Chapter 11 Wrong Move's Your Die

4 1 0
                                    

Kaira Altea Martinez POV

Ewan ko kong ano nga ba ang dapat maramdaman ko.Hanggang ngayon ay hindi maalis ang paningin ko sa pwesto niya kanina habang pinaguulanan ng suntok ang isa sa myembro ng nakaaway namin.

Oo kanina pa silang wala dito.Pero bakit tila hindi kayang tangapin ng buong katawan ko ang mga nangyari kanina kanina lang.

Masyadong nakakagulat.

Masyadong mabigat.

Hindi mawala sa isip ko kong gano kabigat ng galit nito.Galit na galit.Halos patayin niya ito.Mukhang nawalan pa nga ng malay ang lalaking yun.Ikaw ba namang tinad-tad ng suntok diba.Lalo't malalakas ang bawat suntok nito.

Hindi ko naman pweding isipin na ginawa niya yon para sakin.Dahil pa man  susugod yong lalaking kalaban sakin ay dinakma niya na agad.Saka walang nakakagalit sa ginawa nong lalaki dahil hindi naman ako nito nasaktan.Kahit na dumapo ang daliri nito sakin ay wala akong naalala na nangyari.

Saka kaya ko namang ilagan ang tira nong kalaban kanina.Kaso inunahan lang ako eh.

Saka hindi kami close ni Gray para isipin para sakin ang mga galit nayon.

"Kaira"nabalik nalang ako sa realidad ng pitikin ni Jenny ang noo ko.

"Aray ko ano ba"mahinang sigaw ko at sinamaan siya ng tingin.

"Maka aray over over.Habang kanina lang nasaksihan ko kong mano mo pabagsakin ang ilan sa kanila at yong ito ang natamaan hindi ko manlang narinig na daing mo"

"Aray..Kanina kapa huh"naiinis na sigaw ko pa rito pano ba naman matapos na pinisil ang sugat ko sa braso.Nadaplisan kasi ako kanina dahil sa espada na hawak nong isa pang nakalaban ko kanina.

"Ano?Magagalit.Sige magalit ka.."paghahamon nito sinamaan ko naman ito ng tingin.Hindi ko nalang ito pinansin.

Maya maya inakay na namin si Rishena papuntang clinic.Napakarami din kasi niyang natamo kumpara kay Jenny na namumula lang ang pisngi.

Mukhang inangkin nanaman niya.Lahat lahat.

Hayst.

Ayaw na ayaw kasi ni Rish na nasasaktan si Jenny.Pero minsan hindi naiiwasan lalo na kong sadya.Kahit nong nasa labas pa kami ay lahat ng sakit sa katawan ay inaankin niya para lang hindi masaktan yong isa.

Nong nakarating na kami sa clinic ay bumungad na agad saming paningin si Ateng nurse.

"Oh andito nanaman kayo."gulat na may patanong nasabi nito"Pabalik balik nalang.Unti nalang at iisipin kong na paburito niyo na lugar nato."natatawang sabi nito.

"Baka pumapadalas pato"halata sa tuno ni Jenny ang pangamba.
Napansin ko din na mukhang may malalim itong iniisip.Dahan dahan namin pinahiga si Rish sa isa sa mga kama don.

"Wag naman sana.Nakakasawa din ang mga mukha nayan eh"sabi nito at tinutukoy ay kami. Malakas na humalak-hak pa ito.

"Makakatawa kapa kaya pag ginawa ko sayo yong mga bagay na nangyayari samin huh"napatigil ito sa pag tawa at sumeryuso ang mukha"Try kaya natin.Yong bang unti-untiin kita at saka mo sakin sabihin na hindi ka magpabalik-balik dito"

"Hey..Chilax lang napaka seryuso mo naman masyado nag jojoke lang eh HEHE"ngumi-ngiti ngiti pang sabi nalang niya at umiwas ng tingin sakin at ibinaling kay Rish.Inumpisahan niya ng gamutin ito.

Humiga nalang din ako sa isang kama duon nong nakaramdam ng antok.Hindi ko na pinansin si Ateng nurse at si Jenny na ngayon kinikwento ang nangyari kanina.Unti- unting ipinikit ko  nalang ang aking paningin at hind naman nagtagal ay sinakop na ako antok.

Inferno University(School of Monster and Gangster)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon