🐓Chapter 6🐓

279 10 0
                                    

Still Shan's

Halos may ilang araw na rin akong hindi pinapansin ni Jah, may ilang araw na rin akong nakikitambay sa pwesto ni Ken bago pumasok sa school.

"Hoy manok, hindi pa rin ba kayo nagkaka-ayos ng kaibigan mo?" mas nagiging matanong na sya kaysa noong huling beses na nakasama ko sya.

Nagkuyakoy ako mula sa kinauupuan ko bago sagutin ang tanong nya sa akin.

"Ayaw nya akong pansinin e." nginitian ko sya ng bahagya lang "Syempre nasaktan ko sya, ano pang inaasahan ko"

"Eh di ako nalang ang kaibigan mo, mas gwapo ako do'n" nag-pogi pose pa sya sabay finger heart kung saan-saan.

"Sira, iba si Justin at iba ka" simpleng sagot ko sa kanya "tsaka nakakapanibago yung hindi na namin sya kasabay kumain ni kuya"

"May gusto ka rin naman sa kanya di ba?" he asked me randomly habang nakatingin sa malayo.

"Ken, bakla ka ba?" direktang tanong ko sa kanya "May gusto ka ba kay Justin"

"I'm fucking straight" feeling ko naging ibang tao si Ken, yung accent nya parang nakapag-aral sya sa isang kilalang unibersidad.

I'm not judging him okay, pero tunog mayaman sya.

"Chill, joke lang naman" bumuo ako ng pormang "x" gamit ang kamay ko baka kasi masapok nya pa ako.

mahirap na mga friend.

"Ayusin mo kasi ang tanong mo. Hindi ako bakla okay?" paglilinaw nya ulit, napakamot na lamang ako sa batok ko tapos ngumiti sa kanya ng labas ngipin.

"Oo na, ito naman hindi na mabiro." tinapik ko sya sa balikat "friends na tayo di ba?"

"Tss." umirap sya sa akin "mukhang may bago ng kasama ang kaibigan mo" mahinahon ang boses nya pero halatang may bahid ng pang-aasar.

napatingin ako sa pinunto nyang direksyon, and nakita ko si Jah na may kasamang babae.

"Uy una na ako." paalam ko kay Ken.

Curiousity kills me at the moment, gusto kong malaman kung sino ang kasama nyang babae. She's not even familiar.

"Ano ba Jah..." may narinig akong mahinang pagtawa mula sa isang iskinita, so sinundan ko yung boses.

isa... dalawa... hanggang labing syam na hakbang.

napatingin nalang ako kay Jah at nung babaeng kasama nya. They're kissing.

that's it.

Alam kong dapat umaalis na ako pero bakit pinapanuod ko silang dalawa, alam ko din na dapat wala akong nararamdaman dahil yun ang alam ko pero bakit nararamdaman ko na parang gusto kong umiyak.

"Wag mong tingnan" may biglang nagtakip ng mga mata ko, hindi ko na napigilan ang umiyak ng malakas.

"Shan." narinig ko ang boses ni Justin, alam ko yung boses na yon.

boses yon ng gustong magpaliwanag.

"Ayaw ka nyang makita" depensa ni Ken sa akin at nanatiling nakatakip ang aking mga mata.

may ilang sandali pa ay inalis ko ang palad ni Ken mula sa pagkakatakip sa mga mata ko.

"Pasok na ako sa school, kita nalang tayo mamaya pag-uwi ko" huminga ako ng malalim habang tinatahak ang daan patungo sa terminal ng taxi.

"para po" mabilis akong pumasok sa loob ng taxi "manong sa Aurum High po"

"I'm sorry manong pero sa akin sya sasabay" sapilitan akong pinalabas ni Justin sa loob ng taxi.

"Di ba ang sabi mo, mag-usap nalang tayo kapag nakapagdesisyon na ako" nanatili akong kalmado habang kaharap sya. "Justin wala pa akong nagagawang desisyon"

"Pwede bang bigyan mo ako ng chance mag-explain" hinawakan nya ako sa magkabilang balikat ko. Tinitigan ko ang mga iyon

"Ha?" sa mga oras na ito ay nawawala na ako sa sarili ko. "Okay"

Sumama ako sa kanya, medyo may nag-iba nga lang dahil sa labas ako nakatingin at hindi sa kanya.

"Shan, hindi ko gusto ang babaeng yon" panimula nya ng eksplinasyon nya "Magulo lang ang isipan ko, bukod pa roon ay namimiss na kita"

Napatawa ako ng malakas dahil sa sinabi nya tsaka ko nalang din sya hinarap.

"Akala ko ba magpapaliwanag ka, eh bakit nagjo-joke ka?" pinunas ko ang mga nangilid na luha ko. "You're unbelievable"

isinuot ko ang headphone ko at sinagad ko ang volume ng pinakikinggan kong kanta.

"Shan naman?" inalis nya ang headphone ko, mukhang naiinis na sya sa ginagaw ko.

"Ano bang gusto mong marinig Justin? Nasasaktan ako?" kinagat labi ko para pigilan ang sarili kong umiyak "Nasasaktan ako. Okay na? Okay ka na?"

"Hindi ako Shan, umiiyak ka." pinahid nya ang mga iyon "Do you really think I'm fine with that?"

Doon nalang ako napaiyak ng malakas at niyakap sya ng mahigpit

Hindi ko kaya tiisin si Justin, dahil importante sya sa akin. Kaibigan ko sya kaya mahalaga sya.

"Shh." pinapakalma nya ako sa pinakamahinahong paraan na alam nya.

ang paghalik sa noo habang pinipisil ng mahina ang palad ko.

"Gusto sana kitang tiisin kaso ngayong umiiyak ka hindi ko na magawa ang gusto ko" hinalikan na naman nya ako sa noo ko.

Chasing GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon