Cassiopeia's View
Holy shit this man!
Pinaglaruan nya lang ako! Yung pumikit na ako nagulat naman akong bigla syang tumawa.
Like putrages tuwang tuwa ang yawa!
"You're so funny" Sabi nya habang naka tawa.
Dinampot ko yung tissue na nasa dash board at pinulupot sa bibig nito.
"Bwesit ka!" Singhal ko tsaka lumabas.
"Hey!" Pahabol nitong sigaw.
Sinara ko na yung pinto ng malakas na yung tipong mayayanig sya sa loob. Kala nya ganun lang kadali yun, akala ko ba mabait na sya, andun parin pala ang pagka demonyo nya.
Pagpasok ko sa loob ng bahay mukha kaagad ni kuya Caleb ang nakasalubong ko. Medyo nagulat ako kaya napa hakbang ako paatras sabay haplos sa dibdib ko.
"Ano ba kuya,papatayin mo'ko sa gulat nyan eh"
"OA mo, huy sino naghatid sayu dito"
"Ha?" Sabi ko with matching kagat labi pa.
"Ha? Gusto mong Hampasin kita pag di mo sinabi ang totoo" Tinutukan nya ako ng tsenelas nya at akmang hahampasin.
"Oh teka lang, kumalma ka nga, wala lang yun"
"Anong wala, magsabi ka sakin ng totoo Cassiopea"
"Wala ngalang yun!" Sabi ko sabay takbo at para narin maka iwas sa pag hampas nya sakin ng tsenelas.
Paakyat na ako sa taas at andun parin sya sumusunod at ang tsenelas na hawak nya.
"Ma! Si Cass may kaharutan!" Sigaw nya.
At kaharutan talaga ha, mortal enemy ko nga yun eh. Kaharutan pa?
"Tumigil nga kayo, gabi na nag hahabulan pa kayo ng tsenelas"
"Si kuya kasi, ang kulit"
"Tumigil ka Caleb, kurotin ko yang singgit mo pag di mo tinantanan kapatid mo" Napatawa ako ng bahagya sa sinabi ni mama.
"Ma naman, nakaka laswa naman yan"
"Aba nalalaswaan ka eh, nakita ko nayan nung maliit ka"
"Nung maliit pa ako! Pero ngayun iba na,jusko naman ma stappp me ok?"
YOU ARE READING
Chasing The Wild Dreams
FanfictionEverythings happen ika nga nila, merong pangayayari na hindi natin inaasahan na darating sa buhay natin,merong saya na katumbas nang lungkot, merong kilig na kakambal nang luha. Bakit ang unfair nang mundo, kung kelan mo sya minahal dun din mawawal...