🐔Chapter 14🐔

250 11 1
                                    

Unang araw palang ng pagiging grounded ko pero di ko na kinakaya, saan naman kasi nya nakuha ang ganoong klaseng ideya.

at ito pa ang malala, bawal kong lapitan si Ken. Kaya nga todo iwas talaga ako na hindi kami magkitang dalawa.

"So how's the punishment?" may biglang nagsalita sa likuran ko, kahit hindi ako lumingon alam kong si Justin yon

"Ang saya" bagot kong sagot sa kanya "Ang saya mo siguro no?" sandali ko syang tinapunan ng tingin.

Nasa pagitan ako ng pagkainis at pagkamiss sa kanya, hindi ko alam ang iniisip nya para ipahamak mismo ako kay kuya Stell

"Oo masaya ako, kung hindi ka lang sana nagkagusto kay Ken" ano bang inisiip ng lalaking to? Malapit na akong mapuno sa kanya.

"Ano na namang issue kay Ken? Di ba may girlfriend ka na? Yun ang asikasuhin mo." kusang tumaas ang isa kong kilay kasabay ng pagkuha ko ng mga gamit sa lamesa.

lilipat ako, wag lang nya akong bwisitin.

"Hiniwalayan ko na sya" saad nya na nagpahinto sa akin.

I was smiling internally. Why am I so happy?

"And so?" pinilit kong itago yung excitement sa kaloob-looban ko, sana naman nagawa ko ng maayos di ba? "Nagbabawas ka na ng biktima ng pagiging babaero mo?"

Alam kong sasagot pa sana sya sa siya pero dumating na ang prof namin. Ang perfect ng timing nya.

"I can make you fall inlove with me" yan ang sinabi nya nang mapatapat sya sa harapan ko.

"Mr. de Dios go back to your proper seat." sita sa kanya ni Prof. Hernandez

"Okay." narinig ko ang isang mapamekeng bugtong hininga galing sa kanya "Hoy alis dyan"

kailan pa naging siga ang lalaking to?

"Aalis ka o makakatikim ka sa akin?" muli nyang pagbabanta sa seatmate ko. Oo seatmate ko ang pinapalayas nya. Wala naman ding ibang option si Yanno kundi ang lumipat nalang ng upuan. "Paano ba yan? Seatmate tayo"

inilabas ko ang notebook ko at hindi sya pinansin. Pinili kong makinig ng lesson kahit nadidistract ako sa presensya ni Justin ngayong nasa tabi ko sya.

Tumalikod ako kay Justin dahil naiilang ako sa mga titig nya sa akin and I still dunno why.

"Justin's effect" bigla nyang sabi "Umeepekto na ba ako sa'yo Cai?"

"Pwede bang makinig ka sa lesson, at isa pa grounded lang ako pero hindi ako nakipaghiwalay sa boyfriend ko so stop" pabulong pero nanggigil kong sabi sa kanya

"Gusto mo, bigyan kita ng dahilan para iwan mo si Ken?" mas idinikit nya ang braso nya sa akin. 

kumalma ka Shanell, maging loyal ka kay Ken.

Natapos ang buong lesson na walang pumasok na kahit ano sa utak ko dahil kay Justin. Nagmadali nalang akong kunin ang mga gamit ko.

"Saan ka pupunta?" bakit ba napakasigurista ng isang to? "Bawal kang makipagkita kay Ken"

napairap ako sa hangin.

"Alam ko" padabog akong lumabas ng classroom, kailangang kong magmadali na hindi kami magkasalubong ni Ken.

ayokong madagdagan ng isa pang araw ang punishment ko, ayos na ang one week punishment.

"Bullshit" mura ko sa sarili ko. Kakasabi ko lang ngayon nakikita ko na sya sa pasilyo ng school.

Saan ako magtatago?

"Dito tayo" bigla akong hinila ni Justin pababa ng hagdan "I'm enjoying this game" hawak pa rin nya ang kamay ko.

Ganitong-ganito kami dati bago pa man pumasok si Ken sa buhay ko.

huminto sya sa paglalakad, kaya naman ako rin.

"Hindi mo ba namimiss yung ganito tayo?" he asked randomly at hindi ko alam ang isasagot ko "If you do, then cheat with me"

hinila ko ang kamay ko mula sa kanya habang bakas sa akin ang pagkabigla sa sinabi nya.

"I am not a cheater" mahina ang pagkakasabi ko dahil ayaw kong mag-eskandalo "Justin ilang beses ko bang sasabihin sayo na hanggang pagkakaibigan lang ang kaya kong ibigay sayo?"

"Come on Shanell! Hindi yon ang nararamdaman ko" hinilot nya ang kanyang sintido "Alam kong nagseselos ka sa tuwing may iba akong kasama"

"Justin naman tama na, wag mo naman guluhin yung utak ko" napapikit ako ng mariin para lang magtimpi na hindi makapagsalita ng masakit.

"Kung wala lang ako sa'yo bakit nagagawa kong guluhin ang utak mo?" tanong nya sa akin na hindi ko nasagot. "See? May gusto ka rin sa akin Cai."

"Tumigil ka na Justin" kulang nalang ay lumuhod ako sa kanya para tigilan nya na ang pangungulit nya sa akin.

"Fine" itinaas nya ang parehong mga kamay nya na mistulang sumusuko sa laban "But I need to know something"

hinila nya ako sa balikat at bago pa man ako makakibo ay may nangyari ng hindi sumagi sa isipan ko.

He kissed me.

I closed my eyes unintentionally.

"Liar" bulong nya sa akin at ngumisi "Your man is watching us"

biglang bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa sinabi ni Justin at nilingon ang paligid ko.

"Chill" tumawa sya ng mahina "It's nice to cheat with you"

Chasing GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon