CASSIOPEIA's VIEW
Nagising ako na puro puti ang nakikita ko. Kisame nanaman ito ng ospital, may oxygen mask nanaman na naka-kabit saakin.Hindi na ako naninibago dito sa sitwasyon ko, pero talagang nanibago ako ngayon dahil wala si papa. Dati kasi si papa ang nasa tabi ko kapag nagigising na ako pero ngayon... Ugh never mind.
I shook my head to remove my thoughts. I have to move on, ito na ang simula ng buhay ko, sisimulan ko ang bago kong buhay na wala na si papa sa piling namin.
"Cass ano ang nararamdaman mo? Ok kana ba?" Agarang tanong ni kuya.
Pilit akong tumango sakanya saka ngumiti to hide my sadness. Gusto kong umalis dito, nakakasawa na puro doktor, ingay ng ambulansya, at mga iyak ng mga tao'ng nawalan ng mahal sa buhay.I want to escape my world, parang gusto kong pumunta ng ibang plante kong saan matiwasay at walang problema yung tipong happy lang? Pero wala akong makikitang lugar na ganun.Only in heaven, yun ay kung dumating na ang expiration ko.
Kung saan malapit na akong mag expire sa buhay, gusto ko ngang tumakas sa mundo na ginagalawan ko pero saan naman ako papunta?Saan ako pupulutin? Mas mabuti pang hintayin ko na lang na mag expire ako dito.
"Ah, kuya nasan si mama?"
"Umuwi muna kumuha ng gamit mo" Tumango nalang ako." ... Dito kalang muna bibili lang ako ng pagkain mo"
Lumabas ng kwarto ko si kuya at ako nalang ang mag isa dito, pwera nalang sa mga kaluluwang gumagala sa ospital na ito.Minsan kasi nung gabi na sinugod din ako may nararamdaman ako dito na kakaiba. Kaya ayukong tumatagal dito. Bored na talaga ako kanina pa kaya tinangal ko yung dextrose saka oxygen mask at bumaba sa kama ko.
Hinugot ko yung jacket na black ni kuya sa sofa at dahan-dahang binuksan yung pinto at kumaripas ng takbo palabas. Nasa canteen si kuya kaya malayo sa exit nitong ospital.Ng makalabas ako ng ospital hindi ko naman alam kung saan ako pupunta, basta ayuko na don sa loob ng kwarto ng ospital ma yun, nabo-bored ako eh.
Bored oh takot?
Tanong ng utak ko. Pwedi bang pareho? So sa ngayon kelangan ko ng makalayo dito baka hinahanap na ako don sa loob. Nag lakad lang ako ng naglakad hanggang makalayo na ako sa ospital.Napahinto ako sa isang gilid na sana ay tatawid na ako ng lane kaso nag red lite na, hindi ako naka abot. Sinuksok ko nalang yung kamay ko sa bulsa ng jacket ni kuya, bahala na kung saan ako nito pupulutin.Ng mag green, tumawid na ako, ng pag tawid ko bigla namang may bumusina saakin.
"Ay! Pitrang kabayo!" Sigaw ko dahil sa bigla.
Napa upo naman ako sa kalsada dahil nga sa nabigla ako. Hindi naman dumapo yung kotse niya sa katawan ko.
"Miss are you ok?"
"Lintik lang, hindi kaba marunong tumingin sa traffic light?"
Inis na singhal ko dito.Pagka tingala ko para tignan yung mukha nag init nanaman ang bagang ko. Bakit ba sa lahat ng tao dito siya pa ha? Bakit siya pa! Bwesit naman to yung lalaking sa book store nanaman na kasalamuha ko!Great. Just great!
"I-im sorry hindi kaagad kasi ako naka pag preno"Magalang na sagot nito.
Nalukot yung noo ko dahil sa inasta niyang asal, bakit bigla itong bumait?
"Hoy ano nakain mo at bigla kang bumait ha"
"What?" Aba, na amnesia ata to.
"Hindi ba ikaw yung walang hiyang lalaki sa NBS na nang-agaw ng Harry Potter book?" taas kilay kong tanong
![](https://img.wattpad.com/cover/196643397-288-k934092.jpg)
YOU ARE READING
Chasing The Wild Dreams
FanfictionEverythings happen ika nga nila, merong pangayayari na hindi natin inaasahan na darating sa buhay natin,merong saya na katumbas nang lungkot, merong kilig na kakambal nang luha. Bakit ang unfair nang mundo, kung kelan mo sya minahal dun din mawawal...