Kaira Althea Martinez POV
Pasukan na namin ngayon. Pero mukhang ni isa samin walang excited. Pano ba naman kayo ma eexcite kong ganito ang klase na napasukan niyo.Baka nga pag patay din lang ang itinuturo ng mga yon diba at saka siguro walang mangaras na ni isang teacher na pumasok sa isang dilikadong lugar na kagaya nito.Kong alam nilang pweding pwedi silang mamatay sa kamay ng mga mamatay tao.
Hindi ako pweding magbintang hanggang hindi ko nakita ng akto harap ko ang pagpatay nila o sino man sila.Alam kong nakita na ni rish ang pag patay nila pero gusto kong ako mismo ang makakakita.
Pero sa nakita niyang yun kailangan naming magingat ng subra...
Ahy oo nga pala tinanggal na namin yong mga benda na nakalagay sa ulo namin,pero madami padin kaming mga sugat sa buong katawan na lalagyan nalang namin mamaya ng band aid para matakpan ang mga sugat.
"Kaira bilisan mo namang maligo ma lalate na tayo nito eh.Dinadamay mo kami sa kabagalan mo"sigaw ni Rish mula sa labas ng cr..Minadali ko nalang ang maligo ng natapos na lumabas na ako at nagbihis na.Sumunod naman si Jenny.
......
Naglalakad kami papunta sa sarili naming room.History ang unang subject na papasokan ko.Hindi nga pala kami magkakaklase ng tatlo hiwalay ako sakanina.Parang pakiramdam ko nga sinadya din nila na mailayo ako sa mga kaibigan ko.
"Hatid ko muna kayo sa room niyo"sabi ko sakanilang dalawa habang nakatingin parin sa dinadaanan namin.
Wala ng estudyante ang nasa labas.Siguradong nagaaral na sila.Pero pano sila nakapag aral ng maayos kong may ganitong pag patay.
"Hindi na baka malate kapa"sabay na sagot nilang dalawa.Umiling naman ako.
"Hindi pwedi baka nandiyan lang sila sa paligid hindi natin alam"deretchong sabi ko tumango naman sila,at bakas nadin ang takot sa kanilang mukha sa sinabi ko.
Okay na tong matakot sila sa ngayon.Nandito lang ako para sakanila hindi ko sila iiwan magkamatayan man.
Hindi ko na napansin na nandito na pala kami sa room nila.Nagpaalam lang sila sakin syaka ako umalis.
Patungo akong history room ko nong may nasalubong akong grupo na kalalakihan na patungo sa akin.Mga apat sila ayon sa bilang ko.Nagumpisa ng kumabog ang dibdib ko at nag tumagaktak ang pawis.Nakasuot sila ng itim na maskara na may tatak na isang dimonyo tapos napapaikutan ito ng mga dugo,pero hindi ko nakita ang mga mukha.
Minabuti ko nalang na iyoko ang ulo ko at walang sa sariling naglakad ako hanggang malampasan ko na sila, pero ang pinagtataka ko tumigil sila ng paglalakad at pumunta sa harap ko.Kaya napahinto nalang ako.
"Good luck to you newbie"malamig na sabi niya nong nasaharapan ko na ito.Itiningala ko ang aking ulo.Biglang nangatog ang aking paa na hindi maipaliwanag.Double din ang kaba ko sa lalaking nasa harap ko kumpara sa ibang estudyante.
Bakit ganito.
Winaksi ko ang kakaibang nararamdaman ko at bahagyang tinitigan ito.Bigla naman akong natawa ng wala sa oras nong napansin ko parang nakatitig ito sakin.
"What's funny Ms. Martinez"halata sa boses ang pagkaseryuso nito.Napailing iling nalang ako habang natatawa.
"Die or Die"Napaseryuso naman siya sa sinabi ko.Nagulat nalang ako nong bigla nalang niyang hinigit ang braso ko at idiniin ang kuko doon.
Napangiwi naman ako sa hapdi na dulot nong ginawa niya.Pero mabilis na inalis din niya ito.Sa subrang hapdi napahawak ako sa braso ko at inaplos haplos ito kong sakaling mawala ang sakit.
BINABASA MO ANG
Inferno University(School of Monster and Gangster)
Misteri / ThrillerKilling is free