Chapter 3

44 3 0
                                    

"OKAY CLA——SS!!! GOOD MORNING." bigla sila'ng napalingon mula sa pintuan. Kakapasok lang ng class adviser nila. Si ma'am Kenlie. "Oh, I guess the new student has already arrived." Dire-diretso ito sa lamesa at inilapag ang mga libro.


"Come here, hijo. Kindly introduce yourself" hinay-hinay siya'ng lumingon sa direksiyon ng new student at sa paglingon niya, naglalakad na ito papunta sa harapan.


Nasa harap na nila ito ngunit nakayuko parin.


Englishero pero mahiyain, ha.
Napaisip isip si Natasha.


"Hi, guys. Good morning. I'm Nathaniel Vinz Santos. I just got here from America. You can call me 'Ethan' for short. I hope we get along well." Ni di nga makatingin ng diretso sakanilang magkaklase.

Ahhhh. Fresh from America ang lolo mo. Maybe he's intimated by his looks? Dugyot siya pero mas dugyutin talaga ito'ng lalaking kaharap niya, eh.


"Class, Ethan is our exchange student from America. He's a naturally born Filipino, but he was raised abroad. He'll be staying until the end of the school year. Also, he knows how to speak TAGALOG. Please do SINCERELY welcome him, ha?" ani Ma'am Kenlie sabay siga pa ng mata.


"YES, MA'AM!!!" sabay-sabay pa nila'ng sagot. Yun iba ay palihim pa'ng tumatawa.


Tsk. Tsk. These people. Really.

———————————————————

12:00 NN
LUNCH TIME

Halos mamatay na si Tasha sa sobrang init at sobrang ingay ng paligid niya. Nasa cafeteria siya ngayon at mag oorder na ng lunch.


As usual, mag-isa na naman siya'ng kakain. She doesn't have friends, right? Well, meron naman, but she does prefer eating alone. Ayaw niya'ng sumabay sa trip ng iba, yun may endless chika pa'ng ginagawa tapos in the end, ma co-contaminate pala yun pagkain nila kasi yun laway kahit saan saan na kung tumatalsik.


Joking aside, pumila na agad siya para makapili ng oorderin.


Di niya napansin na nasa unahan na pala niya yun new student. Pumipila rin para sa lunch nito.

Nagulat siya nung biglang tumaas ang boses nung isa pang katabi niya sa unahan.



"Nag-iisang order na lang to'ng tortang talong at di ibig sabihin na kung ikaw ang una'ng nakakita, eh, sayo na mapupunta. Baguhan ka lang dito, diba?! Wag ka'ng mayabang!" akmang manununtok na yung lalaking nasa unahan ni Ethan. Napansin niya'ng kaklase rin nila yun.




"Huy, Johnny! Wag ka ngang mag eskandalo. Para talong lang, pumuputok na yung butsi mo diyan?! Respetuhin mo naman yun exchange student natin. Ke first day na first day nung tao. Mahiya ka naman! Dinudumihan mo lang yung image ng school." she rolled her eyes and smirked after she said that. Nakatingin na ang mga tao sakanila and she doesn't even care. Sinadya niya talagang pahiyain ito.


Ibinagsak nito ang mga dala-dalang kubyertos at tray tsaka padabog na umalis. Napatingin siya kay Ethan at inabot yun last order ng tortang talong.


"Oh, ayan. Pagpasensyahan mo na si Johnny. Talagang mayabang lang yun. Pulis kasi ang nanay at tatay kaya ayun, medyo maangas." she said smiling.


Di niya alam pero hinihila na niya yun dulo ng damit nito papunta sa isang table.


"Dito ka na sumabay sa aking kumain, para di ka maapi api nung ibang mga kaklase natin. Malamang insecure lang sayo yu'n." Nakaupo na sila pero nakatunganga lang parin ang lalaki sakanya.

"Hello?" untag niya sa kaharap niya.

"S-sorry. Tiningnan pa tayo ng mga tao kanina. I didn't expect you'll interfere." kalmado parin ito despite sa nangyari kanina.

"Ano, ba. It's my role. School president niyo ako and di kaaya aya ang ganung scenario."

"Really? Well, thank you." ngumiti na ito.



"Marunong ka palang ngumiti, eh!" Napangiti na rin siya habang sinasabi yun.



"Favorite ko kasi ang tortang talong." this time sabay na sila'ng kumakain.


She doesn't know pero...


Magaan ang loob niya rito?

"What's your name, anyway?" biglang tanong nito.



"Natasha. Tasha in short."



"Nice meeting you, Tasha. I'm Ethan." bigla nito'ng inabot ang kanang kamay. Mukhang makikipag-handshake pa yata.



"Nice to meet you too." inabot ko naman ang kamay nito.

My Little Secret That NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon