🐓Chapter 5🐓

299 13 5
                                    

Shan's PoV

Nangangalahati na ang klase pero wala pa rin akong maintindihan. Bwisit na Justin na yon

"Miss Ajero, are you with us?" tanong ni Prof. Salazar sa akin "Paki-solve yung board."

iniisip ko pa nga ang sinabi sa akin ni Jah tapos ipapa-solve ko yung board? Ano ba namang klaseng buhay to?

"hoy i-solve mo raw yung math problem" sabi sa akin ni Honey. Eh kung sa sya ang seatmate ko e.

"ah." tanging reaksyon ko at nagpunta na sa harap ng blackboard.

ewan ko lang talaga dahil parang napalitan yung mga numbers sa board ng mga letters at pumorma ng "Cai, pwede ba kitang ligawan" at ang masama pa nito ay naririnig ko ang boses ni Jah!

napaatras tuloy ako. Justin naman kasi!

Speaking of him, hindi ko pa sya nakikita simula kanina.

"Ma'am I'm sorry po but I need to go to the clinic" palusot ko nalang, hindi ko na hinintay ang abiso ng math teacher namin.

Bahala na, mukhang napahiya ko sya sa harap ng maraming tao matapos kong ipaalala sa kanya na si Ken ang gusto ko. Inaamin kong naging masama ako sa parteng yon.

Kasi naman nakakabigla ang sinabi nya sa akin, kaso hindi naman yon ang problema ko.

ang problema ko e, kung saan ko sya hahanapin.

nagkukulong din ba ang mga lalaki sa cr? Nagmumukmok?

alam ko na.

nagmadali akong tumakbo papunta sa isang lugar na kaming dalawa lang ang nakakapasok dahil nga matigas ang ulo naming pareho.

sa lumang science room.

halos ilang minuto ang ginugol ko sa paglalakad kasi nga baka mahuli ako ng mga staff ng school.

"Jah?" marahan kong binuksan ang pinto at in-on ang ilaw para i-check kung nandito nga sya.

"Jah?" tawag ko ulit sa kanya. Napahinga ako ng malalim.

hanggang sa may biglang may nagsalita.

"Bakit hindi nalang si Ken ang puntahan mo tutal sya naman ang gusto mo" sigurado akong sya yon, si Justin yon.

"Justin nasaan ka ba?" napakamot ako sa batok ko, hindi ko na talaga ang gagawin ko sa kanya.

"Nasa loob ng puso mo, umiiyak at nasasaktan" kasagut-sagutan nya sa akin. Kung hindi ko lang naiisip na nasaktan ko sya, talagang susunugin ko ang lumang room na to.

"Justin seryoso kasi ako" napadabog na ako.

"Dito" biglang may humawak sa paa ko.

"Ay putangina!" mura ko dala ng sobrang gulat sa kanya. Malay ko ba naman kasing nasa ilalim sya ng lamesa kung saan ako eksaktong nakatayo?

"Dito tayo." hindi nya ako tiningnan, medyo nakakapanibago lang.

naupo ako sa tabi nya, nakaramdam ako ng pagkailang pero nandito na ako dapat hindi ko sya iwasan.

dapat hindi nya rin ako iniiwasan.

"Justin I'm sorry kasi...." hindi ko natapos ang sinasabi ko dahil tinakpan nya ang bibig ko.

"Wag ka munang magsalita, masakit pa ang puso ko sa sinabi mo kanina" yumuko sya. "sa tinatagal nating magkasama hindi mo pa rin pala alam na may gusto ako sayo"

hindi ako sanay na seryoso sya na nakikipag-usap sa akin.

"Justin, sorry na" hinawakan ko ang kamay nya. "I can only see you as a friend"

"But I see you more than that" now I see how his tears fell down "kaso ang hirap mo palang magustuhan, masaya na masakit."

kusang kumilos ang mga kamay ko para punasan ang mga luha nya. Hinuli nya ang kamay ko at idinikit sa pisngi.

"Give me atleast one month then I'll make you fall inlove with me" naramdaman ko ang pagkabog ng dibdib ko nang tingnan nya ako. "If it didn't work I'll let go of you"

"Justin naman..." gusto kong magdabog kaso nasa ilalim kami ng lamesa baka mauntog pa ako.

"Please, one month lang ang hinihingi ko" he even made a hand gesture of one.

"Pero Justin, hindi naman ako deserving sa'yo just look around maraming nagkakagusto sa'yo dito sa school. Sila nalang wag na ako" binawi ko ang kamay ko sa kanya.

"Hindi naman ikaw sila" napasabunot sya sa sarili nya. Alam ko namang gusto nyang magdabog. "Mag-usap nalang ulit tayo kapag nakapagdesisyon ka na."

nakuha nya pang tapikin ako sa balikat ko bago ako tuluyang iwan.

Bumalik ako sa classroom na parang walang nangyari, naroon na rin si Justin at nakikipagkwentuhan sa mga kaklase namin.

"Shan okay ka lang ba?" talagang lumipad pa si Nase sa tabi ko. Napakalayo na nga ng upuan nya.

"Okay lang ako" kinuha ko yung kinakain nyang hotdog

"Hoy Shan, wag mong kainin yung hotdog ko" sinamaan ko sya ng tingin. "yung pagkain kase"

malay ko ba kase.

Pag sya na ang nagsalita nagiging greenminded ako. Dapat laging may teacher para hindi umaapoy ang pwet ng isang to e.

"Oh come on Shanell Ajero you can count on me" nag-opened arms pa sya.

"Bakit calculator ka ba? Paano ako magka-count sayo?" pamimilosopo ko sa kanya.

Saglit akong napatingin kay Justin at mukhang seryoso sya sa pag-iwas sa akin.

"Nase, sabay na tayong umuwi"

bahala na.

Chasing GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon