Main Cast
Diana Mackey
Franki Russel
Prologue
First day ng school. High School Freshman. Wow, akalain mo yun makakatuntong ako ng High School? Sino ba naman kase mag aakala eh simula't umpisa I belong to the lowest section sa bawat grado from 1st grade hanggang 8th grade. Pasang awa kumbaga. Marami nga nagtatanong kung ampon lang ba ako ng mga magulang ko. My mom is a great doctor samantalang si Dad ay isang mahusay na Engineer, so nakakapagtaka talaga saan nagmana ang utak ko. Kahit hindi ako natutuwa dahil simula na naman ng kalbaryo sa buhay ko excited pa rin ako kase magkakasama pa rin kami ng dalawa kong bestfriend. Namiss ko sila ng sobra dahil pawang nagsipagbakasyon ang mga eto sa kani-kanilang probinsya.
Kasalukuyan kaming naghihintay sa labas ng gymnasium ng school. Nakakatuwa kase halos lahat ng kaklase namin nung Middle School dito rin sa Oakland High nag-enroll. Oakland High is an exclusive private school at pinakasikat sa buong lalawigan ng West Oakland. Dito rin grumadweyt parents ko kaya dito rin nila ako inenroll. As usual sa lowest section ng freshman ang bagsak ko.
"Tagal naman ng orientation", biglang rinig kong reklamo ni Maza. Hanggang ngayon kase hindi pa rin kami nakakapasok sa loob ng gymnasium. Medyo katirikan na rin ng araw kaya mainit na dito sa labas. Kung mapurol ang ulo ko kabaliktaran naman netong si Maza. Straight A student yan at laging nasa 1st section. Engineering ang kurso nyang kukunin sa college kaya magkasundo sila ni Papa. Ako kaya? Makakapagcollege kaya etong utak ko?
Ayan sa wakas, bumukas na rin ang gymnasium at sumabay na rin kami sa agos ng tao papasok sa loob. Mauupo na sana kami sa una naming nakitang bakanteng upuan nang matanaw namin si Kiara na kumakaway at tinuturo ang mga upuan na nireserved nya ata sa amin sa bandang gitna ng gymnasium. Hay, mawawala pa ata chance kong makatulog neto, ayos na sana dun sa dulong pwesto. As usual late si Kiara. Halata naman dahil sa pinagpapawisan eto at wala pang make up ang mukha. Minsan naaawa na nga kami dito dahil daming sideline na trabaho kaya madalas late dumating sa klase. Maaga kaseng namatay ang tatay nya at wala din naman syang maasahan sa lasengga nyang nanay. Buti na lang may educational plan na nakalaan sa kanya ang tatay nya kaya nabawasan problema nya sa pangtuition.
"Saan kana naman ba rumaket hah at first day of school late ka." Panenermong pabiro ni Jodie after naming maupo sa tabi neto.
"Hay naku mga beshy," humahangos pa na sagot neto sabay pahid ng panyo sa tumutulong pawis sa mukha. "Kinuha ko pa kase mga order ni Mr. Chua then dineliver ko pa sa bahay nya. Kainis pa sira na naman si Clark Kent ko kaya ayun nagkaligaw ligaw ako sa pagcommute."
Sabay pa kaming natawa ni Maza dahil di lang naman ilang beses nasira ang sasakyan neto, kulang na lang hagisan mo na ng posporo dahil lagi na lang sira iyon. Yes, he named his car after his favorite hero si Superman.
"Check ko mamaya after school. Lambingin mo kase. Kulang lang yun sa haplos." Sabay tawa pa ni Maza.
"Tumahimik ka nga. Aga aga ang green ng utak mo," saway ni Kiara sabay dilat dito. "How are you Franki baby, mukhang depressed kana agad ah first day pa lang."
"Sinabi mo pa." Agad ko namang sagot. I'm bored. Ba't kase kailangan pang mag-aral?
"For sure di ka mabobore sa orientation." Takang napatingin ako kay Kiara dahil kumindat pa eto sa akin at ngumiti ng nakakaloko. Ano daw? As if. Ipipikit ko na sana ang mga mata ko ng biglang marinig ko ang boses na kilalang kilala ko. I felt my heart fluterred. Agad kong hinanap ang boses na iyon at hindi naman ako nahirapan.
