🐓Chapter 2🐓

529 23 7
                                    

Tumambay muna ako kasi naman ang dami nyang kinain na free taste ayan tuloy di na sya magkandaugagang maghanap ng banyo.

Ang takaw kase.

Nagbilang ako ng isandaang tupa sa isipan ko, nakakaantok maghintay kay Justin. May extra work pa ba sya sa banyo?

"Shan Cai!" biglang may kumalabog sa likod ko. Sino pa ba, si Justin lang naman yung ginagawang past time ang saktan ako.

Tangina nasaan na ba ang baga ko?

"Tara uwi na tayo." isa't-kalahating oras ko syang hinintay kaya anong inaasahan nyong mga nagbabasa ha?

"Cai, wait lang natatae ulit ako" humawak pa sya sa tyan nya. Ayan kase katakawan

"Expired na hotdog ba ang kinain mo ha? Tae ka ng tae" reklamo ko sa kanya.

"May butas kasi ang pwet kaya ako tumatae. Ano ba naman Shanell Cairene" tsaka sya kumaripas ng takbo.

Ano maghihintay na naman ako?

Buti sana kung nasa paligid lang si Ken, hindi ako maiinip na hintayin si Justin kahit 24/7 pa.

Speaking of the love of my life. Parang nakikita ko sya ngayon?

Kaso imposible yon, mahal na mahal nya yung mga chicken wings nya. Baka naman, naubos na tapos mamimili sya?

Oo tama. Sobrang tanga ko sa part na yon, syempre hindi naman nya dadamputin sa imbornal o sa kung saang pusali ang mga chicken wings na ibebenta nya.

Sa di malamang dahilan ay sinundan ko sya habang dala-dala yung mga pinamili naman ni Justin. Ganito ba ako kabaliw kay Ken?

Tsaka nasaan na ba yung lalaking yon? Ang pagkakatanda ko ay nasa harapan ko sya, and he's wearing a violet T-shirt. Hindi naman kaya, namamalikmata lang naman ako.

"Sinusundan mo ba ako?" biglang may kumalabit sa akin, medyo nagitla ako kaya napatalon ako.

He was not an imagination! Talaga ngang meron akong Ken na sinusundan.

"Nope." Pinakita ko ang dala-dala ko, sana naman bumenta to bilang isang palusot di ba?

"Ikaw lang ang dala nyan? Mabigat yata yang dala mo?" pinuna nya yung dala ko. Nasaan ba si Justin para may mapagbuntunan ako ng kilig

"Actually meron, medyo sumakit lang yung tyan kaya ako ang mag-isang may dala nito" I'm telling the truth, kasama ko si Justin.

"Ah, tulungan na kita" kinuha nya ang pinakamabigat na dala ko. Makakailang hampas kaya ako kay Justin?

"Hindi na kailangan yan, nandito ako" ayan na yung wrong timing na si Justin at kinuha nya nya yung pinamili namin na si Ken ang may bitbit.

"Ah okay." tumingin lang si Ken kay Justin at medyo nagkibit-balikat, pagkuwa'y lumakad na rin papalayo.

Nagkaroon ako ng pagkakataong sapakain sa braso si Justin, ngumiwi naman sya.

"Any wrong timing mo Jah" inirapan ko sya "Ayun na oh, it's almost a date argh." mahina kong maktol sa kanya

"Date? Dito sa palengke? Ang baduy mo naman?" tinawanan nya ako. Natikim na naman sya ng sapak galing sa akin.

Hanggang sa pagsakay namin sa jeep ay hindi ko talaga sya pinapansin.

"Cai, may regla ka ba? Ang init naman ng dugo mo? Makikita mo pa naman si Ken chicken malapit sa atin" ipinulupot nya ang kamay nya sa beywang ko.

Confuse ako kaya tiningnan ko sya ng may kasamang pagtaas ng kilay.

hindi pa man bumubuka ang bibig ko ay may naisagot na sya at nahila na ako ng mas malapit sa kanya

"For security" tiningnan nya ang katabi ko "Dude may problema ba?"

Inosente kong tiningnan si Justin. Tinatawag lang nyang 'dude' ang isang tao kapag iritable sya.

"Palit tayo ng pwesto" wala naman akong magawa kasi nakatayo na sya kaya umusog nalang ako. Nakakatakot kaya si Justin magalit.

"Next time wag kang magsusuot ng ganyan, maraming lalaki ang nakatingin sa'yo at ayaw ko yon" mahinang sabi nya sa akin.

"Medyo naging matagal ang byahe kaya halos ilang minuto nalang bago ang tanghalian bago kami makarating sa bahay.

"Bakit ngayon lang kayo?" bungad ni kuya Stell sa amin ni Jah.

"Traffic kasi kanina kuya" sagot ko sa kanya

"Kaya magka-holding hands kayo ni Justin" nakataas ang isa nyang kilay habang nakatuon ang mga mata sa kamay namin ni Justin.

"Iniingatan ko lang syang wag mawala" napatingin ako kay Jah "medyo tanga-tanga kasi siya kaya kailangang bantayan"

Bwisit na lalaki to. Mag-aalala na nga lang may kasama pang panglalait.

Chasing GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon