SANTOS' WEDDING
CHURCH
8:47 AM"Natasha, have you seen Ethan yet?" tanong ni Jace sakanya habang busy siya sa pag iinstruct sa kaniyang team regarding the video setup.
"Jace." lumingon siya rito. "Kanina ko pa nga tinatawagan, eh. Magsisimula na ang kasal, pero wala pa siya."
Biglang may humalik sa likod ng ulo niya. Humarap siya at nakita ang isang guwapong lalaking naka black tuxedo.
"Ethan!" gulat man ay hindi niya ipinahalata rito na nabo-bother siya sa kagwapuhan nito. "Bakit ngayon ka lang? Ilang minutes na lang ay magsisimula na ang kasal ng Mama't Papa mo. Di ka pa nakapuwesto."
Mula sa likuran nito ay nakita niya'ng nakasunod si Mayumi. Nagka-iringan man sila ng babae dati, ay naging civil na man na ang relationship nila ngayon. Tinanggap na nito ang fact na totoong nagmamahalan na sila ni Ethan.
"Sorry to make you worry, sweetheart. Sinundo ko pa kasi ito'ng si Mayumi." bumaling ang atensyon ni Ethan sa pinsan nito'ng si Jace. "Pal! Akala ko pinopormahan mo na ito'ng girlfriend ko."
Agad naman siyang inakbayan ni Jace. "Pal! Walang talo-talo sa'tin. Natasha? She's like my brother in another mother."
Siniko niya ang huli at tumawa. "Sira!" Simula nang maipakilala siya ni Ethan sa pinsan nito ay nakagaanan na niya ito ng loob, kaya't di kalaunan ay naging close sila.
Bigla naman siyang binawi ni Ethan mula sa pinsan nito. Hinalikan nito ang tungki ng ilong niya. "Good to know." sabi pa nito.
"Ehem." tumikhim si Mayumi. "I'll just sit ahead. Iwan ko na muna kayo."
Nagkatinginan sila'ng tatlo at di napigilang matawa.
"THE BRIDE IS HERE!!!" sumigaw si Gwen mula sa entrance ng simbahan.
"I'll see you later." Hinalikan siya ni Ethan bago ito pumwesto ng upo sa loob ng simbahan, na para ba'ng kung saang malayong lugar pa ito pupunta.
Awtomatikong pumwesto na ang kanilang team para makuha ang perfect shots ng kasalang Santos. Sa pagpasok ng bride ay di niya mapigilang maging emotional. Ang ganda ng matandang babae ay di kumukupas. Manang-mana nga si Ethan sa mga magulang nito.
Bigla siyang napatingin sa direksiyon ni Ethan at na-imagine ang sariling ikakasal dito.
Hindi niya mawari kung nadala lang ba siya sa emosyon or talagang si Ethan na ang nakikita niya'ng mapangasawa.
Gayun na lamang ang pagkabigla niya nang tumingin din ito sa direksiyon niya at binigyan siya ng isang matamis na ngiti.
Di kalaunan ay natapos na rin ang kasalan.
And one of the most significant moments of a wedding is about to happen...
Ang ikina e excite ng ilang mga dalaga.
Ang pagsalo ng bouquet.
In 3, 2, 1!
Shocks...
UYyyYyYYYyyyYyYy!!!!!
Oo, cliché na cliché mangyari sa isang love story, pero siya nga ang nakasalo ng bouquet. Halos malaglag pa ang hawak niyang DSLR sa pagsalo ng bouquet.
Tuloy pa rin sa pagtukso ang mga tao, pati na ang bagong-kasal na Santos. Biglang nilapitan siya ni Ethan.
"Kaya pala bagay na bagay sayo ang white dress, yun pala, ikaw na ang susunod." Natasha blushed upon hearing those words from Ethan.
"Hep! Hep! Mga sis, bawal sukob." si Natalie. Nakita niyang tumatawa ito isa isang sulok kasama si Gwen at Joni.
"Well, I can always wait." sagot naman ni Ethan. "Sweetheart, do you have any regrets?"
"Regrets?" na-curious siya sa out of the blue na tanong nito.
"Regrets of keeping that little secret that night?" Ethan smirked at her.
Malalim na nag-isip siya bago sumagot.
"No."
Tumaas ang isang kilay nito sa sagot niya.
"No, baby. I don't have any regrets. My little secret led me to loving you. So, no ounce of regret." sagot niya rito.
And then Ethan kissed her. Their passionate kiss made them show-stealers.
THE END.
BINABASA MO ANG
My Little Secret That Night
RomanceIntrovert. Reserved. Nerd. These are the words that could describe Natasha. Can these traits lead her to make a lie and keep a little secret from her closest friend, Ethan? Eight years later, she realized something. She wasn't wild at Ethan at first...