"Good morning fellow students. Freshman orientation will start in a minute so please all settle down." I cant believe it! Sya nga ang nagsasalita na yun sa stage. Dahil sa medyo hindi ko makita at medyo natatakpan ako ng mga nakaupo sa unahan, hindi ko namalayan nakatayo na pala ako. Ayun mas nakikita ko na sya at mas mapagmamasdan. Ang ganda nya talaga.
"Again freshmen please find your seats so we can start now."
Halos hindi ako makahinga nang magtama ang paningin namin. I gave her my sweetest smile. Bahala na kung hindi nya suklian basta makita nya ang mga ngiti ko na para lang sa kanya. Agad naman etong ngumiti sa akin pero bakit may kakaiba sa ngiti nya? Parang ngiting naiinis?
Nakita kong agad etong bumaba ng stage at lumapit sa may kinaroroonan namin? Agad akong nakadama ng kaba ngunit naeexcite na ewan ang puso ko. Hala, ang puso ko ang bilis ng tibok. Mas naging malaya ko syang napagmasdan habang eto'y papalapit ng palapit. Ang ganda nya talaga sa suot netong light yellow summer dress. Halos nasa kanya na lahat- talino, tangkad at ganda. She's like a walking Goddess. Halos sumabog ang puso ko ng magtama uli ang paningin namin at bigla etong huminto sa mismong harapan ko. Kahit nakita ko na eto ng malapitan hindi ka magsasawang eto'y muling pagmasdan.
"I dont know that being part of the lowest section makes you totally dumb. I ask everyone to take their seats and yet tatanga tangang nakatayo ka pa rin. Are you really that dumb Ms. Russel?"
Huh? Ano daw? At dahil sa wala akong naintindihan dahil na rin sa sobrang kabog ng dibdib ko at ingay dito sa gym, nginitian ko na lang sya ng pagkatamis tamis. Agad naman etong umiling iling at parang ngumingiti pa na ewan.
Kung hindi lang sa paghila sa kamay ko ni Maza, hindi ko pa mapapansin na kanina pa pala ako nakatayo at nakatingin sa akin ang mga estudyanteng malapit sa pwesto namin. Napansin ko rin na halos tumatawa sila habang nakatingin pa rin sa akin.
What's going on? Agad kong tiningnan sina Kiara at Maza ngunit hindi na rin sila nakatingin sa akin bagkus ay nakatingin na sila sa taong nakatayo pa rin sa harapan ko. I immediately turned my face towards her ngunit laking gulat ko na ang lapit lapit na pala ng mukha nya sa akin. My heart started beating fast again at feeling ko ang pula na ng mukha ko.
"Da, Dianer, a-anong problema?" I stuttered. Just being near her makes me breathless. Excited. Joyful. Omg, malala na talaga tama ko sa kanya.
"Just because your dumb doesn't have you the right to show it here, to everyone. Enroll to other school. 'Wag mong dalhin dito ang pagiging isang bobo mo."
Halos panawan ako ng lakas pagkaraang marinig ang mga salitang lumabas sa labi nya. Lubha akong napahiya at alam kong pulang pula na ang mukha ko ngayon. Halos hindi ko na maramdaman kung nakaapak pa ba ang mga paa ko sa lupa. Nararamdaman ko na rin ang pagbagsak ng aking mga luha mula sa aking mga mata. Hindi pa ako nakakarecover nang magsalita uli eto.
"It's Diana to you." Agad etong umalis pagkasabi niyon.
Hay, sabay tingin ko sa itaas para mapigilan ko ang pagkawala ng aking mga luha.
Damn you Diana Mackey.
Damn you for making me feel like this.
I should hate you, but...
Hay bobo ko talaga for liking you.
________
The story was based on the story entitled PS I hate you ata title nun. I hope you will like this story kahit mejo slow burn. Naging fan ako ng Frankiana because of my cousin pero nasa level 3 pa lang muna pagiging faney ko hehe. Bahala na maging delulu just like sa Alyden noon, wala eh may dalang kilig tandem nila.
So yea, lets make our own delulu world, kaya naisipan ko ring gumawa netong story from my delulu brain.
The question is delulu ba talaga? Or for real na? Hehe
Anyways, thanks in advance for adding this in your reading list.
Enjoy reading!
YOU ARE READING
Hate that I love you
Fanfiction"Remember when I told you that I like you? That was a lie. I love you." Franki to Diana. This is a Frankiana story. Slow burn medyo kaya patience lang hehe. Hope you will like it.:)