LUV STUDIO
3:58 PMMabilis na lumipas ang panahon.
Minutes became into hours. Hours into days. And days into weeks.
Ilang araw ding nakakulong sa kwarto si Natasha at di kumakain nang maayos. Kung di lang matiyaga na nag-alaga ang Mama niya sakanya ay magkakasakit na siya.
Nang mabalitaan niyang bumalik si Ethan ng America pagkatapos ng ilang araw ng huli nilang pagkikita ay dun na siya nagkalakas ng loob na bumangong muli.
Sinubukan niyang wag magmukmok at kalimutan ito. Balita pa niya'y di na raw ito makaka-attend sa renewal of vows ng mga magulang nito dahil nagkaproblema sa winery business nito sa America.
Mabigat man ang loob dahil hindi pa sila nagkakausap muli, ay mas pinili niya'ng manatili na lang sila'ng ganoon.
Kahit ano pa man ang kahihinatnan ng pag-uusap nila ay di na mababago ang mga sakit na naidulot nila sa isa't isa.
Binusy niya ang sarili niya sa trabaho at timing naman na sunud-sunod ang mga kliyente nila kaya't di na niya masyadong naiisip ang lalaki.
"Ate, may package diyan para sayo. Galing ata sa kliyente mo. Yun skwelahan mo noong high school. Sa ASC Academy?" wika ni Joni habang nililinisan niya ang mga lenses ng DSLR niya.
Sila ang kinuhang videographer at photographer ng junior's night sa ASC Academy since kilala na siya'ng graduate doon.
At ngayong gabi na gaganapin iyon.
"Ah, oo. Sige titingnan ko." Pagkatapos magbalot ng mga gamit para sa event ng kliyente niya ngayong gabi ay tiningnan niya ang package na padala kuno sakanya.
Isang malaking brown box iyon na katulad sa mga boxes ng cake. May note pa na naiwan: Anyone inside the party are required to wear formal attire, and as a gratitude for your generosity, the organizers are giving this to you as a gift.
Pagbukas niyon ay bumulagta sakaniya ang isang yellow, tubed long gown. Malambot ang tela nun at bagong-bago pa ang hitsura. Kahit sino'ng babaeng magsusuot niyon ay titingkad ang ganda.
And because it's a Filipino tradition to politely decline ay sinubukan niyang tawagan ang mga organizers, pero naunahan na siya ni Gwen ng tawag bago pa siya makapag-dial."Yes, bhe?" sagot niya rito sa telepono.
"Natanggap mo, ba? Ang sweet nila, noh?" Gwen might be referring to the gown. "Wait, I'll be sending you the picture."
BINABASA MO ANG
My Little Secret That Night
RomansaIntrovert. Reserved. Nerd. These are the words that could describe Natasha. Can these traits lead her to make a lie and keep a little secret from her closest friend, Ethan? Eight years later, she realized something. She wasn't wild at Ethan at first...