🐓Chapter 9🐓

262 9 0
                                    

Shan's PoV

Dalawang linggo matapos nyang umamin na may nararamdaman din sya para sa akin ay hindi ko na rin sya nakikita.

Ayun ata yung tinatawag na ghosting

#jinowataposiniwan

Self kumalma ka hindi ka naman jinowa iniwan ka lang.

"Ano tara na?" tinapik ako ni Justin sa balikat. May ibang babae na naman syang kasama.

"Sige magta-taxi nalang ako" nakatingin lang ako sa lugar kung saan nakapwesto si Ken dati

"Brianna, mauna ka na" tama bang itaboy ang babaeng kasama?

"it's Thania" pagtatama nito sa kanya. Gago talaga tong Justin na to.

"Oh Thania, right you're Thania" nginitian nya pa ito at nag-flying kiss pa talaga. "Now get lost"

"Siraulo ka?" hinampas ko sya ng mahina sa braso nya, nginitian nya ako at inakbayan.

"You know I'll always choose you kahit alam kong hinding-hindi mo ako pipiliin" napatingin nalang ako sa kanya. Pinagbukas nya ako ng pinto ng sasakyan "Get in"

Pumasok na ako sa loob, sa shotgun seat dahil doon ang paborito kong pwesto.

"Kapag nagsawa ka na sa kakahintay sa kanya, payag naman akong maging second option mo" in-start nya ang sasakyan "Kaya kong mag-apply bilang isang panakip-butas"

Tahimik ako buong byahe hanggang makarating kami sa school, kagaya ng dati ay sinalubong ako ni Nase at ni Honey.

"Brad pakibantayan tong si Cai ha?" bilin nya kay Nase, tumango lamang ito bilang pagsang-ayon.

"Saan ba ang punta niya?" sinundan ni Honey ng tingin si Justin "ah, mambabae"

"Alam mo simula ng mabasted mo sya naging ganyan na siya" may halong pangongonsensya na parinig  nya.

"Alam mo kasi John Paulo hindi naman namin pwedeng ipilit na mahalin ang mga taong di naman namin mahal" wow naman ang deep naman yata ni Honey ngayon?

"Ah, parang parehas ba ng pagkakabasted ko sa'yo?" tatango-tangong pahayag ni Nase.

ayun, nabato sya ni Honey ng sapatos.  Ang kulit kasi.

"Ang sakit mo talagang magpakita ng pagmamahal" hinilot ni Nase ang noo nya kasi nga doon sya nasapul "Samantalang nung isang araw nagmamakaawa kang gawin kong Nase ang apelyido mo"

"Ulol ka ba? Ang ganda-ganda ng apelyido ko" pinagsalitan ko lang sila ng tingin. Ang sweet nila para silang sina Tom and Jerry

"All students please proceed to the gym"

ewan mo ba biglaan nalang napataas ang isa kong kilay matapos sabihin na magpunta kami sa gym.

"Tama na yang harutan tara na" parinig ko naman sa kanila para naman makaganti man lang sa ginawa nilang pang-aasar sa akin.

"Ipapakilala yata yung pamangkin ni Mr. Suson" biglang may nagsalita sa likuran ko. "Naalala mo pa ako?"

"Joshua?" unsure na sabi ko sa kanya

"It's just Josh" tumawa sya. Mas mahinhin pa sya sa akin

"Uy brad type mo ba si Cai?" bigla nalang tumabi si Nase kay Josh. Siraulo talaga tong taong to

"Bahala kayo sa buhay nyo" kinuha ko ang gamit ko at nagtungo na rin sa gym.

Pangatlo ako sa unahan dahil hindi naman ako katangkaran di ba? Si Honey ang matangkad, sya ang nasa dulo.

"Parang destinty to ah" tinapik ako ng katapat ko sa pila. Si Josh pala

"Line formation to, at hindi destiny" inirapan ko sya.

Lahat ba ng makikilala kong tao mga mga takas sa mental

"May I have all the attentions now" nagsalita na si Mr. Torres "Itong school na ito ang napili ng pamangkin ni Mr. Suson bilang ikalawang tahanan"

may mga sinabi pa si Mr. Torres pero hindi rin naman ako interesado kaya naman nanahimik na lang ako.

"Hello nice to meet you I'm...." muli akong napatingin sa stage kung saan narinig ko ang isang pamilyar na boses. Nakita ko si Ken

"Felip Jhon Suson"

nagtama ang mga mata namin, parang tumigil ang mundo ko.

pinagmasdan ko syang mabuti mula sa suot na damit hanggang sa sapatos, masasabi ko ang malaking pagkakaiba pero alam kong iisang tao lang sila.

"Ken" out of the blue bigla ko nalang nasabi ang ang pangalan nyang nakasanayan ko.

Plano kong pumunta sa kanya subalit iba ang nangyari, lumakad  ako papalayo at hindi ko alam kung bakit yun ang ginawa ko.

para akong wala sa sarili ko sa mga oras na ito, alam nyo yung sobrang nag-alala ako sa kanya dahil dalawang linggo ko syang hindi nakita? Tapos biglang boom! Nakatayo na sya sa harapan ko bilang pamangkin ng head ng Aurum High.

Paulit-ulit kong sinasampal ng mahina ang pisngi ko habang patuloy pa rin ang paglalakad ko.

"Shan" napahinto ng panandalian dahil alam kong sya ang tumawag sa pangalan.

paano kong hindi makilala ang boses nya, alam naman ng lahat kung gaano ako kapatay na patay sa kanya di ba?

"Bakit?" tanging lumabas sa bibig ko. Pinanatili kong kalmado ang aking mukha.

"Pwede ba akong magpaliwanag?" lumapit sya sa akin at hindi ako umatras kahit na ba isang hakbang lang.

Chasing GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon