Chapter 9

24 2 0
                                    

*heavy knocks pounding at the door*

"Anak!!! Nak, gising na. Buksan mo muna ito'ng pinto at naka-lock pa. Tumatawag si Natalie." sigaw ng kaniyang Mama mula sa kabilang pinto. Medyo naaalimpungatan pa siya habang sumasagot, "Eto na, ma. Saglit lang po."


Agad naman siya'ng napalingon sa wall clock at nakitang 10:00 na pala ng umaga. Dali-dali niyang binuksan ang pinto at excited na bumungad ang mukha ng mama.


"Oh, Tasha, nagvivideo call kami ng kapatid mo at di na makahintay na magising ka. Kanina ka pa hinahanap. Kausapin mo na muna at ihahanda ko ang almusal mo, okay?"


"Thanks, ma." Kinuha niya ang cellphone mula rito at nakita niyang naka-on na nga talaga ang video chat sa screen. "Hi, sis! Sorry kagigising ko lang. May photography session kasi ako kahapon, eh. Napuyat." sabay tawa.


"Ano ka, ba. Okay lang. Alam mo nama'ng minsan lang ako kung tumawag, diba. Busy kasi dito sa America." Oo, nasa America si Natalie ngayon. Nakapag-asawa na ito ng foreigner. May baby na rin ito, three years old na. Di nakapagtapos ng college si Natalie dahil nabuntis ng Kano niya'ng boyfriend.


Sa una ay nagulat sina Mama at Papa, nagalit at nagtampo, kalaunan ay namayanig parin ang awa at pagmamahal. Pinayagan ito'ng magtrabaho sa abroad pagkatapos manganak, tsaka lang din ito nakabalik ulit sa America nu'n medyo malaki na si Thalia para makapag-settle na doon kasama ang bago nito'ng pamilya. At sobrang laki na nang ikina-mature nito.


Oo, nami-miss nila ito. Ang mga hirit nito, kamalditahan, at ang pagiging kwela sa bahay. Kaya nga't medyo tahimik na ang bahay ngayon kumpara dati noong kumpleto pa sila. Kung hindi dahil busy siya sa photography, ang Mama at Papa naman niya ay parehong busy sa bagong-tayo na local catering business.



"Kumusta na, ba? Saan na yung pamangkin ko'ng ankulit kulit? Pakausap nga." excited na sabi niya rito.


"Natutulog, eh. Next week na lang uli. Tatawag ako ulit. Kumusta diyan sa bahay? Baka may kelangan ipaayos or ipa-renovate, magpapadala ako."


Napangiti siya sa sinabi nito. "Aysus! Wag na, sis. Sa business pa lang at sa mga sessions ko, okay na kami. Ang importante, alagaan mo ang sarili mo at ang pamilya mo."


"Eh kelan ka kasi pupunta dito? Diba sabi ko na nga, dito ka na magtrabaho."


Natahimik siya ng mga ilang segundo.


"Sabi ko na rin naman sayo, diba. Mas gusto ko'ng dito na lang sa Pinas, atsaka mas mabuti na yung may kinakasama sina Mama at Papa dito."


"Kunsabagay *sighs*. Mas may maaabot ka naman diyan kumpara sa akin. Ikaw yun nakapagtapos sati'ng dalawa, diba? Ikaw yung nerd" biro nito sabay tawa.


Bigla siyang may naalala sa term na iyon.




Nerd.



"Siyanga pala, sis---"


Biglang may nag-doorbell nang sunud-sunod sa side ni Natalie.


"Just a moment!" sigaw nito. Mukhang may mga bisita ito. "Ano nga ba yung sinasabi mo, Tash?"



Balak sana niyang ibahagi yun nangyari kahapon sa reception.


Ang di inaasahang pagkikita nila ni...







Ethan.

"Di bale na lang. Oh, sige na. Mukhang may bisita ka yata, eh. Wag mo nang pag antayin. Tawag ka na lang uli next week. Ingat palagi, ha. Love you. Pakihalik naman ako sa pamangkin ko, at regards na rin kay Tony." Tony ang pangalan ng asawa nito.


"Sure, thing. Love you. Bye!" sabay off ng cam nito.

Gusto na sana niyang ishare yun nangyari kahapon sa event, pero nagdadalawang isip pa rin siya.



Bigla niyang naalala ang sinabi ni Ethan kahapon...




"Dahil sa ginawa mo nung nakaraan? My God, Tasha. It's 2018 already. Tapos na yun. Deep in my heart, napatawad na kita. So, are we good now?"



She guess na hindi na relevant pa kung iuungkat pa niya yun sa iba'ng tao. Mas mabuti'ng ilimot na niya yun sa nakaraan.



Indeed, past is past.



Nangyari na ang nangyari.



Wala nama'ng magbabago kung may pagsasabihan siya.





Ang mabuti ay... napatawad na siya ni Ethan tulad ng sabi nito.



But she still have a lot of questions running through her mind:




Is he staying for good?



Kailan lang siya dumating?




Did he know that I would be there sa reception?



And mostly:


Ba't parang ang laki ng...





pinagbago niya?




"Anak, naihanda ko na ang agahan mo. Sige na't kumain at baka magka-ulcer ka niyan. Naku, talaga!" di niya namalayang nasa harapan na pala niya ang Mama.


"Hay naku rin sayo, Ma! Masyado ka'ng exaggerated. Eto na pooo. Kakain na" sabay abot ng cellphone at yakap.


Tumawa ito at yumakap na rin.



"Laki'ng pasalamat ko na lang at ikaw ang naiwan dito sa bahay at may malakas pa'ng lumambing sa akin. Kung si Natalie pa iyon, naku, nevermind!"


Malakas naman siya'ng napatawa sa hirit ng kaniyang Mama. Pagkatapos ay dumiretso na siya ng kusina.


Kahit pa'y mabusog siya sa kinakain niya, nagugutom naman ang isipan sa sobrang dami'ng tanong.







Ethan, talaga ba'ng napatawad mo na ako?

My Little Secret That NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon