🐓Chapter 4🐓

318 14 3
                                    

Shan's PoV

Kanina pa to si kuya e, ansama ng tingin sa akin. May regla kaya ang isang isang to.

"Hoy Shan, may gusto ka ba kay Justin" tanong nya sa akin. Nasamid ako ng sarili kong laway.

"Saan mo naman nadampot yang tanong mo?" hindi ko mapigilang tumawa.

Eh kasi naman, parang kapatid ko lang si Justin. Si Ken ang gusto ko, alam din yon ni Jah.

"Sa tinagal-tagal ng panahon na magkasama kayo napakalabong hindi ka magkasagusto kay Jah" teka, bakit parang binubugaw nya ako sa kaibigan ko?

"Ewan ko sa'yo dyan kuya, papasok na ako" kinuha ko ang bag ko at nagmadali ng umalis ng bahay.

"Shaaaaaaan!" biglang may kumalabog sa likuran ko. Wait lang yung kaluluwa ko nawawala yata.

"Nase?!" oo hindi si Justin, kundi si Nase ang humampas sa akin. Hinambalos ko sya ng shoulder bag ko.

Ang sarap uluhan ng isang to e

"Gusto mo ng hotdog ko? Mainit-init pa" tanong nya. Nasamid na naman ako ng sarili kong laway.

Hayf kasing Nase na to.

"Sinasabi mo dyan?" tinakpan ko yung mukha ko kasi naman bigla akong namutla. Pucha.

"Yung tinitinda namin na hotdog" inosente ang pagkakasabi nya, nagkamot pa sya sa baba.

baba ha? yung chin umayos kayo

"Mukha ba akong mahilig sa hotdog?" tanong ko sa kanya. Nginitian lang nya ako.

ayan na naman yung golden braces nya.

Nasaan na ba si Justin? Nasa kanto na dapat yon ah?

"Una ka na sa school, dadaanan ko muna si Jah" paalam ko kay Nase.

Si Justin ang may kotse kaya makikisabay ako syempre.

"Sa akin ka na sumabay kasi ang sabi nya may tatapusin daw silang project kaya pumasok sya ng maaga." paliwanag niya sa akin.

Medyo nadisappoint ako, hindi ko lang talaga alam kung bakit.

"Ah sige." naglakad lang ako na parang wala sa sarili, hindi man lang nagbilin sa akin na hindi nya ako maisasabay pagpasok sa school.

"Hoy manok, bili ka na" napalingon ako kay Ken at sa mga paninda nya bago pa man maupo sa isang bakanteng silya sa tabi.

"Bigyan mo akong lima tapos yung sawsawan gusto ko yung pinakamaanghang" ewan nababadtrip talaga ako kay Jah.

"okay." tinitigan nya muna ako ng medyo may katagalan. Medyo nailang lang ako kasi parang kinakabisado nya ang mukha ko. "Oo nga pala yung manok"

napakamot pa sya sa ulo nya. Isa rin pala syang lutang.

"ito na yung sili mo na may manok" umiling-iling sya sa sinabi nya "manok na may sili"

kumain muna ako, inalok ko na rin si Nase. Hindi ko naman kasi mauubos ang lima.

"Manok may problema ka ba?" naupo ulit si Ken sa tabi ko "Hindi mo yata kasama yung lagi mong kasama?"

"Ah si Justin, ewan ko dun nauna na syang pumasok" nilantakan ko yung manok. Just to show them na naaasar ako kay Justin.

"penge akong isa" hindi pa ako pumapayag nakakuha na sya ng pagkain. Dapat sa paninda na sya kumuha. "Alam mo halatang nag-aalala ka sa kaibigan mo"

napatitig ako sa kanya. Teka lang nasaan na si Nase?

Balik tayo sa sinasabi ni Ken

"Eh kasi naman, ngayon lang nya ako hindi naisabay." ngumuso ako tapos lumantak ulit.

"Harap ka rito" pinihit nya ako paharap sa kanya "parang bata kumain" pinunasan nya ang labi ko gamit ang thumb nya.

wait lang guys----- I'm dead. Nasaan ang tombstone?

"a-ako na" nagpeke ako ng ubo at nag-ayos ng sarili ko

"wala ka naman talagang amos" bulong nya sa sarili nya. Hindi ko gaanong narinig ang sinabi nya, busy kasi ang puso ko sa pagkabog ng matindi.

"May sinasabi ka ba?" tanong ko sa kanya.

"Wala, sige lang mag-amos ka lang dyan" sumipol-sipol pa sya.

"Bullshit!" napakaripas ako kasi malapit na akong ma-late. Kasalanan to ni Jah.

Masisipa ko talaga sya kapag nakita ko sya.

Halos madapa ako sa pagmamadali, mabuti nalang at mukhang may event dahil nasa gym ang lahat halos ng mga estudyante.

"Shan dito tayo" may nag-lead sa akin ng daan, sumunod nalang ako hanggang mapunta ako sa gitna.

Ano na namang ang nangyayari?

Inilibot ko ang ang paningin ko sa paligid ng gym, ngayon ko lang napansin na may mga decoration dito.

"HOYYYYY!" bigla nalang may sumigaw gamit ang mic. Dumagundong iyon sa buong gym "Shanell Cairene Ajero alam mo ba ang sama ng ugali mo"

haaaaa?

napansin ko nalang si Jah na may hawak na mic at papunta sa direksyon ko. So may problema sya sa akin?

"Anong problema mo ha? Nag-aalala ako sayo tapos sasabihin mo na masama ang ugali ko?" pinaghahampas ko sya. Ewan ko ba sa isang to kayang kaya nya akong paiyakin.

"Ang sama ng ugali mo dahil ninakaw mo yung puso ko" gagong to ngiting-ngiti pa "hay naku naman wag ka ng umiyak" niyakap nya ako.

"ang crybaby ko. Ayuyuyu" nakuha nya pa akong asarin kaya kinurot ko sya sa tagiliran "aray ko naman Cai."

nagseryoso sya at hinawakan ako sa balikat, medyo inilayo nya ako para magkaroon kami ng eye to eye contact.

"Cai, gusto kita, pwede ba kitang ligawan?"

anong isasagot ko?

Chasing GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon