🐓Chapter 10🐓

260 8 0
                                    

Shan's PoV

"Master, hinahanap na po kayo ng lolo nyo" saad ng lalaki na bigla nalang dumating.

He's wearing suit and tie, mukha syang bodyguard sa mga spy movie na napapanuod ko. Ganoon kayaman si Ken.

mali si Felip Jhon Suson.

"Susunod nalang ako" mahinahon na pagkakasabi nya sa lalaki "I just need to talk to her"

may ilang sandali pa ay umalis na rin ang kausap nya kanina at ako ang muling hinarap.

"Shanell" humakbang sya papalapit sa akin "Namiss kita" ginulo nya ang buhok ko bago ako yakapin at halikan sa noo

"Gano'n lang yon? Hindi magpapaliwanag?" namalayan ko nalang na niyayakap ko na sya pabalik.

This is crazy.

"Bakit ka tumakbo?" hinaplos nya ang buhok ko "Don't you wanna see me?"

isiniksik ko ang mukha ko sa dibdib nya, hindi na sya amoy pritong manok.

Ang bango nya.

"Hindi ka na ba galit sa akin?" tanong nya, hindi ako makasagot dahil nga namiss ko sya mas pinili kong yakapin sya.

Hinawakan nya ang kamay ko at nginitian ako.

"Ken" umiiyak na naman ako kaya tinakpan ko ang mukha ko para hindi nya makita ang hitsura ko.

"Silly" inalis nya ang kamay ko mula sa pagkakatakip sa mukha ko "You're attractive"

"Ang pangit ko kaya" hinampas ko sya sa dibdib nya, tinawanan nya ako ng mahina.

"You're pretty" napakamot sya sa batok nya "Ano ba yan? Ang baduy" sya naman ang nagtakip ng mukha nya pero bumalik din ulit sya sa mood nya. "Let's go kay lolo"

Hawak pa rin nya ang kamay ko habang nasa harap kami ng isang matandang lalaki, baka ito na ang lolo nya.

"Magandang araw po" medyo sumiksik ako kay Ken dahil bigla akong tinablan ng hiya na tagos sa buto.

"Grandpa, this is Shanell" pinaharap nya ako sa lolo nga nya "My girlfriend" nanlaki ang mga mata ko at nilingon si Ken.

2 weeks ago ang sabi nya may gusto rin sya sa akin tapos ngayon? Girlfriend na nya ako. Ang real quick naman.

"Nice to meet you hija, maupo kayo" ngumiti sa akin ang lolo nya "And you Felip"

"Felip... Felip... Fe---" tinakpan ni Ken ang bibig ko para patahimikin akong magsalita

"Maupo raw sabi ni grandpa" bulong nya sa akin kaya naupo na ako. Si Ken naman ay nakatayo lang sa likuran ko at nakakapit sa balikat ko.

"Hija, kumalma ka lang no one will eat you in this room" tumawa ang lolo ni Ken "No wonder that he's into you"

"Grandpa naman" bakas sa boses ni Ken na nahihiya sya sa sinasabi ng lolo nya. Gusto na ring tumawa ng malakas pero pinigilan ko muna kasi nakakahiya sa lolo nya pag nagkataon.

"Shut up Felip." pinutol ng lolo nya ang pagsasalita nya "I'm talking to your girlfriend" bumaling sa akin ang atensyon ng lolo nya "So what's your name hija?"

"Shanell Ajero po" pagpapakilala ko sa kanya sa aking sarili. Hindi ko alam ang sasabihin sa lolo ni Ken.

sana pala tinakbuhan ko nalang si Ken kanina... Hay nako naman, minsan kasi wag pairalin ang karupukan Shanell.

"So I want to know about your family, sooner or later magpo-propose na si Felip sa'yo" tumawa ang Lolo ni Ken

nagkatinginan kami ni Ken, nagtaas-baba sya ng kilay sa akin. Mukhang wala syang balak iligtas ako sa sinasabi ng lolo nya.

"Ampon lang po ako" ngumiti ako ng tipid bago muling magsalita "Binenta po ako ng parents ko"

"That's too sad" huminga ng malalim si Mr. Suson "How can they abandoned such a beautiful lady?"

"Grandpa sa akin yan" biglang singit ni Ken sa usapan "I'll tell grandma 'bout this"

"Shut up Felip" itinaas ni Mr. Suson ang tungkod nya, hahampasin pa yata ang apo nya. "Hindi ka ba nalulungkot hija?"

"Hindi po" I answered with all my honesty. Sabi ni kuya Stell masama ang magsinungaling "Maayos naman yung mga umampon sa akin kaya hindi ko naman po kailangang malungkot"

Mahaba ang naging pag-uusap namin ng lolo ni Ken, halos ayaw na rin nya kaming paalisin kanina sa office nya.

"Take care." bulong sa akin ni Ken, hinatid nya kasi ako hanggang classroom namin.

"Ikaw din" inayos ko ang buhok ko. Bakit parang ang pabebe kong tingnan? "Papasok na ako sa room"

ako naman ang napapakamot ng batok ko sa mga sandaling ito.

"Shanell." tawag nya sa akin kaya nilingon ko sya ng marahan lang with my "bakit-ano-yon?" look. "I love you"

nakarinig ako ng isang mahabang "ayyyyyyyyyieeeeeee" mula sa mga kaklase ko.

nginitian ko lang si Ken, aba tinatablan din naman ako ng kahihiyan sa loob ng katawan ko.

kumindat pa talaga bago umalis.

"Uy kaya pala binasted mo si Jah kasi pamangkin ng head ang boyfriend mo" dinutdot ni Nase ang tagiliran ko.

"Correction, Felip Jhon is the grandson of the owner of this school" pagtatama ni Honey sa kanya. Ayan na naman po sila at mukhang mang-aaway

"Shan, meron ding tatlong business ang Daddy ko maybe you can date me too" napadako ang mga mata ko kay Jacob

"So what's your point here?" nanatili akong nakatingin sa kanya

"You're doing anything for money, so let's make it easy" tiningnan nya ako na para bang lalamunin nya ako ng buo "in my bed"

"Gago ka." tumayo ako para sana sampalin sya kaso naunahan na ako ni Jah na masapak sya

"Gusto mo bang ako ang magdala sa'yo sa kama ng ospital ha" banta niya kay Jacob

"Justin tama na yan" inawat ko si Jah sa pagsapak kay Jacob "Ako na ha?"

"Bitiwan mo nga ako." sumaldak ako sa sahig sa pagbalibag nya sa kamay ko.

tiningnan lang ako ni Jah at lumabas na sya ng classroom.

Chasing GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon