🐓Chapter 7🐓

286 12 2
                                    

Shan's PoV

"Friend sabog ka ba?" tumatawang tanong sa akin ni Honey, kasama nya si John Paulo naghaharutan sila.

Si Nase yon, John Paulo Nase.

"Oo nga, ganyan ba ang nagagawa ng hindi pinapansin ng bespren?" dugtong pa ni Nase.

"Alam mo Nase may sa-hayop ka rin no?" binato ko sya ng piraso ng papel. Dinampot ko kaagad kasi may dumaan na janitor hehe.

Nakakasurvive ako sa kagaguhan ni Justin dahil sa dalawang to. Kaso nga lang dalawa rin silang gago at siraulo ni Honey.

"Balita ko may kahalikan si Justin kanina ah." narinig kong sabi sa kabilang table "Siguro good kisser sya hayyy.." sounds like bullshit dreamer.

"Nagseselos yung isa" pa-saring ni Honey

"Hindi ko sinasabing si Shanell Cairene Ajero ang taong yon di ba?" dugtong ni Nase. Pag ito sinipa ko lilipad to.

"Ewan ko sa inyo" nagmistula akong isang murderer sa pagsasaksak sa cake na kaharap ko. Bwisit kasi tong dalawang to.

"Hoy, baka maipa-Tulfo ka ng cake na yan naghunusdili ka" awat sa akin ni Nase at inagaw ang cake "ang mga kahabag-habag ang naggagan---"

"Gaga." inirapan ko sya.

"Di ba nag-usap na kayo ni Jah kanina?" biglang pagbabago ni Honey ng topic. Sumisip ako sa softdrinks ni Nase, ubos na yung sa akin pati yung kay Honey kaya kay Nase nalang.

"Hoooooy, akin yaaaan" oh di ba? ang oa nya? "Sana pala coke kasalo nalang  binili ko" maktol na sabi nya

"Bili ka na dali" udyok ko sa kanya, malay mo bumili nga sya. Yayamaning estudyante yata to ng Aurum High "Wala palang coke kasalo sa canteen"

"Kawawa naman ako, wala na akong makain" ngumuso si Nase sa kawalan.

"Ay teka lang, hintayin nyo ako pauwi itu-tour ko lang yung exchange student" sinubo ko yung huling piraso  ng cake bago tumakbo papuntang faculty room.

"I'm sorry po" bungad ko kaagad kay Mr. Suson, yung head ng school namin.

"You're on time" mahinahon na saad nya "maupo ka, ipapakilala ko sa'yo yung exchange student"

dahan-dahan akong lumapit sa kinaroroonan nila nung sinasabi ng exchange student.

"Josh Cullen Santos, this is Shanell Cairene Ajero. She will be your campus tour guide" pagpapakilala ni Mr. Suson sa akin sa kanya.

nakipag-shake hands sya sa akin, syempre inaccept ko.

"You must be that girl he keeps on telling" he laughs around at hinalikan ang kamay ko.

Now I can say that he's playboy like someone I know.

"Tara na, mahal oras ko e" nauna ako sa kanya sa paglalakad. Mahirap na baka mamaya manyakol to no.

Hindi ako basta-basta bumibigay sa gwapo. Oo gwapo sya, aminado ako don.

"Ilang taon ka na?" tanong nya sa akin habang naglalakad kami sa pasilyo

"20." tipid na sagot ko sa kanya

"What should I call you then? Shanell? Cairene?" bakit ba ang dami nyang tanong?

"Shan." tinitipid ko ang sarili kong laway dahil hindi naman nya babayaran. "So ito ang Music Club room, yung katabi naman yung room para sa Dance Troupe."

ang role ko lang naman ay maging tour guide nya sa loob ng isang araw. No more, no less.

"Part ba ng dance troupe si Justin?" tanong nya sa akin

"Hindi ko alam, sya ang tanungin mo kung gusto mo" sagot ko sa kanya at binuksan ang pinto sa Music room.

"Mukhang hindi na to nagagamit" puna nya sa buong silid "Linisin natin para hindi maluma ang mga instrument"

Ewan ko ba kung anong trip ng lalaking to at naisipang maglinis sa music room. Baka naman janitor talaga at hindi estudyante.

Exchange janitor gano'n.

Tinulungan ko rin naman sya.

"Dapat laging malinis ang bawat room ng mga club para naman ganadong sa sumali yung students." pumameywang sya.

Is he a gay?

Yung imbes na campus tour, nauwi kaming dalawa sa paglilinis ng Music room.

Napatingin ako sa relo ko, quarter to six na.

"Done!" sigaw nya. Talagang nilinis nya ang buong silid.

"Good, pwede na akong umuwi" pinagpag ko ang palda ko dahil nga tinulungan ko sya sa paglilinis kanina.

"I'll drive you home" presinta nya sa akin. Umangat ang isa kong kilay "Sa bahay ni Justin ako tumutuloy so I guess I can drive you home"

"No thank, kaya ko namang mag-taxi" mamaya, sasakyan pa ni Justin ang gamit nya. "And besides, hindi naman tayo close."

katulad kanina ay nauna na ako sa kanya.

Si Nase nalang ang naiwang nag-aabang sa akin, nasa tabi sya ng guard at nakikipagkwentuhan.

Grabe ang daming supply ng laway.

"Manong andyan na yung hinihintay ko" tumakbo sya papunta sa akin habang kumakanta ng "one little two little three little hotdog"

napatampal ako sa aking noo.

"Nauna na si Honey, dumating daw si mama nya e" ngiting sabi nya "Sino yang kasama mong elementary?"

binatukan ko sya.

"Bugok taga-college department din sya" pinigil ko ang pagtawa ko.

Gagong Nase na to.

Chasing GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon