🐓Chapter 8🐓

277 13 2
                                    

Ken's PoV

Inaantok kong kinakapa ang higaan ko dahil tumutunog ang cellphone ko.

"Hello" bugnot na bungad ko sa tumatawag. Napakaaga pa naman kasi

"Felip Jhon" napakabalikwas ako sa higaan ko. Paano naman nalaman ni lolo ang number ko eh, bago lang to.

"Wala pong Felip Jhon dito--- toooot toooot" ano ba namang klaseng buhay to? I need a peaceful life.

"Umayos ka ngang bata ka, umuwi ka rito. Ngayon na" ayan na naman si Lolo. Napatampal ako sa noo ko

"Fine, but I'm not going home" sa huli ako na rin ang sumuko.

kanino ko naman kaya iiwan ang mga paninda ko?

"You'll be coming home. That's an order" matapos no'n ay binabaan nya na ako ng telepono.

Ang kulit naman e.

Hinayaan kong nakabalandra ang pinaghigaan ko. Ano naman kasing gagawin ko sa bahay ni Lolo?

Bukod sa pakikipag-blind date? What else.

Tsaka hindi ako pwedeng umuwi kay Lolo. How can I see Shanell if I go?

Siguro dapat umamin na ako sa kanya na may gusto ako sa kanya?

Isinuot ko ang jacket ko at nagmadaling lumabas ng bahay. Patakbo kong tinahak ang daan patungo sa kanilang bahay.

Kumakapit nalang ako sa isang malaking bahala na habang nasa tapat ng bahay nila. Iniangat ko ang kamay ko at kumatok sa pinto ng kanilang bahay.

Halos ilang sandali akong naghintay na may magbukas sa pinto ng kanilang bahay. Hanggang sa bumungad sa akin si Shanell mismo.

"Ken?" nagpupungas pa sya sa talukap ng kanyang mata, marahil natutulog na sya at nagising ko nalang sya.

I don't know what is up with me but I end up kissing her. I kissed her.

"Oh shit" tinalikuran ko sya. What the hell is happening to me? Dapat ay nagko-confess ako sa kanya.

But I kissed her.

Muli ko syang hinarap, I saw her blushing.

"G-gusto kita Shanell. Gusto kita"  hinalikan ko lang sya pero ang pakiramdam ko ay hindi ako makahinga. Is this how love goes?

Nakahawak sya sa labi nya habang nanlalaki ang mga matang tumitig sa akin, para bang sinasabi nya sa akin na "why did you do that asshole?"

"T-teka lang muna" tinampal-tampal nya ang pisngi nya. Muli syang tumitig sa akin tapos ay impit na tumili.

Hindi ko alam kung para saan yon.

"Dapat hindi ka basta-basta manghalik ng isang babae" sumilip pa sya sa loob ng bahay nila "Hindi naman porket nag-confess ka pwede ka ng manghalik" wala akong nasi-sense na nagagalit sya sa akin.

Siguro dahil nakilala nya ako bilang si Ken. Pero paano kapag nalaman na nya kung sino ako? What if malaman nya na walang Ken ang nagi-exist?

"Hoy Ken? Anong ginagawa mo rito?" kinaway nya ang kamay nya sa mismong mukha ko.

I realized that I'm standing in front of her, dreaming while wide awake.

"Gusto lang kitang makita" nginitian ko sya ng matipid lang. I thought nagawa ko nang umamin sa kanya tungkol sa nararamdaman ko.

"Alam mo Ken, malapit ko ng isipin na may gusto ka sa akin. It's already 10 in the evening.

I didn't realized that. Tumakbo lang ako ng wala sa sarili para makita sya.

"Pwede ba tayong mag-usap na tayong dalawa lang?" huminga ako ng malalim. Baka sa mga susunod na araw ay hindi ko na sya makita.

"Sige go" suot-suot nya ang pantulog nyang sumama sa akin na maglakad-lakad .

"So anong pag-uusapan natin" kinalabit nya ako kaya napahinto ako sa paglalakad.

"May nagugustuhan ako" I looked her directly in the eye "Kaharap ko sya ngayon"

Hinawakan ko ang kamay nya kasabay ng isang bugtong hininga.

"Gusto mo rin naman ako di ba?" I bravely asked her.

"Uhm." tumango sya ng bahagya. Sa bahagyang pagtangong iyon ay nagawa nyang pabilisin ang pagtibok ng puso ko. "Ano ba yan?" tinakpan nya ang maliit nyang mukha gamit ang palad nya.

I found it cute.

"Bakit mo ba tinatakpan ang mukha mo" tinawanan ko sya "Ang cute mo kaya" ginulo ko ang buhok nyang dati na rin namang magulo.

"Gusto mo talaga ako? Hindi ba ako nananaginip?" kinurot nya ang pisngi nya. "Aray totoo nga."

"Wow ibig sabihin libre na ang chicken wings at di mo na pababayaran yung inutang ko kahapon?" she asked me innocently.

"Shanell, ibang usapan yung mga manok ko" nginisian ko sya.

"Ito naman joke lang" ngumiti sya ng nakakaloko.

"Mamimiss kita" nginitian ko sya pabalik.

"Sira din to e, sa kabilang kanto ka lang naman nakatira" tumawa nya.

"aalis na ako bukas" sagot ko sa kanya sa isip ko.

"Oo nga pala." kunwari pa ay napakamot ako sa batok ko "Ihahatid na kita pauwi, baka hinahanap ka na ni Stell"

itinalikod ko sya sa akin at patulak na pinalakad. Dapat ba ay yakapin ko na sya?

"Sabay tayong lumakad" tumabi sya sa akin at kumapit sa braso ko.

Napatingin ako sa kanya. I should enjoy this moment with her.

Hindi ko rin naman kasi aakalain na mahahanap ako ni Lolo matapos ang mahigit isang taon na pagtatago sa kanila, dahil lang ayaw kong magpakasal.

Chasing GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon