Jenny Kim POV
Napapikit ako sa kirot ng pagkakasampal sakin ng isa sa lalaking sumugod nalang samin.Hindi ko alam kong ano ang ginawa namin sakanila para gawin nila samin ito.
Putok na ang labi ni Rish at madami na itong galos.Dahil lahat ng mga pananakit na dapat ay akin ay sinasalo niya.Mga suntok,Tadyak,Sampal,Sabunot at sampal.Lahat sinasalo niya dahil nasa harapan ko siya.Alam kong nahihirapan na siya pero hindi ko manlang nararamdaman na natatakot siya.Hindi tulad sakin kanina pang natatako at nangangatog na ang tuhod.Halata din sa na pagod na pagod na ito dahil sunod-sunod ang mabibigat na paghinga nito.
"B-bakit niyo bato ginagawa?"nahihirapang magsalita na tanong ni Rish.
Tumawa ng malakas ang lalaki na"Napaka tanga niyo naman kong iisiping hindi niyo alam kong bakit namin ginagawa ito"nangagalaiting sabi ng lalaking malaki ang katawan.Actually lahat naman sila ay may malalaking katawan.Lalo nayong grupo ng kalalakihan may member na Pito.
Pinagtitinginan lang kami ng mga ibang estudyante at mukhang nag e-enjoy sa panunuod.
"Nasan ang bwiset na Martinez nayon..Ang kapal ng mukha niyang saktan ang girlfriend ko"galit na usal naman nong lalaki na nasa harap na mukhang leader nong may lima na myembro.
Napakunot naman ang noo ko nong naalala yong nangyari sa cafeteria. Yong away sa pagitan ni kaira at nong dalawang bruha na si angel at karen at ang mga kasamahan niya.
"Ano nasan siya"sigaw naman nong mukhang leader din nong may anim na myembro.
"So nagsumbong pala yong mga BWISET na girlfriend niyo"naiinis na sigaw naman ni Rish na halatang naiinis nadin sa lalaki.Mas lalong sumama ang tingin nong dalawang leader.
"Nakakabanas kana talaga huh"mukhang nauubusan ang pasinsyang sabi nong isang leader at akmang susuntokin si Rish nong biglang may pumigil sa kamao nito.
Rishena Jade Orteza POV
Nanginginig na ang buong katawan ko.Dahil sa mga natamo ko.Subrang sakit na ng buong katawan ko.Sa subrang dami ba naman ng suntok at tadyak ay ginawa nila.Parang nalumpo na nga ako eh.
Kanina pa din akong kinakabahan.Pero hindi ko pinapahala sakanila lalo na kay Jenny.Ayaw kong paghinaan siya ng lakas.
Alam kong wala akong magawa kundi ang isanga ang katawan ko sa mga sunod-sunod na tira nila.Kahit na alam kong masasaktan ako tatangapin ko wag lang siyang masaktan.
"Ano nasan siya"naiinis na sigaw nong leader na may alim na myembro.
"So nagsumbong pala yong mga BWISET na girlfriend niyo"naiinis na talagang sigaw ko at pinagdiian pa ang word na bwiset .Mas lalong sumama naman ang tingin nong dalawa na halatang hindi nagustohan ang sinabi ko.
Tss.
"Nakakabanas kana talaga huh"mukhang ubus na pasinsyang sigaw nito at sasapakin ako.Bahagya pa akong napapikit habang hinihintay na lumapat ang mga kamao nito sa aking mukha pero nakailang minuto na wala parin akong natangap na suntok galing dito.
Nakarinig nalang ako ng malakas na pag bagsak sa aking harapan.Iminulat ko ang paningin ko at nagulat nalang ako nong nakitang nakahandusay na yong leader ng isang grupo na kaninang balak na sapakin ako.
Sumilay naman ang ngiti sa aking labi nong napagtanto kong sino-sino ang nasa harap namin ngayon.
"Kiara"sigaw ni Jenny na mukhang napansin yong lalaking nasa likod niya na papaluin siya ng baseball bat.Mabilis na kumilos si Kaira at yumuko upang hindi matamaan.At mabilis na hinawakan ang ulo at malakas na iniuntog ito sa kanyang tuhod.
