🐔Chapter 29🐔

166 6 4
                                    

Mababaliw na yata ako sa tagal ng quarantine na'to.

"Kuya bilhan mo ako ng ice cream" lambing ko kay kuya Stell

"Ano ba yan Shan, mamamatay na ang lahat tapos  ikaw ice cream pa iniisip mo? Sige bibilhan kita malay mo next ka na" yung tingin niya talagang mukhang gusto na talaga akong patayin ng pinakamamahal kong kapatid.

"Sige kuya tapos ikaw ang una kong mumultuhin" pananakot ko sa kanya, takot pa naman to sa multo.

"Ito naman joke lang, anong flavor gusto mo?" biglang bawi niya sa akin.

Sabi sa inyo eh, multo, maligno at mga aswang lang ang kinatatakutan niya.

"Strawberry flavor, kung medyo mabait ka ngayon kuya samahan mo na rin ng dalawang supot ng dewberry maraming salamat" sabay flying kiss ko sa kanya.

"Talagang supot lang ibibigay ko sayo" tatawa-tawa niyang saad sa akin. "Sige na aalis na ako"

"Bye kuya" nag-flying kiss ulit ako sa kanya, sukat ba namang umilag. "Ang arte mo kuya"

"Wag kang lalabas ng bahay, alam kong may something kayo ni Jah pero wag muna kayong maharot" habilin niya sa akin.

Ayos ah, palibhasa walang lovelife ang isang ito. O sa mga single dyan irereto ko ang kapatid ko.

Hindi kayo talo rito, gwapo, masipag, humble, magaling magluto.

Kaso hindi kami mayaman kaya dapat tapatan nyo ang sipag at tiyaga ng kapatid ko, binubugaw ko na siya dahil road to matandang binata na talaga siya.

Ay oo nga pala, tatawagan ko pa si Justin.

I picked my phone para tingnan kung naka-online na ba siya.

"Uhm?" napakunot ang noo ko, andaming unread messages galing kay Ken.

walang pagdadalawang isip na binuksan ko iyon dahil baka importante dahil talagang napakarami.

Ken: This day is supposed to be our 2nd month together, I know I'm little bit late to say this to you but believe me, I love you

sent: 00:30

Ken: Ayos lang naman kung hindi ka sasagot sa message kong ito sayo, I only want to make sure that you're safe.

sent: 00:33

Ken: I love you, no one can replace you. I hope you can forgive me for causing you so much pain, for hurting your feelings...

Hindi ko na tinuloy ang pagbabasa, dahil sa biglaang pagsikip ng aking paghinga. Bakit niya ba ako pinahihirapan ng ganito?

Justin de Dios is calling you

(Accept|Decline)

Medyo matagal akong napatitig sa cellphone ko bago magpasyang sagutin ang tawag niya.

Tinaasan ko siya ng kilay bilang pambungad.

("napakasungit mo naman?") sabay pakita niya ng nakakatawa niyang hitsura sa akin. Bwisit talaga tong lalaking to e.

"Siraulo, ano ba yan bakit ang kalat ng kwarto mo?" puna ko sa nakita ko.

("Eh kasi ginawa ko to.")  nawala siya sandali sa harap ng camera ("ta-da!")

It was portrait, ito pa yung acquintance namin last year, anime pa nga ang theme namin that time.

Nag-Sakura ako ng costume tapos siya naman nag-Shaoran, hindi iyon nagkataon dahil nag-usap talaga kami.

("Mas maganda drawing ko kaysa sayo e") bwelta niya. Napakasiraulo talaga kahit kailan.

"Yung totoo, tumawag ka lang ba para bwisitin ako?" inirapan ko siya "papatayin ko na to."

("Ito naman napakasungit. Kumain ka na ba?") ngumiti siya ng abot-tainga

"Hindi pa, kaya tantanan mo ako bago kita maisip na lutuin na bwisit ka" ang sarap niyang tuktukan promise.

("Kakainin mo ako?") ngumiti siya, yung ngiting mukhang hindi mo talaga siya pwedeng pagkatiwalaan.

"Alam mo kapag natapos tong quarantine na'to sasakalin talaga kita" muli ko siyang inirapan.

Umabot ng ilang oras ang naging usapan namin, medyo paputol-putol na nga lang kasi parehas kaming gumagawa nya.

Tapos pagbalik ko si kuya Yani na nabungaran ko nagre-renegade habang nakaupo lang naman.

("Hoy kuya alis ka dyan") tinulak siya ni Justin, ayon may narinig akong lumagabog.

("Shan, iba nalang wag na si Jah mabaho utot nito") bira ni kuya Yani.

Putarages, hindi ko alam kung saan ako haharap para di nila makitang pinagtatawanan ko sila.

Sa huli ay nag-end call ako. Bwisit naman kasi sa dinami-rami ng paninirang puri kay Jah yung mabahong utot pa talaga.

Malamang.

Ang tagal naman kase ni kuya, nadaganan na yata ng ice cream at dewberry.

Baka nakahanap na siya ng jowa? Hmm.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 30, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Chasing GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon