaquin's POV]

Sh*t na sh*t talaga. Kasalanan ko itong lahat. Kasalanan ko. Walang ibang pwedeng sisihin kundi ako. Dapat una pa lang nilayuan ko na siya. Kaya ayokong magmahal eh kasi ayokong masaktan tulad ng nangyayari ngayon. Ayokong makita siyang nasasaktan. Ayoko dahil triple ang sakit nun kung ikukumpara mo sa akin.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 20, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Hiding His True PersonalityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon