Chapter 20

18 1 0
                                    

NATASHA'S POV

"Successful ang plano mo? Let me guess. You made her fall for you already at tuloyan mo nang nawasak ang puso niya? And then, she felt devastated that it's all pretend and fake?"



"Y'know, Ethan. I want to congratulate you. Your revenge was successful. Kaya pala wala na siya dito kasi tapos na ang plano mo. Would that mean I'm free to date you na?" nag-puppy eyes pa ito sa harapan niya. "Magtatampo na sana ako nun di mo ako sinama rito sa Baguio. Yun pala'y tinapos mo lang ang dapat mo'ng tapusin."




"Actually, I'm still here." pigil-iyak na sabi ni Natasha pagkatapos marinig ang pag-uusap ni Ethan at ng babaeng nagngangalang Mayumi.


Di sinasadyang narinig niya ang usapan ng mga ito dahil na rin kinain siya ng kuryosidad, pagkatapos na makitang sweet na sweet ang huli kay Ethan.


Hindi niya mawari kung ano ang relasyon ng dalawa, pero di maipagkakaila ang galit at poot na makikita sa mukha niya.



"Totoo ba, Ethan?" simula niya.


"T-tash, l-let's get o-out of here. If you'll just let me explain... I---" basang-basa ni Natasha ang guilt sa mukha ng lalaki.



"TOTOO BA?!" this time ay tumaas na ang boses niya at nagsisimula nang magtinginan ang mga tao sa paligid. "You made a fool out of me?! How could you, Ethan! How could you!"



She was kinda hoping na sasabihin nito ang mga katagang, "It's not true, Tasha. Don't trust what she says." But contrary to that, nakatanga lang ito sakanya at mukhang gulat na gulat sa sitwasyong nalaman niya.


You know what people used to say, right?



SILENCE MEANS YES.





"Well, I guess, totoo nga. Hindi ko alam kung bakit mo ginagawa to, Ethan. If you're making a place in this world as a cassanova, then don't include me sa mga laro mo. I'm not one of your toys, definitely not one of your girls!" singhal niya rito sabay tingin sa babaeng tinawag nito'ng Mayumi.


Taas-kilay na nakatitig lamang ang babae sakanya.



"Tash, I'm sorry. I really really do. Bigyan mo lang ako ng chance na mag-explain. I will tell you everything." pagsusumamo nito. He tried to touched her hand pero iniwaksi niya iyon.


"Not in this life, Ethan. Not even in the afterlife...




Kahit na magkita pa tayo ulit du'n."






At dun na tuloyang tumulo ang luha niya.




Dali-daling lumabas siya ng restaurant sa kadahilanang ayaw niyang makita ng mga ito na masyado siya'ng apektado.



Naririnig niya'ng sinisigaw ni Ethan ang pangalan niya habang lumalayo siya sa mga ito. Pumara agad siya ng taxi bago pa man siya nito maabutan.




Habang punas-punas ng isang kamay ang kaniyang mga luha sa mata ay kino-contact naman niya sa cellphone ang isang taong mapagkakatiwalaan niya... sa panahong malungkut na malungkot siya.




"Hello... Gwen?"

-------------------------------------------------

GWEN'S RESIDENCE
12:19 AM

"Bhe, tama nang kaiiyak, please? Maski ako, hindi pa rin convinced na magagawa yun ni Ethan." himas-himas ni Gwen ang likod niya habang halos nauubos na ang tissue sa unending kaka-drama niya. "Well, I may have heard rumors about him breaking women's hearts here and there. Pero unlikely naman na masali ka du'n sa list. You two used to be really close friends, right? He must have his reasons."



Tiningnan niya ito nang masama at magkasalubong ang dalawang kilay. "Kelan pa nagkaroon ng valid reasons ang isang playboy? Whatever his reasons are Gwen, he's still a jerk! Damn, Gwen. Ni hindi ko nga alam na mahal ko na pala siya. Dammit!"






Yes, inaamin na niya.




She had fallen into the trap. Specifically, his trap. She fell in love with Ethan and got her heart broken in return.



Nagtagumpay nga ito sa plano nito'ng paibigin at saktan siya.


Masaya na ba ito'ng nakikitang wasak siya?



"What if..." pasimuno ni Gwen.




"What if ano?" wala sa loob na tanong niya rito.




"What if di nakalimutan ni Ethan ang nagawa mo ages ago? I mean nun kakambal mo pala. Yun lang ang nakikita ko'ng rason para magawa niya to. What if he plotted a revenge... nang dahil du'n?" pagpapaliwanag nito.


Bigla naman siyang natigilan sa sinabi nito at kung para ano'ng tinumbok ng mabigat na bagay ang dibdib niya.




Posible nga ba?



Pero hindi iyon isang ticket para saktan ang puso niya. Ibang usapan na iyon. Ang pag-ibig ay isang bagay na dapat sineseryoso.





"What the actual fvck, Gwen? Kung yun man lang ang rason niya, eh di sana ay hindi sa ganitong paraan ang paghihiganti niya." she started to cry once again.


And she also felt that guilt na matagal na niyang sinusubukang kalimutan. Kung iyon man ang dahilan sa ginawa nito, mas mabuti pa'ng di na sila magkita uli kahit kelan. Mas lalo lang silang masasaktan dalawa.



"And if kung yun nga talaga ang rason, then we're quits. Nasaktan ko siya noon, sinaktan na niya rin ako ngayon. Wala na kami'ng business pa. It's best to end this way." mabigat sa loob na sabi niya.



"Are you quite sure of that, Tash? What if he's really into you? Ba't di mo na lang kasi sabihin ang totoo nang mawala na ang bigat diyan sa dibdib mo." tinuro pa nito ang dibdib niya habang sinasabi iyon.



"Hindi iyon ganun kadali, Gwen. Teka nga. Bakit ba mas mukhang kinakampihan mo pa ang mokong yon? Sino ba talaga ang bestfriend mo sa'ming dalawa?" panunumbat niya rito.



Gwen laughed and gave her a glass of water. "What are you---? Come on, bhe. Drink this water first." Inabot na man niya iyon. "I'm just believing that Ethan is someone not really like what you see, Tash. I know he's a good man. Kelangan niyo lang talaga mag-usap."




Umiling siya bilang sagot dito.





Tatapusin na lamang niya ang kaniyang trabaho sa kasal ng mga magulang ni Ethan at tuloyan na silang maghihiwalay ng landas.

My Little Secret That NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon