🐓Chapter 3🐓

369 17 19
                                    

Justin's PoV

"Ma nakauwi na po ako" kinatok ko ng kaunti ang pinto bago pumasok ng bahay. Baka nasa kusina siya at nagluluto.

"Ma?" tinungo ko ang kusina at nakita kong may bisita sya.

"Nandyan ka na pala?" tanong nya at sandali lang akong tinapunan ng tingin, may niluluto kasi sya.

"Sino sya ma?" tiningnan ko sandali yung bisita ni mama na punggok.

"Ah si Josh, pinsan mo" pakilala ni mama sa bisita nya.

"Ah..." tumango-tango ako "Anong niluluto mo ma?"

"adobo, nag-request kasi ang pinsan mo matagal na raw syang hindi nakakain ng pagkaing pinoy" kita nyo? Ang daldal ni mama, ang tinanong ko lang naman kung anong niluluto nya.

"Bakit saan sya galing ma? China Town" tanong ko. Hinampas nya ako ng sandok "aray ko naman ma, joke lang e" tumawa ako.

"Justin nga pala." pagpapakilala ko sa sarili ko. Eh kung sa hindi ko nga sya makilala e.

"Josh Cullen Santos" nakipag-shakehands sya sa akin.

Anong grade na kaya neto? Buti pinayagan syang bumyahe e school days pa ngayon.

"Anak mas matanda yan sayo ha." biglang sabi ni mama. "Ihatid mo nga to kay Ken"

kumuha si mama ng tupperware na paglalagyan ng ulam.

"Tapos itong isa kay Shanell tsaka sa kuya nya" bale dalawang tupperware

"Ma dagdagan mo yung kay Cai, matakaw yon e" bilin ko kay mama. "Tsaka yung kay Ken sabaw nalang ng adobo."

binatukan ako ni mama.

medyo nakakarami na syang batok aa akin. At masakit yon

"Ikaw Josh, kumain ka na, kasi yang si Jah doon yan makikikain sa bahay ng kaibigan nya."-mama

alam na alam niyang doon ako kakain ngayong gabi ah.

Nauna kong hinatiran ng ulam si Ken, sabi ni mama naaawa raw sya sa tao kasi walang kasama sa buhay.

Tinitingnan nya ako at ang dala kong tupperware.

"Ano yan?" tanong pa nya.

"Adobo, luto ni mama" bagot kong inabot sa kanya yung ulam na niluto ni mama

"Ah, salamat." wala pa ring ekspresyon ang mukha nya. "Ibibigay mo yan kay Shanell?"

"Oo" tanging sagot ko

"pakisama to" pumasok sya sandali sa loob ng bahay nya at inabutan ako ng chicken wings.

"chicken wings?" medyo tumaas ang isa kong kilay. Seryoso ba sya

"Oo, lagi kasi syang bumibili sa akin kaya libre ko na yan" tinitigan ko pa sya ng medyo matagal.

Ano naman kaya ang iniisip nya? May gusto kaya sya kay Cai?

"Hoy ikaw, may gusto ka ba sa kaibigan ko?" kompronta ko sa kanya.

I need to know.

Dahil may gusto rin ako kay Cai.

"pakialam mo ba?" ibinalik nya pinaglagyan ng ulam sa akin at pinagbagsakan ako ng pinto.

"Ang yabang" inambahan ko yung pinto ng bahay nya. Bakit naman kasi may gusto si Cai sa kanya?

Bwisit.

Ewan lang ha, hanggang makarating ako sa bahay nila Cai, iniisip ko pa rin yung sinabi ni Ken the chicken.

ano ba kasing ibig sabihin ng "anong pakialam mo" na sinabi niya sa akin kanina.

Hindi ko talaga makuha yung sinasabi nya, wala akong ma-gets. Nakakabobo naman.

"Argh" gusto kong sabunutan ang sarili ko kaso may dala akong ulam kaya next time nalang.

"problema mo?" tanong ni Cai sa akin at kinuha ang dala ko.

"Nakaapak ka ba ng tae Jah" tanong naman ni kuya Stell.

"naapakan mo sarili mo Jah?" dugtong ni Cai sa sinabi ng kuya nya.

pinitik ko sya sa noo.

"Salo na tayo sa plato tutal ako naman ang naghuhugas ng plato" sabi ko kay Cai.

Hindi ko pa sya naiisipang ligawan ay ina-under na nya ako.

"Mag-ibang plato ka nalang" reklamo nya kaagad. Syempre kokontrahin ko yon.

"Dali na kasi, sige ikaw maghugas" kunwari ay tinatakot ko sya.

napansin kong nakatingin sa amin si kuya Stell.

"kayong dalawa, may lihim ba kayong pagtingin sa isa't-isa?" pinagsalitan nya kaming tingnan ni Cai.

"W-wala po" halos magkasabay naming pagtanggi naming dalawa.

"Okay." nagkibit-balikat sya "Kain na tayo"

katabi ko si Cai habang kumakain tapos yung kuya naman, katapat naming dalawa.

"oo nga pala, yung wings dyan bigay ni Ken." pagkasabi ko noon ay hinampas nya ako sa braso.

Lahat ba ng babae kapag kinikilig bigla nalang nanghahampas?

"Chicken ni Ken" sabi niya at muli akong hinampas.

"saksakin kita ng tinidor isa pa" hinimas ko ang braso kong ilang ulit nyang hinampas.



Chasing GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon