Chapter Thirteen
Franki POV
"So, Miss Franki how come na bumagsak ka sa pagiging janitor?"
Hay, kulit lang. Actually simula pa kanina, walang tigil na eto sa kadadaldal.
I sighed deeply bago eto sinagot. "Bailey, can we just focus muna sa paglilinis? Marami pa tayong tatapusin."
Hay, 'di ko sukat akalain na ganito pala kahirap ang ganitong trabaho. Lampas dalawang oras na pero hindi pa namin matapos tapos etong paglilinis sa glass window na mas mataas pa sa akin.
Idagdag pa etong kasama ko na parang wala ring alam sa paglilinis. Napaka-tabil pa ng dila. Seriously? Lalaki ba talaga siya?
"Wag mo akong masyadong isipin Miss Franki," sabi pa netong nakangisi pa na ikinataas ko lang ng kilay.
He continued. "Malinis man natin eto or not, lagi naman silang me comment kaya chill ka lang. I know them well enough. Except sa bagong boss daw natin."
Si Diana?
"Bakit ilang years kana ba nagwowork dito?" Tanong ko habang binabanlawan ang mga nasabong salamin. Might as well kausapin ko na lang siya dahil parang hindi naman eto titigil sa pangungulit.
"Years? You're so funny Miss Franki." He's laughing hysterically sa hindi ko malamang dahilan. "I've been here for a month pa lang ata."
Gusto ko na talaga etong batukan. Maka-know them well enough eh isang buwan pa lang pala siya dito.
"Marunong akong kumilatis ng tao Miss Franki, kung yan ang gusto mong itanong."
Wow hah, mind reader lang?
"So, how did you get this job? And bakit janitor eh halatang hindi ka naman marunong."
"Ouch Miss Franki huh, masyado kang mapangjudge," sagot neto sabay tawa. "Gusto ko lang bakit ba? Eh how about you Miss Franki? Paano naging tagapaglinis ang ganda mong yan?"
Wow nemen, marunong mag-appreciate ng beauty. Sana oil.
"Let's just say na I'm thinking about the future. Gusto kong magsave," I answered after a while. "Besides, I wanna impress someone."
Imbes na sagutin ako, tumawa na naman uli eto. Yumuyugyog pa nga balikat neto sa sobrang pagtawa.
"Really Miss Franki? You wanna impress someone? By working as a janitor? Nako huh sabihin mo sa akin kung naimpress mo nga, true love yan." He said still chuckling.
Babatuhin ko na sana eto ng timbang punong puno ng sabon when I noticed na parang natahimik eto at may tinitingnan kaya agad din akong napalingon sa likod.
Si Diana.
Si Diana na naka-eyeglasses na ngayon.
Si Diana na nakasuot ng black skirt at white sleeveless blouse at red lipstick.
Si Diana na nakakatakot ang tingin.
Agad kong nabitawan ang hose na ginagamit ko sa paglinis causing it to spill some water on the pavement. Shit!
"Da, Diana uhm," I stuttered dahil obvious naman na kinakabahan ako ngunit hindi ko na nabigkas ang susunod kong sasabihin dahil agad rin etong umalis.
She slammed the door hard causing for the open/closed sign to clattered on the floor.
Hanep lang.
"Da, that's our big boss? Bakit first name basis na kayo?" Mukhang pati eto ay nagulat sa mga nangyari.
It took me a while to recover ngunit bago ko pa man masagot si Bailey, biglang iniluwa ng nakasarado uling pinto si Jessica, yung staff na nag-instruct kanina. Pinapatawag raw ako sa office ni Diana.
YOU ARE READING
Hate that I love you
Fanfic"Remember when I told you that I like you? That was a lie. I love you." Franki to Diana. This is a Frankiana story. Slow burn medyo kaya patience lang hehe. Hope you will like it.:)