🐓Chapter 11🐓

259 11 0
                                    

"Are you okay?" ikinaway ni Ken ang palad nya sa harapan ko "Mukhang distracted ka"

napansin nya rin pala.

"May iniisip lang kasi ako" pag-amin ko sa kanya.

Oo iniisip ko si Justin, inaalala ko sya.

"Like what?" tumingin sya akin, dapat ay kinikilig na ako sa mga oras na'to di ba? But I keep on thinking about Justin at nadi-distract talaga ako.

Umalis sya sa klase matapos nyang sapakin si Jacob. Ano na kaya ang nangyari sa isang yon?

Nakauwi na kaya sya?

Tulog na kaya sya?

"Stop thinking, focus on me" hinalikan nya ako ng mabilisan "I want you to focus on me"

"Okay" ngumiti ako ng tipid. Pupuntahan ko nalang si Jah mamaya sa kanila. "So Ken--- este Felip"

"Ano ba yan ang baho" nagtakip sya ng ilong tapos tumawa ng mahina "Manuod tayo ng movie next time?"

"Sige" sumandal ako sa inuupuan ko, pakiramdam ko masyado ang araw na ito para sa akin. "Hmm?" napalingon ako kay Ken matapos nya akong hawakan sa kamay

"Nothing I just want to hold your hand" sagot nya sa akin habang naka-focus ang mga mata sa daan dahil nga nagmamaniybra sya ng sasakyan nya.

napangiti naman ako sa sinabi nya, simpleng salita lang yon pero alam kong galing sa puso nya ang mga yon

Sandali akong napatingin sa labas and I saw someone familiar.

"Ken, ibaba mo nalang ako dito" saad ko. Bigla nyang inihinto ang sasakyan at tumitig sa akin dala ng pagtataka.

"Malayo pa ang bahay mo di ba?" pag-uusisa nya sa akin. Hindi ako makasagot kahit na ba alam ko ang dapat sabihin.

"Pasensya na talaga." yun lang ang nasabi ko at bumaba na rin ng kotse nya.

Tumakbo ako pabalik sa lugar kung saan ko nakita ang pamilyar na tao sa akin, si Justin.

Pero hindi ko naman sya nakita sa paligid, marahil ay namalikmata lang ako.

"Miss eshang beer pa" or maybe not.

Hinanap ko ang pinanggalingan ng boses, natunton ko si Justin na mukhang lasing na rin. Limang bote na ng beer ang naubos nya.

"Miss yung bill" sabi ko sa tindera, lasing na lasing na si Jah.

"Uy nandyan ka pala?" kinawayan nya pa ako. Lasing na nga talaga sya "Nakikita kita pero ako di mo ako makita-kita"

"Alam mo iuuwi na kita" inalalayan ko sya sa pagtayo, sukat ba namang magpabigat? "Justin de Dios!" sita ko sa kanya.

"Iuuwi mo ako di ba? Ibahay mo na ako dali" ngumuso sya sa harap ko "Alam mo bang gustong-gusto kitang halikan? Pero iba na ang nagmamay-ari nyan"

"Umayos ka na kasi Justin" susmareyosep para akong humihila ng isang sakong bigas. "Justin!"

naiinis na ako sa ginagawa nya sa kanya. Buti nalang medyo nakausad na kami kahit papaano.

"Ano bang nangyayari sa'yo ha? Kanina nanuntok ka ngayon naglalasing ka" sermon ko sa kanya.

Bumitaw sya sa akin at susuray-suray na humarap sa akin.

"You happened" sagot nya, natahimik ako "Sinabi ko na sa'yo Cairene mahal kita" hinawakan nya ang kamay ko at lumuhod sa harapan ko.

"Tumayo ka dyan Justin" hinihila ko sya pataas pero hindi sya nagpapatinag.

"Sa tinagal-tagal na tayo ang magkasama bakit gano'n? Wala ka ba talagang nararamdaman sa akin?" nakarinig ako ng paghikbi "Mas marami tayong pinagdaanan kaya bakit ako? Bakit yung Ken na yon yung mahal mo? Samantalang ako naman yung lagi mong kasama, ako yung laging dumadamay sa'yo."

natahimik ako sa mga sinabi nya dahil totoo naman yon. Simula palang pagkabata namin lagi na kaming magkasama, halos hindi na kami mapaghiwalay.

"May mali ba sa akin Cai?" humigpit ang pagkakahawak nya sa kamay ko.

Wala akong maisagot dahil wala namang mali sa kanya.

"Walang mali sa'yo" sagot ko sa kanya, lumuhod na rin ako sa harapan nya "Kaya wag mo naman akong pahirapan"

"Kung nahihirapan ka, wag mo na akong sundan kasi hangga't ganyan ka sa akin patuloy lang akong aasa na baka magustuhan mo rin ako" pinahid nya ang mga luha nya sa mismong harapan ko. Making me felt so much guilt right now.

"Kaso Cai, napakasuntok sa buwan naman pala ng bagay na yon" kinabog nya ang dibdib nya. Ngayon ko lang syang nakitang nagkaganito.

At masakit para sa akin.

Hindi ko napigilan ang sarili ko na humawak sa pisngi nya at pahirin ang bawat luhang pumapatak sa kanya.

Pinigil nya ang kamay ko at pinanatili iyon sa pisngi nya.

"Ganitong-ganito ang panaginip ko kaninang umaga" muling lumandas ang luha sa mga mata nya "Kaso panaginip ko, mahal mo rin ako"

mas lalo akong nasaktan para sa kanya.

Chasing GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon