Kabanata 1

1.3K 12 0
                                    

Cassiopeia's VIEW



Urgh! Nakakabagot na, bakit ba ang tagal ng uwian, plus boring pa yung teacher namin ngayon. Well boring naman talaga ang History. Last subject na namin ngayon sa hapon ito nalang hinihintay ko at uwian na. Dumokdok nalang ako sa lamesa ko sabay singhap sa hangin.

"Psstt Cass"Rinig kong may tumawag sakin.

"Cass"

Inangat ko na yung ulo ko. Si Astrid yung tumatawag sakin. Astrid is my bestfriend my one and only bestfriend, since elementary hanggang ngayong 4th year high school na kami na magkaibigan kaya parang kapatid narin ang turing namin sa isa't isa.

"Ano nanaman?"

"Samahan mo ako mamaya"

"Saan?" Naka taas kilay kong tanong.

"Sa mall bibili ng bagong make up" Tss i rolled my eyes to her at bumalik sa pagdukdok sa mesa. "Uyy sige na" Pagmamakaawa nya pa.

"Cassiopeia" Tawag nya sa pangalan ko.

"Nicoleen" Ewan wala akong naririnig.

"Andrada" Hindi ko apilyedo yan!

"...Sanchez"

"Yes ano yun?"Naka ngisi kong harap sakanya.

"Tigas ng mukha mo, bakit ka humarap sakin ngayon?"

"Apilyedo ko kasi yung Sanchez"

"Nako naman baliw kana bess" Sa muli inikot ko nanaman yung mata ko sakanya.

"Pwedi ba wag mo akong idamay sa pagka bitter mo"

"Hindi ako bitter nagsasabi lang po ng totoo, ano ba nagustohan mo diyan kay Trylle eh playboy yan, saka may girlfriend na yan uy!"

"Pake ko naman kung mag jowa siya?"

"Saakin lang naman Cass may ibang lalaki pa na nakalaan sayo, at hindi yun si Trylle kasi hindi kayo distined may lalaki na mas deserve ng pagmamahal mo at mamahalin ka rin ng lubos"

May point naman siya. At aaminin ko sampal saakin yung Hindi kami distined ni Trylle. Simula first year high school ko siyang crush, kaso hindi niya naman ako napapansin.Bigla akong nalungkot ito na ba ang time na susuko na ako kay Trylle? Pero mahal ko siya eh. Pano na to? Ano gagawin ko? Crush ko lang naman siya ni hindi niya nga siguro alam na nag e-exist ako. Dibale na gora parin ako bahala na kung hindi niya ako mapapansin.

"Oh ano nataohan kana ba?"

"Sorry pero hindi" Ngisi ko ulit at dumokdok nanaman.

Nandito na kami ngayon ni Astrid sa mall, hatak-hatak niya ako papunta don sa watsons ng nakarating na kami nag paiwan nalang ako sa labas. Allergic ako sa mga make up eh. Hindi ako mahilig niyan miski polbo nga wala ako liptint pa kaya? Ok na ako sa natural beauty ko. Habang nag iikot si Astrid sa loob at nag hahanap ng make up kono nya, napa tingin ako sa NBS katabi lang ng watsons hindi na ako nag dalawang isip na pumasok dito. Dumiritso ako sa loob at tumingin-tingin sa mga libro. Nandito yung mga libro ni KIB, Maxinejiji, Alyloony at iba pang mga wattpad authors. Yup nagbabasa ako ng wattpad, may napupulot rin naman kasi akong aral sa mga sulat ng mga author. Nahinto yung mata ko sa isang makapal na libro. Ito ang mas paborito ko! May ghad bibilhin ko na to, hawak-hawak ko na ang libro ng may isang kamay pa ang humawak nito. Tinignan ko ang may ari ng isa pang kamay at anak lang ng kambing na may bangs! Ang gwapo niya. Pero di uubra ang ka-gwapohan niya sakin, akin lang to ang libro ako naunang humawak nito eh.

"Bitaw akin to" mariin na utos ko.

"Sinong nag sabi sayo na saiyo ito?" Tinaasan niya ako ng kilay niya. Aba! Mataray na lalaki! Bakla siguro to

Chasing The Wild DreamsWhere stories live. Discover now