🐓Chapter 1🐓

1.1K 31 25
                                    

Shan's PoV

"Shan Cai!" ito na naman tong batang to? "Sa amin ang West Philippine Sea"

mukha ba akong instik?

"Bugok, pure pinay ako. West Philippine Sea ka r'yan" tinadyakan ko siya sa tuhod nya. "Nasaan si Ken?"

"ah, si Ken na mukhang chicken" sabay dab nya. Loko-lokong Justin na to.

"Ewan ko sayo dyan" nag-flip hair ako, syempre nabalibag sa mukha nya. Hehe.

"Ano ba yang buhok mo lasang hair." reklamo nya. Ano raw?

"Bahala ka sa buhay mo dyan" iniwan ko sya sa tinatambayan nyang tindahan. Si Ken ng buhay ko lang naman ang concern ko.

"Hoy, hindi mo ba ako ililibre? Kahit mikmik lang?" bwelta nya sa akin.

"Anong hoy? Walang galang ha" sinamaan ko sya ng tingin.

"Hoy po! Ayan okay na?" nag-tongue out sya. Pigilan nyo ako masasapak ko to "Shanell Cairene Ajero!"

susmareyosep na batang to?!

"Ewan ko sayo" tumawid na ako sa kabilang kalsada, kasi nga nandoon si Ken.

"Hi Ken" bati ko sa kanya. Di ako pinansin eh.

Pasalamat sya, gusto ko sya.

"Pabiling chicken" ayon! Tiningnan na nya ako, may pagtingin na kami sa isa't-isa. Kikiligin ka o hahampasin kita?

"Ilan ba?" nilabas na kaagad nya yung plastic at yung tong. Ay wow, basta benta.

"Dalawa, bibigyan ko yung pulubi sa kabilang kalye" nginuso ko yung tindahan kung nasaan si Justin.

Joke lang na pulubi si Justin, yayamanin talaga sya.

"Pulubi pala yan" sheyt ang ganda talaga ng mata nya. "Manok mo."

"Ay thank you" inabutan ko na sya ng bayad. "keep the change"

"dos lang naman yung sukli mo" reklamo nya sa akin. Pasalamat nga sya may dagdag sa kikitain nya. "Bili ka ulit next time"

Bumalik na ako sa pwesto namin ni Justin, bumili ako ng isang biscuit, tapos binigay ko kay Justin yung manok na binili ko.

"Ayos ka rin ah, bibili ka ng manok pero biscuit ang kakainin mo?" nagrereklamo sya pero nilakantakan na nya yung chicken wings.

"Ayaw mo? Akin na ibibigay ko kay Nase" inilahad ko ang palad ko sa harap nya, iniiwas naman nya yung pagkain.

"Kita mo na? Ayaw mo namang ibalik" naupo sa tabi nya at ginitgit sya "24 isa nyan, pakibayaran" nginitian ko sya.

Binatukan nya ako

"Tigilan mo ako Shan Cai, bumalik ka na ng bansa  mo" isa pa, paliliparin ko na tong isang to.

"Shanell Cairene ang pangalan ko" pagtatama ko.

"Oo nga, Shanel Say-rin. Shansay." binabybay pa talaga nya. Maipilit lang talaga ang gusto. "tapos ako si Justin?"

"Bieber?" tanong ko sa kanya.

"de Dios" inirapan nya ako. Baklitang maldita.

"Sabi ko nga yun ang apelyido mo" tusukin ko kaya to? Isa lang.

"Oo nga pala sabi ni kuya Stell, magpunta ka raw sa palengke, tapos daw lutuan mo ako" so ayon. Nabatukan ko na sya

"Bakit naman kita lulutuan?" tanong ko sa kanya.

Matapos ang napakahabang pag-uusap ay sinamahan na nya ako sa palengke.

Pinagtitinginan na naman sya, palibhasa kasi gwapo sya. Kahit i-deny ko gwapo talaga sya.

"Uy dun may free taste yata" walang pakundangan nya akong hinila sa pinagkakaguluhan ng mga tao.

"Baka naman may magnanakaw na kinuyog" salungat ko sa idea nya.

"Ipupusta ko ang buong pagkalalaki ko pagkain yan" kinabog nya yung dibdib nya. Sinikmuraan ko nga.

"Anong isusuko ang pagkalalaki, mamaya may nakarinig sayo" ako na ang nahihiya para sa sinasabi ng isang to.

Alam nyo tama talaga si Justin, may free taste nga.

"1 little 2 little 3 little hotdog ..." ayun yung kanta nung naka-hotdog costume.

"Shan, parang pamilyar yung kanta nung taong hotdog?" ipinatong ni Justin ang kamay nya sa balikat ko. "pero parang mas pamilyar yung bagay sa'yo si Justin" pagkuway sumipol sya.

Napagbigyan ko na sya dun sa free taste kahit free lamon ang ginawa nya. Nakalimang balik sya, grabe.

"Tama ka na, yung pinapabili ni kuya, puro ka hotdog man." hinila ko na sya papalayo sa pagkain.

"Last nalang" nakikipaghilahan sya sa sarili nyang katawan. Bibitiwan ko sana kaso naalala ko maputik pala sa palengke. 

Kaya naman natapos ako sa paghawak sa kamay nya.

Chasing GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon