Cassiopeia's POV
Matapos naming mag kwentohan ni Markiel, naisipan muna namin na mag stand by sa ice cream parlor habang kumakain nang ice cream. Kwento lang kami nang kwento hanggang sa mapa titig ako sa ice cream na kinakain ko.
Rocky road, ito yung paborito namin ni papa, naalala ko nanaman sya bakit ba kasi hindi ko sya makalimutan kahit saglit man lang? I have to accept that we're not enough to him, hindi kami ang pinili niya kundi ang iba nyang pamilya.
"Hindi ba masarap ang ice cream para iyakan mo?" I came back to reality when Markiel spoke.
Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako sa harap nya habang titig na titig dun sa ice cream. Mabilis ko namang pinunasan ang luhang nasa pisngi ko.
"Hindi ah, masarap nga eh"
"Liar" Simpleng sagot nito.
"Tell me your problem, makikinig ako" I let a heavy sigh.
"Si papa kasi, nang iwan"
"Namatay na ba? Nako condolence"
"Hindi! Sumakabilang bahay lang" Nagkamot naman sya nang kanyang ulo.
"Sorry naman"
Pinag patuloy ko ang pagkwento ko sakanya tungkol dun sa nangyaring pag iwan samin ni papa kanina.
"Nakaka stress naman pala yan"
"Pati nga kilay ko na stress na rin"
"Bakit ngaba kayo iniwan nang papa mo?"
Yumuko ako tsaka kinagat ang ibabang labi"Because we're not worth it?"
"Cass, ganyan talaga ang buhay kami nga namatay ang mommy namin dahil kay dad" Naging interested ako sa sinabi ni Markiel.
Nakinig lang ako habang nag ko'kwento sya sakin.
"Nung nasa seoul kami 12 years old lang kami nun nang kambal ko, tsaka si kuya Marco ang pinaka kuya saamin... it's a winter day dun sa seoul nag family bonding kami at nung pauwi na kami siguro hindi makita ni dad ang daan dahil sa makapal na snow na dumadapo sa front glass nang kotse kaya ayun, nabanga kami sa isang puno and my mom was sitting in the front seat...."
Tumigil sya sandali saka pumikit, alam ko na kung ano ang nangyari.
"Hindi ba naka survive ang mommy mo?" Dahan'dahan naman syang umiling.
"I miss her so much" Hinagod ko ang likod nya.
Naunahan nya pa ako sa pag iyak ah, moment ko dapat to eh.
"Eh si Marco? Pwedi ko bang makita picture nya?"
Bigla syang napa tigil sa pag iyak, napara bang may sinabi akong mali? Hindi ko alam pero nase-sense ko yun sakanya.
YOU ARE READING
Chasing The Wild Dreams
Hayran KurguEverythings happen ika nga nila, merong pangayayari na hindi natin inaasahan na darating sa buhay natin,merong saya na katumbas nang lungkot, merong kilig na kakambal nang luha. Bakit ang unfair nang mundo, kung kelan mo sya minahal dun din mawawal...