🐔Chapter 13🐔

228 10 2
                                    

"Boyfriend mo yon di ba?" ngumuso si Josh sa isang direksyon na kaagad kong nilingon "Sino yung kasama nya?"

"Ewan ko ah" nilantakan ko ng icecream dahil ayaw kong mag-isip ng kung anu-ano "Baka kaibigan nya"

"Sabi mo e" napansin kong nagkibit-balikat sya, ayaw yatang maniwala sa akin "PARENG FELIP!"

maliit lang sya pero daig pa ang eskandaloso. Sinalaksak ko sa bibig nya yung ginagamit kong kutsara sa kinakain kong icecream.

Nakangiting pumunta si Ken sa pwesto namin, inayos ko rin ang sarili ko baka mamaya kasi may mga dungis ako sa mukha.

"You're here" naupo sya sa tabi ko "Is he your new friend?"

"Ah, oo sya yung exchange student" sagot ko sa tinatanong ni Ken. Hindi ko naiwasang ibaling ang tingin ko sa kasama nyang babae.

I think I saw her before? Hmm

"Ahm, that's Elaine, my childhood friend" pagpapakilala nya sa kanyang kasama.

Childhood friend naman pala.

"I'm really his first love" nakipagkamay yung babae sa akin, medyo natawa ako ng kaunti pero pinigilan ko syempre

"Elaine." sita ni Ken sa kanya

"Shanell natutunaw yung icecream" puna naman ni Josh sa akin kaya inayos ko na ang sarili ko. Nagdungis na ako, bastos ka Shanell

"Wag mo nalang syang pansinin, she's crazy" napabitaw ng isang malalim na bugtong hininga si Ken dahil sa kasama nya. "So bakit ka umabsent kanina? You're wearing your school uniform"

napatingin ako sa sarili ko. Naka-uniform pa nga pala ako.

"It's getting late, tara na ihahatid na kita sa inyo" ginulo ni Ken ang buhok ko na kaagad ko ring inayos.

"Hey wait, ang sabi mo gigimik tayo ngayon?" bakas ang pagtatampo sa boses ni Elaine "Ipahatid mo nalang siya sa kasama nya"

ay may pa-gano'n si ate girl?

"That can't be, girlfriend ko si Shanell" paliwanag ni Ken at inakbayan ako "I think you can go alone?"

"Felip naman e" medyo pumadyak si Elaine at sinamaan ako ng tingin, medyo napataas ang isa kong kilay.

Anong problema ng isang to?

"Samahan mo na muna si Elaine mukhang ayaw kang pakawalan" medyo sarkastika kong saad bago tumayo sa kinauupuan ko "Kay Josh nalang ako sasabay magkapitbahay naman kami"

Medyo binilisan ko ang maglakad palabas ng convenient store, baka biglang saniban ang kamay ko at masabunutan ang kasama ni Ken.

"Shanell" sumunod pala sya sa akin "Halika, ihahatid na kita" kinuha nya ang dala kong bag at hinawakan ang kamay ko. "Ang romantic ko na bang tingnan?"

napatawa ako sa sinabi nya.

"Napasaya ba kita?" hinarap nya ako sa kanya.

Dahil may katangkaran sya ay ni-bend nya ang tuhod nya para pumantay sa taas ko. Aba medyo bastos ang isang to.

"I love you" mahinang sabi nya at hinalikan ako. Napakurap ako ng ilang beses at tuluyan na ngang napapikit "Cute"

Kaagad kong tinakpan ang mukha ko, pakiramdam ko kasi namumula na ako dahil sa ginawa nya sa akin.

"Hey, namumula ka ba?" hinuli nya ang kamay ko at pinagtawanan ako "I should kiss you more para makita ko kung paano ka mamula" then he laughs again.

"Ken naman e" hinampas ko sya sa braso nya "Wag mo akong tingnan"

"Parang kailan lang, nililigawan mo pa ako a." nag-pogi pose sya tapos kinindatan nya ako "Ngayon? Ako na ang patay na patay sa'yo"

"T-tara na nga lang" pesteng dila ko to ayaw makisama sa akin, hindi yata sya naabisuhan na ako may-ari sa kanya.

"Nauutal ang girlfriend ko at ang cute nya" bigla-bigla nalang nyang inipit ang kamay ko sa kili-kili nya.

"Hoy anong trip yan?" napatawa na naman nya ako.

"Wala lang, gusto ko lang ipaalam na ang buong pagkatao ko ay pag-aari mo" hindi ko alam kung ano ang connect ng banat nya sa pag-ipit nya ng kamay ko sa kili-kili nya.

"Oo na sige na, akin ka lang" binilisan ko ang paglalakad habang hawak ang kamay nya.

"Sa'yo naman talaga ako" ayan na naman sya sa banat nya.

Seryoso nga talaga sya na ihahatid nya ako sa bahay namin. Medyo napahinto nga lang ako kasi naga-abang si kuya sa gate ng bahay.

Nagsumbong kaya si Justin?

"Good evening po" bati pa ni Ken kay kuya

"Mukha bang maganda ang gabing to?" napagawi ang mga mata ni kuya sa mga kamay namin ni Ken na magkahawak.

"Pasok sa loob" utos ni kuya. "At ikaw, umuwi ka na"

Kabado akong pumasok sa loob ng bahay namin, dumungaw rin sa akin ang wall clock namin.

it's already 9 p.m

"Saan ka galing?" halos mapalundag ako sa gulat sa biglaang pagsulpot ni kuya.

"Sa school" sagot ko sa kanya

"Nanggaling ako sa school nyo kanina, kahit anino mo hindi ko nakita don" kalmado sya pero alam na alam kong nagagalit na sya sa akin "Uulitin ko ang tanong ko sa'yo, saan ka nanggaling?"

"Sinundan ko si Justin" halos mangilid ang luha ko, hindi ko rin alam kung bakit.

"Shanell naman?" napahilot sya sa sintido nya, mukhang binigyan ko talaga sya ng matinding sakit sa ulo

"Sorry na kuya" yumuko ako para hindi naman nya makitang umiiyak ako.

"Grounded ka for 1 week, school at bahay lang ang pwede mong puntahan" natigilan ako sa sinabi nya.

"Kuya naman" may bakas ng pagrereklamo sa akin pero hindi ko itinaas ang boses ko.

"Anong kuya naman? Groun-ded-ka" binaybay pa talaga nya "Hindi madaling mag-alala Shanell kung alam mo lang."

"Alam ko yon, kaya nga sinundan ko si Justin kasi hindi madaling mag-alala" sagot ko sa kanya bago pumanhik sa kwarto ko.

Sa pagpasok ko sa kwarto ko ay nagbihis na kaagad ako tapos ay binuksan ko ang bintana para lang magpahangin kahit papaano.

hindi sinasadyang mahagip ng paningin ko ang bintana ng kwarto ni Justin na katapat lang halos ng sa akin.

gustong-gusto ko ng isara ang bintana pero may kung ano sa akin na nagsasabing hintayin ko sya ng kahit saglit lang hanggang buksan nya ang bintana ng kwarto nya.

Chasing GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon