🐔Chapter 12🐔

255 10 3
                                    

Nag-cutting classes ako.

Bahala na kung mapagalitan ni kuya kapag nalaman nya, kaso kasi sinundan ko si Justin.

Mukhang hindi na naman sya papasok, may panibagong babae na naman syang kasama.

"Sinusundan mo ba ang pinsan ko?" biglang may nagsalita sa likuran ko, sa gulat ko ay naihataw ko sa kanya ang bag ko. "Ouch, ang sadista mo naman"

"Sorry naman? Bakit kasi nandyan ka?" pagtataray ko sa kanya

"Kalsada to kaya ako nandito" katwiran nya sa akin.

Medyo malapit na to sa akin, gusto yatang makatikim ng isang malupit na sipa.

"Matanong nga pala kita, sino yung babaeng kasama nya?" tanong ko sa kanya.

Para kaming gago na dalawa na nagtatago sa likod ng isang malaking poste.

"Bakit ba tayo nagtatago dito?" tanong nya sa akin, tsaka napansin kong nakaakbay na sya sa kin.

"Bakit ka kasi nakikitago?" tanong ko sa kanya, medyo ang sarap lang nyang sipain.

"Wala lang para may kadamay ka" sagot nya sa akin "Mukhang affected ka kay Jah"

napatingin ako sa kanya, medyo malapit sya sa akin kaya napaatras ako.

"Magkaiba ang pagiging worried sa pagiging affected" eksplinasyon ko kay Josh "Nag-aalala ako sa kanya"

"Doon din ang punta ng pag-aalala mo, believe me" yung pagkakasabi nya para bang pinagdaanan na nya ang mga sinasabi nya.

"Malabo yang sinasabi mo, loyal ako kay Ken" depensa ko sa aking sarili ko

"Loyal ka pero hindi ka faithful" bakit ba ginugulo ng pandak na to ang isipan ko?

"Alam mo, ang bwisit ka" iniwanan ko sya pero humabol pa rin sya "Ano na naman?"

"Sabay na tayong pumasok, aabot pa tayo ng last subject"

sinamaan ko sya ng tingin

nagpapatawa ba ang isang to?

"Eh di ikaw ang pumasok sa last subject." sagot ko sa kanya. Napahinto ako sa paglalakad nang biglang pumasok sa isipan ko na papunta ako sa direksyon ni Justin at nung babaeng kasama nya.

Hinila ko kaagad si Josh na para bang close talaga kami. Kasi naman baka mahalata nyang sinusundan ko sya.

"Kanina lang ang sungit mo ah, friends na ba tayo nyan?" medyo malakas ang pagkakasabi nya. Bwisit talaga tong isang to?

"Kanina pa kayo dyan?" tanong ni Justin, napansin kong inakbayan nya ang babaeng kasama nya "This is Faye, my girlfriend"

pasimple kong tiningnan si Faye, mukhang mabait naman sya.

"This is Josh, my cousin" pagpapakilala nya kay Josh

"Yung girl sino sya?" tanong ni Faye na mas kumapit kay Justin. She is referring to me, dahil ako lang naman ang babae bukod sa kanya.

"Ah, schoolmate ko, di ba obvious ba sa uniform?" walang emosyon ang pagkakatitig nya sa akin.

Hindi naman dapat ako nadi-disappoint ng sobra, pero ewan ko ba sa sarili ko at bigla nalang akong nasaktan.

"Oo, kaklase ko sya." pagsakay ko sa sinabi ni Justin kay Faye.

"Is he nice?" lumapit sya akin at masiglang hinawakan ako sa magkabilang kamay ko "Mabait ba si Justin?"

"Ahm." nginitian ko lang sya bago tumango bilang kasagutan. Magsasabi pa ako ng totoo kahit dine-deny ako ng bestfriend ko.

"I hope we can be friends" she's so angelic, hindi nga malabong magkagusto si Justin sa kanya.

ano ba'tong iniisip ko?

"Oo naman" marahan kong inalis ang kamay nya sa pagkakahawak sa akin. Nagmukha ba akong bastos dahil sa ginawa ko? "Mauna na ako pupunta muna ako sa boyfriend ko"

"Someone cut the class to meet her boyfriend, that's rude" pasaring ni Justin sa akin, eksaktong pagkatapat ko sa kanya.

"Someone denied his bestfriend just because he got rejected" nginitian ko pa talaga sya "Isn't it too childish for his age?"

hindi sya nakakibo habang nakatingin sa akin

"Goodbye classmate" in-emphasize ko ang salitang classmate para naman ma-feel nya na para sa kanya yon.

Halos hindi ako makahinga nang umalis ako, tsaka hindi naman talaga ako pupunta kay Ken. Hindi ko naman alam ang address nya.

ano ako manghuhula? Magpapalipas lang talaga ako ng ilang oras bago umuwi.

Tumambay muna ako sa isang convenient store para naman di halatang mag-isa ako at wala naman talaga akong kikitain.

"Kala ko pupunta kay Ken?" may nagsalira sa tabi ko. Si Josh lang naman.

"Eh sa  nagbago ang isip ko e" sagot ko sa kanya tapos kumuha ng ice cream "Tsaka bakit mo ba ako sinusundan?"

"Nagkataon lang naman" bumili rin sya ng makakain nya "Would you mind if I join you?"

"Ano pa bang magagawa ko? Nandyan ka na e" inirapan ko sya bago maghanap ng uupuan naming dalawa

"Gusto mo ako nalang ang bago mong bestfriend?" pabiro nyang sabi sa akin, eksaktong nakahanap na rin kami ng mauupuan.

Honestly, he made me laugh.

"Tapos ano? Aalis ka rin naman di ba?" seryosong tanong ko sa kanya.

"Aalis ako ng bansa but that doesn't mean na matatapos ang pakikipagkaibigan ko sa'yo" binuksan ang cup ng icecream na hawak nya

"Sinabi rin yan ni Jah, magpinsan talaga kayo" tinawanan ko sya ng mahina lang "Pero nakita mo naman ang nangyari kanina, itinanggi nya ako"

Gaga ka Shanell wag kang iiyak, baka mamaya alagad yan ni Justin.

"Ayaw mo talaga ako maging bestfriend? Kahit icecream buddy lang" napataas ang isa kong kilay na napatingin sa kanya.

ilang sandali pa ay napatawa ako dahil may bakas ng icecream sa bibig nya.

"Halika rito" nag-hand gesture ako para mas ma-gets nya na pinapalapit ko nga sya.

sa paglapit nya ay kumuha ako ng tissue at pinamunas sa may dungis nyang mukha.

"Kaya naman pala nahulog ang pinsan ko sa'yo, ang sweet mo" natigilan ako sa ginagawa ko at napatitig sa kanya "Mag-ingat tayong parehas dahil baka magkagusto na rin ako sa'yo"

pineke ko ang aking pag-ubo bago muling bumalik sa kinauupuan ko.

Chasing GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon