58 Days Left......
Pagka basa ko dun sa maliit na black envelope. Nagtataka parin ako kung bakit ganyan na ang naka sulat sa envelope na yan. Di ko naman sinusulatan o ano, basta kusa nalang sya nagiging ganyan.
Iisipin ko na talaga na mag death threat ako!
"Hoy,tinutulala mo dyan" Nabalik ako sa reyalidad ng tapikin ni Astrid ang balikat ko.
"Wala may iniisip lang"
"Ano naman yun?"
"Wala kana dun! Apaka chismosa mong palaka"
"Nag mana lang po sayo" Inirapan ko nalang sya at tumingin sa buong university.
Nandito kami ngayun sa rooftop ng building namin, nagpapa hangin lang total wala pa naman kaming klase, kaya dito na kami tumambay.
"Cass" Tawag nya saken.
"Hmmm?" Sabi ko habang di tumitingin sakanya.
"What if, ligawan ako ni Markiel,tas naging kami"
Napa tigil ako sa sinabi nya. Ano ngaba? Siguro ok na yun lovelife naman ni Astrid yan eh. Tsaka mabait naman si Markiel dintulad ng pesti nyang kapatid.
"Edi congrats, nasa tamang tao ka" hinarap ko sya at ngumiti.
"Support ka?"
"Ayaw mo?"
"Eh, syempere gusto pero kasi gusto ko kayu din ni Kiel" Automatic na napadako yung mata ko.
"Gaga kaba, yung lalaking yun ang gusto mo para sakin? Anong klaseng kaibigan ka para ipamigay ako sa kampon ng kayawaan?" Gegel na sumbat ko dito, at hinampas sya sa braso.
"Mabait naman si Kiel ah!"
"Mabait ka dyan! Halos ibaon ko na nga yun sa lupa"
"Sus ba't di pa aminin"
"Wala naman akong aaminin! At isa pa kung kay Kiel rin lang naman ako,tatamaan nalang sana ako ng kidlat!" Tumawa naman ang gaga.
Tangina? Anong nakakatuwa sa sinabi ko!
"Alam mo, dyan nagsisimula ang lahat eh"
"Saan?"
"Yung parang aso't pusa, away kayo ng away, di na magka bati tapos sa huli ma re-realize nyo nalang na mahal nyo pala ang isa't isa"
YOU ARE READING
Chasing The Wild Dreams
FanfictionEverythings happen ika nga nila, merong pangayayari na hindi natin inaasahan na darating sa buhay natin,merong saya na katumbas nang lungkot, merong kilig na kakambal nang luha. Bakit ang unfair nang mundo, kung kelan mo sya minahal dun din mawawal...