Bahagya akong napatakip sa bibig nong nakita kong pano niya iyon gawin.Nababasa sa kanyang mga mata ang galit.Galit na walang makakapagpigil sakanya.
Mas lalong bumilis na tibok ng puso ko habang pinapanood siya.Alam kong parihas kami ni Jenny na hindi ito inaasahan.Pero hindi na bago sakin yan.Kay Jenny siguro oo.May alam ako na hindi alam ni Jenny.
Nakakatakot siya ngayon pero nakakamangha din.
Sa kabila non ay mabilis na kumilos din ang tatlong ka myembro ni Dave Gray Santiago. Na hindi ko maalala ang mga pangalan.
Dave Gray Santiago,Leader of White Tiger Gangs.
Nagtaka ako kong bakit sila nandidito.Anong ginagawa nila dito.Gusto ko sanang itanong yan mula kay Kaira.Dahil kasama niya ang mga ito na dumating kanina lang.Pero ibinura ko nalang muna yun sa isip ko dahil ang mahalaga ay ligtas na ako,Ligtas na kami.
Walang halong takot na pumagitna si Gray sa mga kalalakihan na kinakalaban ng ng isa sa myembro niya habang nag iisparing ito ng espada.Nagulat pa ang myembro nito sa ginawa ng leader.Pero ang mas nakakagulat nong patigilin ni Gray ang espada gamit ang kamay nito.Bali ititira na sana ng kalaban ang espada habang nasa itaas ito at patungo kay Gray nong biglang pinigilan niya ito ng dawalang kamay niya.Nasa gitna ang espada habang nasa magkabilang gilid naman ang kanyang kamay na siyang nagbibigay ng lakas upang patigilin ang ataki ng kalaban.Wala manlang pahid ng sugat ang natamo nito.Pero nagulat uli ako nong suntokin pa ni Gray sa mismong mukha nong lalaki na biglang ikawala ng malay nito.
Mas namangha ako ganon nalang ba ka lakas ng suntok niya para patulugin ng isang suntok.Binuhat pa niya ito pa angat at patapon na inihagis ito sa mga kasamahan ng kalaban na ngayon nagkukumpulan.Kaya napatumba silang lahat at nadaganan ng lalaking tulog.
Pero ang isa sa mga kalaban ay nakaiwas at napakabilis na tumungo ito kay Kaira na ngayong nakay Gray ang paningin.Pinulot pa nong lalaki ang espada na nasa ibaba at patakbong itatama iyon kay Kaira ng biglang hinigit ni Gray ang leeg nito at pabangsak na ibinalibag ito.Pero hindi pa ito nakuntinto.Dahil sinakyan pa niya ito sa bandang tyan at malalakas na sinuntok ito.Hindi lang isang beses kundi pinaulanan niya ito ng suntok.
Halos hindi na makilala ang kabuoan ng mukha nong lalaki.Dahil puno na ito ng dugo.
"Gray tama na"pagtitigil nong isa ka myembro niya at pilit na hinihila si Gray pa layo .Pero sa subrang lakas ni Gray hindi nila ito mailayo.
Galit na galit si Gray at hindi ko alam kong san nangagaling ang mga galit nito.Galit na kayang makapatay ng tao.
Mas malala siya kay Kaira.
Halos hindi ko na kayang tignan ang ginagawa niya.Dahil nakakatakot talaga siya.Natigil lang ito sa pag susuntok nong nakaramdam ito ng pagod.
Nalagyan nadin ang damit nito ng nga dugo galing sa mukha nong lalaki.Napapailing iling pako dahil hindi ko talaga inaasan ito.
Tumayo si Gray at inalalayan naman ng tatlong ka myembro.Walang emosyong nilingon pa nito si Kaira na hanggang ngayon ay hindi pa din nakarecover.
Napaatras ako nong nakitang subrang pula ng mga mata nito.Hindi inaasahang napatingin ito sakin.Napatitig naman ako sa mga mata nito.Kinilabutan ako nong nginitian ako nito ng kakaibang ngiti.Bago umalis.
Napakaiibang ngiti.
Nginting nakapanginginig ng buong katawan ko sa subrang takot.
![](https://img.wattpad.com/cover/181373735-288-k522993.jpg)
BINABASA MO ANG
Inferno University(School of Monster and Gangster)
Mystery / ThrillerKilling is free